1.0 New Friendship

3.9K 53 7
                                    

ARA’s POV

Natapos na din sa wakas ang 4-hour straight na classes ko, buti nga at classmate ko si Carol sa ibang subject kaya hindi ako masyadong nabored. Puro pagpapakilala lang naman ang ginawa, eh kilala na naman ako ng mga classmates at profs ko, yabang noh? Pero I’m really bored na talaga at feeling ko it will not be a good day for me!

Sabay-sabay kami kakain ng ilang Lady Spikers sa cafeteria for lunch.

BBFs!!!” sigaw ni Carol. (Best Bully Friends)

We hugged each other na parang sabik na sabik sa isa’t isa. Hindi naman kasi nakadorm yung iba sa amin, pero hindi rin naman kami kumpleto ngayon. Present sa table namin sina Ate Aby, BBFs namely Mika, Cienne, Camille, Carol at ako, at syempre si wafs Kim. Di siya kasali sa BBFs pero certified bully yan!

Sa kabilang tables ang ilang rookies at mga athletes ng iba’t ibang sports. Ayun hinanap ko syempre ang MBT (Men’s basketball team) lalo na si Mr. Thomas Torres. Inggit nga ako kay Desiree Cheng dahil may picture sila ni Thomas. Eh pano ba naman kasi nahihiya na ko sa kanya dahil pinepair-up kami as Thomara. >.< And by the way, lahat kaming BBFs may crush kay Thomas, kaya iniinggit ko din sila ng love team namin! Haha..

Uy guys order na tayo, na brain drain ako dahil sa sunod-sunod na klase eh.” sabi ni Mika kaya naputol ang pagmomoment ko. Best ang tawagan namin, just so you know. :P

Ye, puro introductions palang na drain agad ang utak mo, pano na pagnatambakan ka pa ng projects?” sagot ni Kim kaya nagtawanan kami.

Tsss, eh puyat ako kagabi kaya ganun.” Pacute si Mika ng sinasabi niya yun.

Aysus may katext ka lang na bagong boylet kagabi, eh andami kasing may crush sayo.” sabi ni Carol.

Tumayo na si Mika at nagmake face samin, ng dumating sina Jeron, at kasama pa sina Thomas at Gabby. O_O Close si Jeron kina Ate Aby at Mika dahil sa Gatorade, medyo close din naman kami dahil classmate namin siya ni Carol sa ilang subject. Umupo ulit si Mika na ngiting-ngiti, siguro dahil kay Thomas. Hmmph!.

Hi girls, pwede bang makiupo, medyo puno na kasi ang cafeteria, saka yung table ng team puno na rin at magulo." bati ni Jeron.

Oo naman, ng magkaroon naman kami ng boys dito.” sagot ni ate Aby.

Uy te Aby, eh anong tawag mo kay Kim?” sabi ni Cienne kaya nagtawanan kami pati ang mga boys.

Girls, nga pala, kilala niyo naman siguro sina Gab at Thomas? Parehong englisero yan.” sabi ni Jeron.

Hehe, it’s our first time na makasabay sa inyo. It is a pleasure to meet you, and we also know all of you as well.” sabi ni Thomas, kinikilig ako sa accent niya, ang cute cute niya pa din! XD

Hi girls, pleasure to meet you also.” sabi ni Gabby. Ano kayang nakain ng tatlong to at naisipang sumabay sa amin, wala namang okasyon. Ay tama, hindi pa pala sila kumakain. Hehe. Pero madami naman siguro silang ibang friends?

Tumabi si Thomas kay Mika, dapat pala sa dulo ako umupo. Umurong naman sina ate Aby at Camille para makaupo si Gabby. (see the pic for seating arrangement)

Ehem, BBFs bat biglang natahimik kayo?” biglang sabi ni Kim kasi wala ngang nagsasalita samin after umupo ni Thomas.

What’s BBFs?” amused na tanong ni Gabby, in fairness cute din tong isang to, sobrang puti lang tulad ni Jeron.

Life is Complicated ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon