I'm trying to cope up with the pain, pinilit ko ang sarili kong gumising sa umaga para pumasok. Lagi akong nag-o-overtime upang pag-uwi ko pagod na ako at matutulog na lang ang gagawin ko. I tried so many times to patch things up between me and Ralph pero sa tuwing pipindutin ko na ang send button natatauhan ako. I just end up crying. Masakit pa rin isipin na ang taong pinangarap kong makasama hanggang pagtanda ko ay hindi ako ang gustong makasama. Hindi rin ako kayang ipaglaban.
It's Saturday again,dati kapag ganitong araw. Nasa bahay lang kami ni Ralph, movie marathon ang madalas naming gawin. It's time to move on, tama na ang pagmumukmok. I open my laptop para malibang ako. I signed in to my FB account,hindi kaaya-aya ang nakita ko. It's Ralph and Kathy, ang backdrop nila ay beach at sunset. This is bullshit! I-unfriend ko ba or hayaan siya sa list ko para makita ko ang kaganapan sa buhay niya.Masokista nga yata ako like Cacai said. Ilang linggo na ba since I last heard from that moron? Four? Five? ....and I'm still in mess. What will I do?
I browse thru the net on way how to cope up with break up. Parang tanga lang ako, may isang chat site na kumuha ng attention ko. Pumasok sa ako chatroom na iyon.Observing how the conversation goes, mostly mga Pinoy ang nag-uusap. May nakapansin sa pag-pasok ko at binati ako.
Super I : Hi Lazy Doll.
Lazy Doll : Hello.
Super I : ASL?
Teka ano ba yong ASL? Anak ng tinapa...ganun na ba ako katanda? Hindi ko alam ang mga terms na ginagamit sa chatroom na katulad nito. Nag-type ako sa keyboard ko.
LazyDoll: Sorry I'm new in this CHAT THING, hindi ko alam ang mga terms na ginagamit dito.
LazyDoll: Ano ang ASL?
Super I : Ah okay, Welcome sa CYBER WORLD LazyDoll.
Super I : Guys i-welcome natin si LazyDoll.
Rinoa BABE: Hello Lazy Doll, welcome sa cyber world. I-enjoy mo lang.
Super I : ASL means AGE,SEX,LOCATION @Lazy Doll.
LazyDoll : Thanks@ RinoaBabe. @Super I ,yon pala iyon. Hehehe.
LazyDoll: 23/F/Cebu. You?
Super I : 22/F/Manila.
LazyDoll: It's nice to meet you Super I.
Super I : Same here LazyDoll ^_^.
Super I : What brings you here Lazy?
LazyDoll: Lazy talaga,pwedeng Doll na lang.
Super I: Okay,Doll what brings you here?
LazyDoll: Naghahanap ng makakausap.
RinoaBabe: Hi Doll.
Super I : Ei Rinoa, saan ka galing?Bigla ka na lang naging tahimik diyan.
RinoaBabe: Sa Family Mart,bumili ng makakain.I'm starving.
Super I: Starving talaga..
RinoaBabe: Saan ka ngayon Doll?
LazyDoll: Cebu,ikaw?
Super I : Nasa Myanmar si Rinoa ngayon.
LazyDoll: Oh..ang layo.
RinoaBabe: Hehe.
LazyDoll: Matagal na ba kayo dito?
RinoaBabe: Kami ni Super I ang palaging tambay dito.
Hindi ko namalayan na madaling-araw na pala.Mabuti na lang wala akong pasok. I decided na magpaalam na sa chatroom. Si Super I na lang ang natitira dahil kanina pa nagpaalam si RinoaBabe.