10.0 Opening Match

2K 39 0
                                    

ARA’s POV

It’s end of June, at ngayon opening na ng UAAP! Buti maaga kami pinagpractice ni Coach Ramil at makakapanood kami, kaso dito lang sa dorm. :(

Ara, gisingin mo na lang kami pag DLSU vs UST na ah!” sabi ni Carol.

Panoorin niyo na mula umpisa, wala akong kasama manood. :(“ sabi ko.

Sige best samahan kita. :)” ---Mika.

In fairness ang ganda ng opening performance na hinanda ng Adamson. Hunger Games ang theme tapos sakto si Katniss Everdeen pa ang sa La Salle. Pang bida talaga kami! :P

Best sana nanghingi ka ng ticket kay Thomas.” sabi ko kay Mika. Hindi na ko bitter ah!

Ehhh, ang kapal ko naman noh. Dapat siya yung kusang magbigay. :P” sagot niya. “Pero sold out na din daw yung sa match nila.

Tsss, sayang naman.

Natapos na ang laban ng FEU at UE, grabe ang galling ni Terrence Romeo! >.< Ginising na din namin ang ibang spikers dahil kasunod na ang La Salle.

Ano ba yan, antagal ipasok si Thomas!” sabi ni Cienne. Back to fangirling kaming BBFs eh. :D

Ahaha, pinakita si ate Wensh.” ---Carol.

Ayun din sina ate Aby at ate Mich! Kinacareer talaga ni ate Aby ang internship niya ah.” ---Camille.

Si Gabby hindi masyadong pinaglalaro! Hindi tuloy natin macheer.” ---Mika. Oo nga, mukang magaling naman din siya eh.

Hala, ang alat naman ng laro. Ang baba ng score nila.” ---Kim.

Cheer kami ng cheer sa dorm at ang ingay namin. XD Kaso natalo ang DLSU. :( Kainis, ang lakas din ng kapatid ni Jeron, si Jeric Teng! Itetext ko nalang sina Jeron, Thomas at Gabby, for sure malungkot ang mga yun.

Text Message: Okay lang yan guys! Bawi na lang kayo. :)

Tsk, ang lousy ng text ko! Pero sana maramdaman nila ang todo support ko at ng marami nilang fans. Parang tulad sa amin dati nung season 75, natalo din kami ng UST sa opening game pero sa huli champion. :) Sana ganun din ang mangyari sa basketball team!

----end 10.0

Life is Complicated ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon