20.0 Halt Time

2.2K 34 4
                                    

                If time can stood still, I’d be grateful to be by your side. A never ending loop I need not to chase. A single moment I want to replay.

ARA’s POV

Hindi ako makatulog. Parang ayoko pang bumalik ng Manila bukas, pwede ba maextend ang weekend. :P

Baby John, buti ka pa mahimbing na ang tulog mo, ang sarap mo tuloy gisingin! >:))” Katabi ko siya matulog ngayon, wala akong magawa pati pamangkin ko pinagtitripan ko. XD 

Nagvibrate yung phone ko, nagtext si Thomas.

Text Message: Vic, yung pasalubong ko ah! Don’t forget. :P Goodnight.

Tsss, ang kapal nito! Pero nakabili na rin ako kanina ng ibibigay ko para sa kanila.

Nagdate kaya ulit sila ni best? Nalimutan niya na kaya talaga yung ex niya? Kainis, ba’t ko ba sila iniisip. Pero sa totoo lang, ako ata yung hindi ready pagnaging sila ni best, o kahit ligawan stage pa lang. Tsk, ang fantard ko talaga kay Thomas. Kahit maging sila naman, siguro pwede pa rin kaming maging close, di ba? Basta, pagsinaktan niya si best, patay siya sa akin!

Kinabukasan, dumating na ko sa dorm at inayos ang mga gamit ko. Nandito rin pala sina BBFs, nakatambay sa kwarto. Habang nilalagay ko ang pasalubong ko sa kanila sa kitchen, nagtext na naman si Thomas.

(Text Conversation)

Thomas: Vic! Pasalubong ko! (Ang kulit ng lalaking to!)

Me: Andito na! Daanan mo na lang dito sa dorm.

Thomas: Can I come right now?

Me: Okay!

After a few minutes, dumating na si Thomas. Naka-jersey siya at mukang galing sa practice.

Where is it? :P” sabi niya.

Wow ah! Ba’t atat na atat ka? Andun sa may kusina, kukunin ko.

Masmaganda pala talaga yung dorm namin kesa sa inyo.” pagyayabang niya habang sumusunod siya sa akin.

Oh eto na!” O.O

Napatigil ako. Hindi ko namalayang masyado na siyang malapit sa likod ko. Medyo magkaheight lang kami, kaya pagharap ko halos magkalapit na yung mukha namin. Nakatingin siya sa bandang itaas bago lumingon sa akin. O.O

Nagkatinginan kami at sabay lumunok. Nakatitig lang kami sa isa’t isa.

Parang tumigil ang oras at walang kumikibo sa amin. Yung puso ko hindi ko alam kung bumibilis o tumitigil na sa pagtibok.

Tsk, hindi ako makaatras dahil lamesa ang nasa likod ko. Ayun nakaramdam na rin siya at umatras. >.<

Salamat sa pasalubong... Hehe...” sabi niya at hinawakan niya ang likod ng ulo niya.

Sige... Okay lang...

Naglakad na kami papuntang sala. Wala paring umiimik, parang nagkakailangan kami. Bago siya lumabas ng pinto, bigla niya kong niyakap. O_O

Ano ka ba?! Ba’t mo ginawa yun?” Inalis ko agad ang pagkakayakap niya.

Wala. :P I’m just thankful for these free food.” Ngiting-ngiti yung loko. Mukang hindi na siya naiilang.

Oy! Hindi lang sayo yan, bigyan mo din ang teammates mo!

I know. :P

-o-o-o-

THOMAS’ POV

Ano ba yung nangyari? Bigla na lang nasa harap ko na siya. Ba’t ba hindi ako gumalaw agad, ang awkward tuloy. Wala akong maisip na paraan para mawala yung awkwardness kaya niyakap ko siya.

Tsk, hindi pa ko nag-eenjoy, tinulak niya na ko papalayo. >;) Pero successful, back to normal na kami!

Vic, I’m going to our dorm muna. Thank you ulit!” sabi ko.

Oo na, umalis ka na!” ---Vic.

Oh Thomas, andito ka pala. :)” ---Mika.

Hi Mika. ;) I got these from Vic!

Ahh… Mukang papaalis ka na din ata, babye.” ---Mika.

Sige bye Mika, see you! Bye Vic. :P

Hmm, ang ganda naman ng umaga ko. May pasalubong na ko from Vic tapos nakita ko agad si Mika. :D Ano bang dapat kong gawin? Yayayain ko na ba siya ulit para lumabas? Tsk, hindi pa rin ako makapagdecide.

Pagdating ko sa dorm, hinalungkat ko agad yung pasalubong ni Vic. Naalala ko na naman yung nangyari, para akong na-stunned, I can’t explain what happen. Ngumingiti na naman ako mag-isa, hindi ko mapigilan, lalo na naiisip ko yung itsura ni Vic. ;)

-o-o-o-

ARA’s POV

Ilang araw na ang nakakalipas, hanggang ngayon parang nakatatak pa rin sa isip ko ang mukha ni Thomas. Yung mukha niya lalong gumagwapo bawat pikit ko, siguro kung ngumiti siya nun nahimatay na ko. >.< Hay, tumigil ka nga Ara! Si Mika ang gusto niya!

Cancel ang pasok ngayon dahil may bagyo, ang lamig-lamig tuloy dito sa dorm pero ang sarap matulog. ^.^ Ano kayang ginagawa ni Thomas ngayon? Thomas na naman! Tsk, nakikipag-away na ko sa sarili ko dahil kay Thomas. XD

Speaking of the devil, tumatawag siya. Videocall pa nga. >.<

(Phone Conversation)

Thomas: Hi Vic! Did I disturb you?

Me: Medyo. :P Wala kang magawa noh? Nasa dorm ka ba?

Thomas: Tsss. Nope, I went home kanina, namiss ko yung kama ko eh. Ikaw, are you going home tomorrow? Ang sarap ng pasalubong mo eh.

Me: Ewan. Depende kung hindi malakas ang ulan bukas. Teka, ba’t nga ba ako ang tinatawagan mo? Ba’t hindi si best?

Thomas: You don’t want to talk to me? :( Hehe, nahihiya ako kay Mika eh. :P

Me: Naks, may hiya ka pala. Eh dati para kang linta kay best.

Thomas: Grabe ka. Pero seriously Vic, do you think I have a chance with her? (Tsk, sa akin pa tinanong. :-/)

Me: Uhm, oo.

Thomas: Do you think I should ask her out? Or should I court her? (Tutulungan ko ba sila? >:))

Me: Thomas, kung gusto mo talaga siya, edi yan ang gawin mo.

Thomas: Eh kasi... nevermind. :P Sayo, wala bang nagpaparamdam?

Me: Wala.

Thomas: Are you sure? Tsk, ang bagal talaga niya.

Me: Huh? Sinong mabagal?

Thomas: Ikaw! You’re so slow, you can’t understand. :P

Nagkulitan pa kami ni Thomas, at kahit walang sense pinag-uusapan namin. Tapos nakisali pa si Kim, natatawa ako pagnagbobolahan sila, mamaya sila pa ang magkadevelopan eh. XD

----end 20.0

Life is Complicated ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon