Dinner with Ralph's family is like crossing a thin rope and drop at the end of it. Kahit ayaw kong pumunta, wala akong nagawa. He never gave me a choice. Pag-labas ng office, Ralph's already there standing beside my car. Kasabay ko si Cacai palabas kaya nakita kong nag-iba agad ang facial expression ni Ralph.
" Girl lihis ka na ng daan bago ka mabugahan ng apoy galing sa dragon." bulong ko ng pasimple sa kaibigan ko.
" Makipag-break ka na sa kumag na 'yan bago mo pagsisihan ang lahat.." wika ni Cacai at saka umiba ng daan.
Nailing na lang ako. Hindi ko rin naman siya masisi kung ayaw niya kay Ralph. Ang first meeting nila ay hindi na maganda. Likas na maingay si Cacai, straight-forward na tao at may ugali ito na kapag hindi niya gusto ang isang tao. She won't hold back for that person. Nakita kasi niyang hinihila ako ni Ralph palabas ng party,not allowing me to explain myself.And the rest is history.
" Hi hon." bati ko kay Ralph sabay halik sa pisngi.
" May dala ka bang damit? " iyon agad ang tanong niya sa akin. Walang mababanaag na kahit anong emosyon sa mukha niya. Poker face lang, parang hindi man lang natuwa na makita ako. Gusto ko siyang sagutin ng pabalang pero nag-timpi na lang ako.
" Yeah, nasa back seat." pinili kong i-sagot sa kanya.
Inabot ko ang susi ng kotse sa kanya. He knows how to drive, courtesy of me. At dahil na rin sa pamimilit niya sa akin. Sabi nga niya, kung ano ang sa akin sa kanya at sa kanya sa akin. Pero minsan natatanong ko ang sarili ko, ano nga ba ang sa kanya na naging sa akin? Ang pamilya niya? Ang nanay niyang laging maasim ang mukha kapag napapasyal ako sa kanila.Or ang kanyang napakalaking EGO.
" Sino-sino ba ang mga bisita nyo doon? " naisipang kong tanungin habang nasa daan pa lang kami.
" Yong mga relatives ko at ilang mga kaibigan ni kuya." matipid niyang sagot.
Isang tanong, isang sagot ang naging ang naging set up namin habang nasa loob kami ng sasakyan. Nakakabagot, hindi naman ako isang dakilang taga-aliw niya kaya I decided to keep my mouth shut. I just turn on the radio dahil masyado akong nabibingi sa buntong-hininga ko.
Dumaan kami sa isang cake shop para bumili ng cake. I insisted, nakakahiya naman kasi sa mga dadatnan ko doon sa bahay nila. Nagbihis na din ako doon dahil mapilit siyang magpalit ako ng damit ko. Isang simpleng white sunny dress na regalo sa akin ni mama noong birthday ko.
May mga tao sa labas ng bahay nila. Nag set up sila ng make-shift gazebo sa harap ng bahay. May mga nag-kakantahan at saktong ang kinakanta pa ay I will survive. Yeah! I will survive this. Ako yata si Amiah Alviz.
Pagpasok namin sa gate, may bigla na lang humalik kay Ralph. Okay lang sana kung sa pisngi lang eh,pero ang ikinagulat ko sa labi ng boyfriend ko humalik ang babaeng maputla na ito.
" KATHY! " nagulat na sabi ni Ralph,pero agad din itong nakabawi. Ngumiti ito ng ubod-tamis at saka nagsalita ulit.
" You're here..." pinagmasdan ko ang reaction ni Ralph, parang ngayon ko lang siya nakita na ganun kasaya, pero hello! nandito ang girfriend sa tabi. Ang sarap lang batukan ng dalawang ito, abot hanggang Bantayan Island ang mga ngiti nila.
Really?!
" It's so nice to see you again Dee." malanding sabi nito kay Ralph.
" Ralph is so ecstatic to see you again, whoever you are. By the way I'm Amiah. Ralph's fiancee and soon to be Mrs. Ralph Ochoa." nakataas na ang isang kilay ko sa pinagsama-samang emosyon. Halata ang gulat sa mukha ng babaeng espasol sa sinabi ko. At hindi maalis ang tingin sa kamay kong nakahawak sa braso ni Ralph.