6.0 Had Enough

2.2K 41 1
                                    

ARA’s POV

Palabas na kami ng dorm dahil nagtext na daw si Thomas kay Mika at naghihintay na daw sila sa baba ng building. Kami lang mag-BBFs ang kasama dahil may lakad daw ang ibang girls. Itong si Kim syempre nasa Espanya! Alam niyo na yun diba? Haha. Sinusuyo pa rin ako ng mga to dahil nagtatampu-tampuhan ako.

Sorry na Ara! Alam mo namang love ka namin kaya namin nagawa yun.” nakayakap sakin si Cienne pero hindi ako umiimik.

Oo nga, ganti ka nalang samin sa susunod.” sabi ni Camille.

Ibibigay na daw ni Ye si crushie Thomas sayo, mapatawad mo lang kami!” sabi ni Carol at tumawa lang si best.

Nakarating na kami sa baba at wala naman ang mga boys. Nangungulit pa rin ang apat sakin kaya napasigaw ako.

Sige, lumuhod kayo sa harap ko! Papatawarin ko kayo!”nakapamewang ako with matching turo sa sahig. Bigla nalang may tumatawa sa likod ko. Shoot, sina Thomas, Gab, at Jeron.

Tsk tsk. Ang taray.” sabi ni Thomas.

Ano bang kasalanan nila, Ara?” sabi ni Jeron.

Don’t ask. Nagbibiro lang naman ako sa kanila.” sabi ko tapos tumawa na naman sila.

Sa malapit lang kami kakain kaya naglalakad lang kami papunta sa restaurant. Magkasabay maglakad sina Thomas at Mika. Buti hindi naglalandian, mahiya sila noh! Pero promise hindi talaga sila bagay kahit onti lang ang tinangkad ni best sa kanya! >:D Nung patawid na, hinawakan ni Thomas sa braso si best. Teka nga, pati ba naman yun napapansin ko pa! Natural lang naman umalalay pagtatawid diba? Haha!

Dumating na kami sa resto at umorder, KKB naman dahil kuripot ang mga boys. Joke lang, nahiya kami magpalibre saka may allowance pa naman kami. After ng dinner, nagtreat pa rin si Gabby ng shake at fries dahil wala daw siyang gift kay Carol. Tatambay muna kami at magkukwentuhan.

Tumingin sakin si Thomas at nagsalita.

Ara, I’m gonna tell you something.” Nakangiting sabi ni Thomas. Nakakaloko ang tingin niya, mukang mang-aasar.

Ano naman yun?” sabi ko.

Someone have fee…” hindi natapos ni Thomas ang sasabihin niya dahil binato siya ni Gabby ng fries sa mukha. Gumanti naman si Thomas, para silang mga bata at nagtatawanan pa.

Oy, itigil niyo yan, nasasayang ang pagkain. Hindi ba kayo naaawa sa ibang hindi nakakakain?” ang litanya ni Camille na nag-eemote pa. Ayun tumigil naman ang dalawa.

Gabby, ba’t ba pinigilan mo magsalita si Thomas? Ayyiie, paobvious ka ah.” sabi ni Cienne.

Akala ko kay Mika ka rin may crush?” ---Carol

Ano ba kayo, Mika is already my wife. Kaya nga Reyes din ang surname niya eh.” sabi ni Gabby. O diba tama ako, si best nga ang gusto niya!

Tsss, ang corny mo bro!” inis na sabi ni Thomas at binato ulit ng fries si Gabby.

Nagtawanan lang kami sa mga kalokohang naiisip ng tatlong kolokoy na to.

Oh boys, alam niyo na naman siguro na malapit na ang birthday ni Mika?” sabi ni Camille.

On Friday right? Anong balak mo sa araw na yun?” pacute na tanong ni Thomas kay Mika.

Busy day yun eh tapos may practice din kinabukasan so kung gusto niyo Saturday night nalang din tayo magcelebrate, parang ganto lang. Basta siguraduhin niyong may gift kayo sakin!” sabi ni Mika.

Gusto mo pa ng gift? Eh baka sa gifts palang ng mga fans mo mapuno na ang kwarto mo!” sabi ni Jeron.

Basta sakin Mika kiss nalang ah!” sabat ni Thomas. Binato ulit siya ng fries nina Jeron at Gabby, at nakibato rin ako. >:P Ang landi kasi eh!

Ara, ba’t binato mo ko?” malungkot na sabi ni Thomas. Tinawanan ko lang siya at ngumiti na rin siya. “Ara if you don’t mind, can I ask you something personal?

Ayan ka na naman sa something mo. Bakit ano ba yun?” sabi ko.

Are you a lesbian?” ---Thomas

Hindi agad ako nakasagot. Medyo boyish nga ako pumorma, maikli din ang buhok ko pero ganun din naman si best ah. Ba’t ako lang tinanong niya? Nakikita niya rin akong nakikipagharutan kina BBFs, binigyan niya kaya ng malisya yun?

At biglang nagtawanan sina BBFs.

Uy Ara, ba’t di ka sumasagot?” ---Cienne

Ara nahawa ka na kay Kim?” ---Carol

Nagtawanan pa sila lalo. Naiinis ako sa pang-aasar nila, ewan ko kung bakit. Dati naman inaasar na nila akong tibo pero sinasakyan ko pa.

Alis na ko.” sabi ko at tumayo na ko’t nagwalkout. Nagulat silang lahat at tumigil ang tawanan.

Nang malapit na ko sa pinto bumalik ako sa table nila. Kinuha ko yung shake ko.

Bakit ba? Hindi ko pa ubos eh!” sabay irap sa kanila. Kainis, patawa ka Ara! Nagtawanan ulit tuloy sina BBFs. Pero inis pa rin ako kaya tuluyan na kong umalis.

----end 6.0

Life is Complicated ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon