Hi Ms. Jeremmiah Alviz. I'm Christianne Dominguez, call me Lian." ang aliwalas ng mukha nya. I'm standing right beside her, still couldn't believe na nagpapakilala ako sa kanya ng harapan.
"Titignan mo na lamang ba ako the whole night and won't say any words. Ang layo pa naman ng pinanggalingan ko just to meet the girl who wouldn't let me sleep since I met her in that chatroom."
Inabot ko ang kamay ko for handshake pero mukhang lutang pa siya but I find it amusing
"My bad, I'm Amiah. Paanong nandito ka, kausap lang kita sa text kaninang umaga." tuloy - tuloy na labas ng mga salita sa bibig nya.
"Pinadalhan mo pa ako ng flowers earlier." nakangiti lang ako sa kanya.
"I didn't know na madaldal ka pala in real life." natatawang sabi ko.
" Ganun ba ako kadaldal, pasensya ka na. You really surprise me."
"None taken. Gusto talaga kita i-surprise."
Pakiramdam ko nahanap ko na yong babaeng magpapatino sa akin, pero ang tanong magustuhan kaya nya ako? Pumapatol ba siya sa kagaya ko?
" My bad, should we go to a more quieter place? So we could talk?" tanong ni Amiah sa akin , para lang akong timang na nakangiti sa bawat sinasabi niya.
Ang ganda ng mga mata niya, light brown ito na binagayan ng mapilantik na pilik-mata. Mahaba rin ang kanyang buhok na hinayaan niyang nakalugay hanggang bewang, tila gusto kong hawakan.
" Lian to earth?!" nagising ako sa aking pagdi-day dreaming habang nagsasalita siya.
" Oh I'm sorry. Masyado lang ako na-a-amaze na kaharap kita ngayon, Amiah in the flesh." natatawa kong sabi.
" Ikaw ang bahala, you know this place.But wait sabihan ko lang yong kasama ko na mauna na siyang umuwi sa hotel room niya. One moment." hindi ko na hinintay ang sagot niya, pinuntahan ko si Addie sa may bar, kausap ang isang foreigner.
" Addie, I already met her. Kaya mo namang umuwi sa hotel di ba? " sabi ko sa kaibigan ko lahit hindi ito nakatingin sa akin.
" Okay. Let's just talk pagbalik mo sa hotel. Hayaan mo na ako dito sa new friend ko." ang sagot ni Addie sabay tawa na tila nangaakit-, pero alam kong hindi para akin yun.
Bumalik na ako kay Amiah, may kasama na siyang dalawa na nakaupo at abala sa paguusap.
" I'm back!" nakangiti kong sabi, tumingin sa akin ang babaeng kasama ni Amiah.
" Hey, btw meet my friend Cai, Lian. "
" Lian meet Cai." pakilala nya sa kaibigan niya.
"Hi, I'm Lian." sabay abot ko ng kamay ko for handshake.
Inabot naman ito ng kaibigan niya sabay ngiti.
" Ingatan mo friend ko ha, huwag mo siya gawing second priority lang."
" Don't worry Cai, lagi siya ang priority ko." galing sa pusong sabi ko kahit hindi pa malinaw ang kung ano ang meron sa amin ni Amiah.
"Timang ka talaga." natatawang sabi ni Amiah sa kaibigan.
"Pasensya ka na sa kaibigan ko Lian, masyadong advance mag-isip."hingi ng paumanhin ni Amiah sa akin, sabay hila sa kamay ko upang lumabas sa restaurant na iyon.
Nasa labas na kami ng restaurant at naririnig ko na siya ng maayos.
"Saan mo trip pumunta? Nagdinner ka na ba? Maybe we could dine, I have this favorite place in Pescadores Road." sabi ni Amiah sa akin.
" You lead the way. Ikaw ang tour guide ko for the night." natatawa kong tugon sa tanong niya.
" Okay, welcome to the Queen City of the South Lian, I hope you'll enjoy your stay."
"I will, lalo na ikaw ang kasama ko." masaya kong sabi sa kanya.
Narating namin ang lugar na sabi niya. Not as tourist-y as earlier, but I like the place. Saka ko lang napasin na hawak ko pa rin ang kamay ni Amiah. Aaminin ko ayaw kong bitawan ito, first meeting namin.Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala, ang dami nyang kwento. Tila hindi ito mauubusan ng sasabihin. I never met a girl na sobrang daldal, pero yong daldal niya- in a cute wAY-KUNG MERON MANG GANUN.
" So ilang araw ka dito sa Cebu?" nang nakaupo na kami sa pinakadulong bahagi ng restaurant na iyon, habang hinihintay namin ang order namin.
"Gusto mo na ba akong umalis?" biro ko sa kanya.
" Sira, nagtatanong lang ako. Hindi ba pwedeng malaman. Malay mo masamahan kita sa paglilibot sa buong Cebu." pilya nyang wika sabay kindat sa akin. Hindi ko mapigilan na hindi kiligin. Yong level ng happiness na nararamdaman ko hanggang dulo ng buhok ko.
" Hindi pa ako sure, depende sa iyo." balik kong sabi sa kanya.
" Hala siya. Bakit nakadepende sa akin? " kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Seriously speaking, depende sa mahahanap kong place na pwede kong pag-istayan. Wala pa kasi akong place na nahahanap, we just headed right away sa unang hotel na sinabi sa amin ng taxi naghatid sa amin."
" My plan is BnB sana."
"iKaw lang ba? Or kasama yong friend mo?" tanong ni Amiah sa akin.
"Ako lang, wala sa plan ni Addie na mag-stay dito sa Pinas ng matagal. His job is in Japan."
" Wait, tama ba ako ng narinig? He as in " He"? nanlalaki ang matang tanong ni Amiah sa akin.
" Yes, he's a He, mukha lang siyang She." natatawang wika ko.
" Oh, she's pretty. Nakakahiya nga tumabi sa kanya kasi para siyang artista. Si Marian Rivera ang kamukha niya."
" No, you're prettier." seryoso kong sabi, hindi ko na mapigilan na hindi siya halikan sa labi- just a soft peck.
" What's that for?" siya, nang pareho kaming matauhan sa ginawa ko.
" I should say sorry, pero I'm not sorry. I'm not sure if you're also into me, kahit ganito ako...but I took the chance para malaman ko."
" Huwag mong maliitin ang sarili mo Lian. I'm not sure kasi this is first time na may nagpakita ng interest sa akin na katulad mo. I'll be honest, you excite me." namumulang tugon niya.
"That's a good start. Don't worry,we're in this together. "masaya kong sabi sa kanya.
Hindi nagtagal dumatin na ang order namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/9351780-288-k630165.jpg)