22.5 Library Smack

2K 33 7
                                    

                Do guys really steal a kiss even for no reason? It will be a worst nightmare if you don't like him. But it will be the sweetest thing if the feeling is mutual.

ARA's POV

Nakakahiya! Natapilok pa ko sa harap niya, nakakainis!

"Ara, kamusta ang gabi niyo ni Gabby? >:P" bungad sa akin ni Kim.

"Ano? Magkasama sila ni Gabby? Bakit? Ayyie!" sabi ng ibang spikers. Nasa living room kasi sila at gumagawa ng assignments. Buti talaga hindi nakastay dito sina BBFs kundi tatadtarin din nila ako ng asar at tanong.

"Wala!" pagalit kong sabi at dumeretso na ko sa kwarto.

Agad akong humiga sa kama at nagtalukbong ng unan sa mukha. Gusto ko sumigaw kaso baka marinig sa labas.

'I like you Ara.' ---Nananaginip lang ata ako, o kaya mali ako ng rinig. Bakit niya naman sasabihin ang mga yun? Pinagpapraktisan niya kaya ako para kung sakali na magcoconfess siya sa maganda niyang crush? Pinagti-tripan niya kaya ako? Hay, ang sakit sa ulo! Imposible naman kasi...

"Uy Ara, ba't ka galit? Nag-away ba kayo ni Gabby?" tanong ni Kim. Umupo siya sa kama ko at bumangon na din ako.

"Hindi noh. Natapilok kasi ako paakyat. Paano kung na-sprain ako, edi hindi ako makakapaglaro di ba? Nakakainis!" Tsk, medyo OA ang pagkakasabi ko.

"You're not a good liar. :P Ano ngang dahilan?"

"Eh kasi..."

"Umamin si Gabby ng feelings niya sayo?!" Hala, hindi ako pinatapos. Mukang excited pa.

"Oo! Pero wag mo muna sabihin kina BBFs ah. Hindi ako naniniwala sa mga narinig ko, baka bawiin niya rin yun bukas. Imposible kasi diba."

"Pagbinawi niya, sabihin mo sa akin at uumbagan ko siya. Pero seryoso ba siya nung sinabi niya sayo?" Tumango ako sa kanya. "Yun! Sure na hindi niya babawiin. Saka Ara, matagal na naming alam na gusto ka niya. Ang manhid mo lang kasi."

"Hindi naman, may napapansin din ako pero hindi lang ako assumera. >.<"

Life is Complicated ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon