Chapter Five: Lian

80 1 0
                                    

" Christianne!" huli na para itago ang ginagawa namin ni Carmela.

Patakbong lumabas si Jess, I ran after her. Mabuti na lang madalang ang mga taxi sa subdivision namin.

" Jess, let's talk." pigil ko sa braso niya.

" May dapat pa ba tayong pag-usapan? " puno ng pait ang tinig niya.

I wanted to hug her to ease the pain that she's going through right now.

" Hindi ko gusto iyon. Si Carmela ang nag-initiate and I was cornered. Please pag-usapan natin ito." nagmamakaawa ako sa kanya.

Maingay pa rin sa loob ng bahay, kasama ng mga classmates kong graduates din. I invited them all dahil hindi naman masyadong nag-abala ang tatay ko sa paghahanda para sa graduation ko.

" Hindi gusto? That's bullshit Lian! Nakapikit ka, tapos nakahawak pa sa waist nya. Ganun ba ang na-corner?! My goodness,you're making out with other girl while I'm around. Kung nahuli pa ako ng konti baka hindi lang iyon naabutan ko." matigas na sabi ni Jess. The anger ,hurt and frustration's visible in her voice. She feels like crying pero pinipigilan niya.

" From now on tapos na tayo. Ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang pagmumukha mo." huli niyang sabi bago pinara ang taxing nagdaan.

Hindi ko man lang napigilan ang pag-alis niya. I didn't had that chance to explain my side, pero may dapat pa ba akong ipaliwanag? After nong eksenang nakita niya.

" Ma'am Lian...pinatatawag po kayo ng Daddy ninyo." ang sabi ng boses na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

" I don't want to see anybody right now, go away!. " naiirita kong sabi sa kasambahay namin nawala namang kasalanan kundi sundin ang utos ng Daddy ko.

Ilang weeks na ba akong ganito? Ilang weeks na rin ba buhat ng huli kong makausap si Jessine? Lagi niya akong pinag-babaan ng telepono. I keep sending her flowers pero wala akong natatanggap na kahit anong isang salita mula sa kanya. I miss her. I badly miss her.

" Hija? Si Daddy ito. Please open the door." tila naiiyak ang boses ni Dad. 

Bigla akong na-guilty,dahil ang tanging taong nakakaintindi sa akin nilalayuan ko. Pero hindi ko kayang harapin si Dad nang ganito ang itsura ko .

" Dad, I'm sorry but not now. I don't want you to see me like this." sabi ko.

" I'm worried about you hija." sabi ulit ni Dad.

" I'll be fine Dad." sabay hinga ng malalim.

Narinig ko ang footsteps ng Daddy ko kong palayo sa pinto ng kwarto ko.

 I dialled Jess,' number. After few rings, glad she pick it up. Pero ang ingay lang ng paligid ang naririnig ko. Wala siya sa bahay nila, parang nasa bar siya. May naririnig pa ako nagsasalita sa background niya. Kailan pa siya pinayagan ng papa niyang lumabas at pumunta sa mga ganung bar?

" Mahal ? Where are you? Please talk to me..." sabi ko, hoping na magsasalita siya sa kabilang line.

Ilang minuto pa ang lumipas pero tanging ang ingay lang sa paligid kung saan naruruon ngayon si Jess ang naririnig ko. Ibinaba ko na ang phone ko dahil wala rin naman akong napala. I just texted her, hoping against hope na mag-reply siya.

"Hi Mahal! Please reply give me another chance. I regret everything I did to you. Sana bumalik ka na sa akin. I'll be good na. I miss you badly . "

- totoo lahat ng sinabi sa text ko hoping na mararamdaman niya ang lahat ng ito.

Nag-ring ang telepono ko sa tabi ng bed. Napatingin ako sa alarm clock ko na nasa tabi lang nito. Maaga pa, ilang araw na ba akong nakakulong sa room ko? Hindi ko na matandaan pa. Lumalabas lang ako kapag may kailangan akong kunin sa labas.

I Need to be Next to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon