Chapter Two: Who is Amiah?

46 1 0
                                    

Amiah PoV

I'm Jeremmiah Alviz, my friends and relatives preferred to call me Amiah. I'm the above-average looking girl, tall and slender. During my high school days, lagi akong muse or kaya naman representative ng barangay namin sa mga beauty contents na gustong salihan ng chairman namin. Nung mag-college naman ako, lumipat ako ng Cebu City para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. After graduating, dito na rin ako nakahanap ng work. It's been my childhood dream to be a Flight Attendant, ginawa kong stepping stone ang pagiging airline reservation officer ng isang domestic airline company. It's a head start to my career. It pays well kaya hindi na masama.
I was born and grew up in Davao. Napadpad lang ako sa Cebu nang mag-college ako. Dito na rin ako nakahanap ng trabaho. I live in a small-owned unit apartment, actually parang townhouse ito. My parents owned the lot and decided na patayuan na lang ng 3-unit townhouses. Malapit lang ito sa mga universities kaya magandang gawing for rent ang dalawa pang unit for my extra income. My family owned several businesses in Davao at may maliit na farm si Papa na hindi maiwan-iwan,kaya mabibilang sa daliri na pumunta siya sa Cebu upang dalawin ako. Madalas ako ang pinapauwi nila upang mag-bakasyon sa Davao. I'm the eldest among their 3 girls. I have twin siblings na mahal na mahal ko. I was already in college nang ipinag-buntis sila ni Mama, menopausal babies na ang mga ito. 8-years old na silang pareho, si Autumn and Winter. They're my sweethearts.

"Girl, sama ka mamaya sa night out ng tropa ha? " sabi ni Cacai, officemate at best friend ko. Sabay kaming nag-apply sa company at parehong natanggap.

"Sure.Ilan ba ang kasama? At saan ang punta natin?" tanong ko habang ang mga mata ay nasa monitor ng computer ko doing my report. Checking all the reservations I did for today.

" Sa Blossom Bar along Maxilum Ave. It's a newly opened bar owned by a friend of a friend. " sagot ni Cacai sa akin.

" Okay,count me in. Magti-text lang ako kay Ralph. " boyfriend ko ang tinutukoy ko.

"Sus, hindi pa nga kayo kasal kung makabakod sa iyo daig pa ang isang asawa." sabay simangot.

I can't blame her, minsan kasi sobra na ang higpit ni Ralph sa akin. Boyfriend ko siya for almost two years now. Nagkakilala kami thru a friend of a friend. We're engaged to be married pero wala pang definite plans for the exact date ng wedding. I love him, his flaws, pimples and all. Kahit na madalas sa hindi, we argued sa pagiging nagger niya. Kahit napakaliit na bagay,may masasabi siya palagi. He wanted me to change for the better because for him I'm still not good enough for him. Minsan nasasaktan na ako, I always asked him "why can't you love me for me?" Kahit minsan sobrang bugbog na ako emotionally. Nahiling ko minsan sana pag-gising ko hindi na siya ang mahal ko, pero ang isiping mawawala siya sa akin. Hindi ko kakayanin. There were some instances that he compared me to all his past relationships.

I just want a quiet moment with him. Holding his hand, kaya ko nang makontento sa ganun pero gusto niya iyong laging may conversation between us. Minsan nga nonsense na lang ang mga sinasabi ko dahil pagsisimulan ng misunderstanding namin ang pagtahimik ko. He blames me for everything kahit minsan iniisip ko healthy pa ba ang makasama siya? Para na akong baliw na kinakausap ang konsensya ko. We're engaged pero ayaw sa akin ng family niya. Hanggang ngayon sinusuyo ko pa rin ang mom niya, na sabi nga ng kaibigan ko hindi pa naman dapat dahil hindi pa kami kasal. Gusto ko lang na hindi maipit si Ralph between me and his family kaya ginagawa ko iyon.

" Amiah to earth! Girl you're spacing out again." kanina pa yata nagsasalita si Cacai.

" Sorry naman, tapusin ko lang itong report ko. Talk to you later. " paalam ko sa kanya at nagmamadaling tumungo ako sa printing area. Uusisain na naman ako ni Cacai kapag hindi ko ginawa iyon.

At the bar.

Hindi ko makuhang mag-enjoy dahil hindi pumayag si Ralph na sumama ako sa night out ng mga ka-officemates ko. Kung anu-ano na ang sinabi niya sa akin,hindi ako nagsabi sa kanya upang hingin ang pagpayag niya. Nagsabi ako sa kanya dahil he deserves to know my whereabouts dahil boyfriend ko siya. Gusto ko na namang mag-self pity dahil sa mga sinabi niya.

" Hoy! Ito itagay mo,tumatanda ang itsura mo sa kakaisip sa perfect mong boyfriend. " sabay-abot sa akin ng isang maliit na baso na may lamang tequila.

Lumalim ang gabi, mabuti na lang hindi ako tinigilan ni Cacai. Siya ang naging clown sa buong gabi na nasa bar kami. She's truly my friend pero ayaw niya kay Ralph.

I'm so waisted the next day. Sobrang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng matiwasay sa unit ko. I checked my phone. Ang daming text messages and miscalls from Ralph.Mamaya ko na lang siya tatawagan. I'm not in the mood to talk to him, wala pa akong lakas para makipag-debate sa kanya. Instead I called my family in Davao. I miss them so much especially the twins. After an hour of kulitan over the phone, gumaan na ang pakiramdam ko. Naligo muna ako then nag-open ng laptop,to go over the net. Hindi pa ako nagtatagal sa pagba- browse ng tumunog ang buzzer ng gate ko. Bago ko buksan sinilip ko muna kung sino ang nasa labas- si Ralph.

" Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko even my text messages? Sumama ka pa rin ba sa night out kahit na hindi ako pumayag? " ni hindi man lang ako nakuhang batiin, niratrat na agad ako ng mga tanong ni Ralph. Hindi rin niya ako hinalikan sa pisngi, which he usually do kapag nagkikita kami.

Tinignan ko lang siya. I'm not in the mood para magpakumbaba at aminin na mali ang ginawa ko. I'm so not in the mood for him.

" Amiah tinatanong kita! " tila nadagdagan lalo ang badtrip niya sa akin dahil hindi ako nagsasalita. Ayaw na ayaw niya na tahimik ako lalo na kapag naba-bad trip na siya. Ang lagay eh siya lang ang may karapatang ma- bad trip.

" If you came here just to nag me. Ralph sa ibang pagkakataon na lang. I'm so not in the mood for this one. And to answer your question... OO sumama ako sa kanila." naiinis ko ng sagot sa kanya.

" Bakit ang tigas ng ulo mo? Kapakanan mo lang ang iniisip ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala natin kapag nakita ka nilang nagwawala sa bar nang hindi ako ang kasama mo? " naiiritang sabi ni Ralph habang pigil ang kaliwang braso ko.

" My goodness Ralph! Hindi ako nagwawala sa bar. I was there with my officemates. At isa pa I don't care kung may makakita sa akin na kakilala mo. Ang alam ko wala akong ginagawang masama." matigas kong sabi at naramdaman kong biglang sumakit ang sintido ko.

Huminga ako ng malalim, at nagsalita ulit.

" Umalis ka na Ralph, let's just talk some other time."

Nagmamadali na akong pumasok sa loob ng unit ko at ini-lock agad ang pinto. Narinig ko pa ang pagkatok ni Ralph sa labas ng pinto. Pumunta ako sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig sa ref. Inisang lagok ko ang isang baso ng malamig na tubig upang maibsan ang pagsakit ng ulo ko. Nakakatuyo ng utak kausap si Ralph.

After few minutes kumalma na ako. Wala na rin ang maingay na pagkatok sa main door ko.Dumiretso na ako sa room ko at natulog ulit. Pag-gising ko hapon na. Nakakaramdam na ako ng gutom pero tinatamad akong magluto. Agad-agad akong naligo at tumungo sa mall upang doon kumain. I need my comfort food sa favorite restaurant ko. Ilang sandali pa, nakontento na akong inuubos ang milk tea with yogurt and caramel sea salt.

I texted Ralph after dahil okay na ako. I asked if he could come over for late dinner.

" Hon, let's have dinner tonight. At my place if you're free, I love you." then I press send button.

After two hours, nakabalik na ulit ako sa unit ko. I checked my phone pero wala pa ring reply from him. Si Cacai at ang twins lang ang may text sa akin. Nanood na lang ako ng tv pampalipas ng oras. It's past bedtime ng tumawag ang loko sa akin.

" Hello Hon." bungad ko

" Amiah birthday ng kuya bukas. Susunduin kita after work, my relatives wants to meet you." wala man lang lambing at hindi ako tinanong kung gusto ko bang sumama at makilala ang relatives niya.

" Okay...nareceived mo b----" hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko, ibinaba na agad niya ang phone niya.

Gusto kong maiyak sa inis. Humanda talaga siya sa akin.

Itinulog ko na lang ang inis na nararamdaman ko.

Author's Note:

Amiah Pov po, enjoy.

I Need to be Next to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon