14.0 Ceasing Discomfort

2.1K 33 7
                                    

                Uneasiness is the discomfort we often feel when we don’t like something. It is an annoying feeling that we can take away by seeking explanation and acceptance.

ARA’s POV

8:00am na ng nakabalik ako sa dorm after namin magjogging ni Thomas. Bago kami umuwi, sinabi niya pang kung may problema ako about anything even about love life, wag akong mahiyang mag-open up sa kanya. Eh siya lang ata ang pinoproblema ko kahit sa love life. :P Hindi din ako convince na wala na siyang feelings dun sa Ara na yun. Sa dami-dami rin ng pangalan sa mundo, hay naku talaga!

Tsk, ang tagal mo naman umuwi. Masyadong nawili?” Bungad sa akin ni Kim.

Nasaan yung iba? Sina ate Aby?” tanong ko.

Di ka pa nasanay, syempre naggalaan, umuwi sa kanila, nakihangout with other friends. Syempre ako din aalis mamaya. :P

Iiwan mo ko mag-isa dito?” pacute kong sabi kay Kim.

Edi magpasama ka kay Thomas. >:) O kaya kay Gabby? :P

Che! Masgusto ko pang mag-isa dito! Kakainin ko lahat ng pagkain sa ref!

Bahala ka. :P

-o-o-o-

After lunch umalis si Kim, at eto ako, bored na bored sa mga palabas sa TV. Dapat nasa galaan din ako eh, pero wala man lang nagyayaya sa akin. :( Ayoko naman unang magyaya baka ireject lang ako. Magtutweet na nga lang ako, sana may pumansing friends ko.

(Twitter conversation)

Me: Dying of boredom, please save me!

Kim: @VSGalang may you rest in peace. >:P

Me: @kimfajardo9 ang sama mo!

Kim: @VSGalang i-tag na kasi kung sino ang gusto mong savior mo!

Cienne: @VSGalang @kimfajardo9 si ano ba yan? >:P

Carol: @VSGalang @kimfajardo9 @cienneycruz yung uber gwapo na uber puti na uber tangkad? >:)))

Hala sumawsaw ang mga bully. Kala ko busy sila pero nagkakatime pag-ibubully ako! Di na ko nagreply sa kanila tapos biglang may nagtext sa akin.

Gabby: Ara, I’ve seen your tweet. Want to play something? Like PS3?

Che! Naiilang pa rin ako sayo! After mo kong yakapin, inaasar na tuloy tayo tapos parang wala lang sayo. >:(

‘Gabby is calling’ ---Hala tumawag pa nga!

(Phone conversation)

Gabby: Ara, hello? Did you receive my text?

Me: Ahh kasi…

Gabby: I’m sorry for making you uncomfortable. I just want to explain about…

Me: Sige Gabby, gusto ko maglaro ng PS3. Yung NBA 2K13 meron ka? (Hindi ko siya pinatapos baka kasi about sa yakap yun. >.<)

Gabby: Yes. Okay, I’ll pick you up at your dorm.

Me: No, ako nalang pupunta. Sa dorm niyo ba? Teka baka madami kayo diyan? Sa kanila ka nalang makipaglaro.

Gabby: Nope, ako at si Jeron lang. He’s at his room, sleeping.

Me: Okay, sige pupunta na ko. Magtetext nalang ako pagnandyan na ko.

Binaba ko na yung phone. Wala din naman akong magawa dito kaya makikipaglaro nalang ako ng PS3. Saka para di na ko mailang kay Gabby, madalas pa naman kaming magkakasama.

----end 14.0

Life is Complicated ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon