Chapter Two – Oh my Spencer!
Kakagising ko lang. Excited na akong pumasok dahil gusto ko ng Makita si Spencer kahit 4am pa lang at 6am ang pasok ko gising na gising na ako. Excited na talaga ako pumasok. Totoo nga ang quote na nabasa ko kagabi sa twitter "Crush – a force that motivates me to go to school."
Habang maaga pa, sisimulan ko ng maghanap ng mga pangpaganda sa cabinet ng ate ko. Pumasok ako sa kwarto nya ng hindi mainggay para hindi sya magising at nang makapasok na ay agad akong lumapit sa cabinet ng ate ko at binuksan iyon. Pagbukas ko, laking tuwa ko ng makakita ako ng mga make up, lipstic, lotion, eyeliner at iba. Kinuha ko lahat ng yon at ng makuha ko yon ay agad akong lumabas sa kwarto nya.
Inilagay ko ang mga nakuha kong pampaganda sa cabinet ng ate ko sa ibabaw ng kama ko at tinakpan ng unan. Pumasok ako sa banyo at maliligo na ako dahil 5am na, matagal kasi ako maligo.
Paglabas ko ng banyo, tumingin agad ako sa salamin at ngumiti. Napansin kong tinubuan nanaman ako ng tatlong pimples sa pisngi. Ugggh! Mamahalin ko na ang pimples ko para mawala. Kinuha ko na ang uniform kong kagabi pa nakahanger sa cabinet ko at isinuot yon. Tumingin ako sa orasan, 540am na. Binilisan ko na ang pag-ayos at kinuha na ang mga pangpaganda at nagsimula ng maglagay sa mukha.
Shit, kahit beki ako hindi ako marunong mag-ayos. Hindi ko nga alam kung paano ino-nose line tong pipi kong ilong at paano papagandahin ang mata ko.
Kinuha ko yung foundation na color red at inilagay yon sa buong mukha ko. Nakikita ko kasi si Ate na ganito ginagawa nya, sunod kong inilagay ay ang eyeliner sa gilid ng mga mata ko, linagyan ko ng outline yung dalawa kong mata. Tumingin ako sa salamin, okay naman kaso mukha akong zombie. Sunod kong inilagay ay eyebrow pencil ba ang tawag dito? Inilagay ko yon sa dalawa kong sabog na kilay. Medyo umayos yung kilay ko kaso sabog pa rin pero okay na to. Sunod kong inilagay ay ang kanina ko pa gustong gustong ilagay, ang lipstic. Namili muna ako ng kulay na babagay sa mukha ko, mukha atang walang babagay. Yung color black na lipstic yung inilagay ko sa dry lips ko. At natapos na rin ako.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, medyo gumanda ako. Kaya ko lang naman to ginawa para kay Spencer baka kasi mapansin nya ako diba. Ano kayang reaksyon ng mga babaeng nangaapi sa akin kapag nakita nila na ang nerd na inaapi nila ay may tinatago palang bakla at baka maglaway yung mga lalakeng tinatago yung mukha kapag nakikita ako. Kinuha ko na yung nerdy glass ko sa ibabaw ng mini table ko at isinuot yon.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba na. Pagbaba ko, nakita ko si Mama na naghahain ng almusal.
"Good morning ma." Bati ko kay Mama. Lumingon sya sa akin at nanlaki ang mata nya ng Makita nya ako.
"Oh bakit ma? Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?" tanong ko kay Mama bigla naman syang natawa sa sinabi ko.
"Hindi anak. Natatawa ako sa mukha mo dahil mukha kang clown." Sagot ni Mama. Si mama talaga oh!
"Pati ba naman kayo ma, aapihin na rin ako?" tanong ko ulit.
"Hindi naman nak, nagsasabi lang ako ng totoo." Sagot nya ulit. Ay grabe sya oh. Natawa nalang din ako sa sinagot nya. Linapitan ko si Mama at yinakap ko sya sabay sabing I love you. Nakakatuwa dahil mayroon akong ganitong nanay. Yung mahal na mahal ako kahit ganito ako, yung tanggap ako kahit anong kasarian ko, yung suportado nya ako sa lahat ng gagawin ko. Naalala ko tuloy si Papa, mahal na mahal nya din ako pero nung nalaman nyang beki ako nagalit sya sa akin. Pinalayas nya ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta at one time non habang naglalakad ako sa kung saan saang kalye may biglang lumapit sa akin na babae at sinabi sa akin na patay na raw si Papa at nang umuwi ako totoo nga patay na si papa. Nalungkot ako syempre.
BINABASA MO ANG
Revenge ni Beki (Complete)
Teen FictionSinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph Lopez. Isang beki na ginawa ang lahat para mahalin sya ni Spencer Ong pero pinaglaruan lang sya nito. Sinaktan sya nito kaya naman gumanti sy...