Spencer's POV
Bakit ako nagkakaganito? Gulong gulo na ang isip ko. Iniiisip ko kasi yung nangyari kanina, yung hinawakan ni Steph yung kamay ko. May naramdaman ako nang hawakan nya ang kamay ko, yung tipong parang nahawakan mo na yung kamay na yon matagal na. Pero paano? Eh dalawang araw ko palang yon nakikilala.
Yung naramdaman ko kasi ay parang kamay ni James. Hindi ako nagkakamali, ganon na ganon ang kamay ni James. Isang taon kaming nagsama at nagholding hands kaya alam ko kung gaano kadulas at kagaspang ang kamay nya.
At isa pa, nung kinausap nya ako parang katono nya yung boses ni James. At feeling ko talaga parang ang tagal tagal ko na syang nakilala. Uggh! Ano bang meron kay Steph at ginugulo nya ang isip ko?!
"Spencer? Kanina ka pa tulala dyan" bumalik ako sa realidad ng biglang nagsalita si Taylor. Nakaupo kami dito sa bench at tinitignan ang mga halaman at puno dito sa garden ng school.
"Ah..wala may iniisip lang ako." Sagot ko.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah" sabi nya pa.
Hindi ko nalang sya sinagot. Mamaya masabi ko pa na si Steph ang iniisip ko, mamaya isipin ni Taylor na kaya ko iniisip si Steph dahil gusto ko sya.
Taylor's POV
Nandito kami ni Spencer sa loob mg garden. Nakaupo kami sa bench na nasa ilalim ng puno. Kanina ko pa sya nakikita na parang may iniisip at may gumugulo sa isip nya. Sinubukan ko syang tanungin kung bakit pero hindi sya sumagot.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkamali, maling mali ako. Akala ko hindi ko mamahalin si Spencer ng ganito, akala ko hindi ko sya magugustuhan pero akala ko lang pala yon. Sa mahaba-haba naming pagsasama, nagkaroon na ako ng feelings sa kanya. Yung tipong ayoko na syang mawala sa'kin, yung tipong gagawin mo lahat para hindi sya maagaw o makuha ng iba.
Mahal na mahal ko na si Spencer, sa tingin ko nga kaya kong makapatay ng tao eh kapag inagaw sa'kin si Spencer.
Dahil sa kakaisip ko ng kung ano ano biglang pumasok sa isipan ko si Steph. Sa tingin ko may binabalak syang hindi maganda? Sa tingin ko may gusto sya kay Spencer at balak nyang agawin si Spencer sa'kin.
Pero kung gagawin nya talaga yon, hindi ako makakapayag. Katulad nga ng sinabi ko kanina, kaya kong pumatay ng tao alang-alang sa relasyon namin ni Spencer.
James POV
Breaktime na.. Hindi ko pa rin nakikita kung nasaan si Taylor at Spencer, hindi ko alam kung saang lupalop mg school na'to sila nagpunta.
Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa inakto ni Spencer kanina. Bakit hindi sya tinanggal agad ang kamay ko sa kamay nya? Bakit..??
Bigla namang tumunog yung tyan ko, uggh! Kailangan ko ng kumain dahil nagwawala na si Tyan.
Pumasok ako sa loob ng canteen, katulad kahapon pinagtitinginan nanaman nila ako at pinupuri. Hay! Sige lang purihin nyo pa ako. Ang saya saya pala talaga ng ganito, tama ang kasabihang 'kapag maganda ka, masaya ang buhay mo'
Natawa nalang ako bigla dahil sa kasabihan na 'yon. Bumili ako ng isang C2 na malaki. Wala akong mabiling iba eh. Pagkabili ko ay umalis na rin ako don kaagad.
Paglabas ko ng canteen, napangiti ako. Nakita ko si Taylor at Spencer na naglalakad habang nakaholding hands at tulad ko pinagtitinginan rin sila ng mga estudyante. Hmm..maasar nga sila.
Naglakad ako na parang isang model habang hawak hawak yung c2 na hawak ko.
Magkaholding hands pa sila ah, makadaan nga sa gitna nila. Nang medyo malapit-lapit na ako sa kanila ay sa gitna nila ako dumaan kaya naman napabitaw silang dalawa sa pagho-holding hands at nagulat sila. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad, narinig kong sumigaw si Taylor pero hindi ko sila liningon, hayaan mo silang mainis sa'kin.
Tumunog ang bell kaya naman agad akong pumasok sa building at pumunta sa room ko.
Pagpasok ko sa room, tumingin agad ako sa pwesto ng upuan ko. Wala pa yung dalawang katabi ko, baka magcu-cutting nanaman sila.
Nakaupo na ako ngayon at nakatingin sa blackboard. Ang tagal namang pumasok ng prof. namin! Nakakainip, ang ingay pa. Ayoko ng ganito. Tsk!
Ilang sandali pa, nagupuan at tumahimik ang lahat ng kaklase king maingay kanina dahil pumasok na yung prof. namin na kanina ko pa hinihintay.
Pagpasok ng prof namin, nakita kong pumasok na rin si Taylor at Spencer. Wow ha! Ano 'to? Lagi silang huli? Special? Ganon?! Special..child?
Umupo na sila at nagsimula namang magdiscuss yung prof namin. Napangiti ako sa sinabi ng prof namin, maghanap daw kami ng kapartner namin para special project namin. Agad kong kinuha ang kamay ni Spencer at itinaas yon.
"Sir, kami po ang magkapartner." Sabi ko ng nakangiti. Tumango naman agad si Sir.
"Bakit mo ginawa yon?!" Tanong ni Spencer sa'kin na halatang gulat na gulat. Tumingin ako sa kanya ng nakangiti.
"Gusto ko kasing maging kapartner ka eh kaya ginawa ko yon. May problema ba?"
"Eh paano kung ayaw ko?!" Tanong nya pa.
"Wala ka ng magagawa! Tayo na ang magkapartner, no choice ka kundi sundin nalang yon." Sabi ko.
"Sir, pwede po bang makipagpalit ng partner?" Tanong ni Taylor kay Sir.
"No. Bawal na kayong magpalit ng partner!" Sagot ni Sir.
"Malandi ka!" Bulong ni Taylor sa'kin.
"Nagmana ata ako sayo" pang-aasar ko.
"Subukan mo lang agawin ang boyfriend ko, malalagot ka sa'kin." Banta nya.
"Eh paano kung mismong boyfriend mo na ang lumandi sa'kin? May magagawa ka ba?" tanong ko.
"Hinding hindi mangyayari yon dahil mahal ako ng boyfriend ko." Sagot nya.
Tumawa muna ako bago sumagot. "Eh paano kung mahalin nya rin ako?" Tanong ko. Lumipas ang ilang segundo pero hindi pa rin sya sumasagot. Hinayaan ko nalang sya at tinalikuran.
Humarap ako kay Spencer. Feeling ko ang bongga ng magiging plano ko! Humanda ka na Taylor dahil aagawin ko na sayo si Spencer.
"So, kailan tayo magsisimula?" Tanong ko.
"Hindi. Hindi tayo magsisimula" sagot nya.
"Okay. Edi wag tayong magsimula, wala rin naman akong pake eh. Yun nga lang, babagsak ka at ako papasa." Sabi ko habang pinipilit kong hindi tumawa.
"Oh ano? Hindi ka na magbabago ng desisyon mo? Yes or No lang."
Nakita ko sa mukha nya na nagiisip sya. Ang project kasi na pinapagawa sa'min ni Sir ay magresearch daw kami sa mga lugar na binanggit nya, hindi lang daw basta research. Kailangan daw naming puntahan yung lugar na binanggit nya para daw mas maganda ang magiging research namin. At kailangan daw naming picturan ang mga sarili namin kapag nandon na kami sa lugar para maging ibedensya na pumunta talaga kami doon.
"Fine. Bukas na tayo magsimula." Sabi ni Spencer. Unti unti naman ako napangiti. Hahaha!
Note: Hello guys, sorry kung sobrang tagal kong hindi nagupdate. Buwan na ata ang lumipas eh! Sorry takaga. Short update lang yan. Btw, wag sana nyong idelete sa reading list nyo ang story na 'to ha hahahaha! Keep reading and supporting. Comment ka na rin para mas maganda. Bye muah! See you..di ko alam kung kailan ako maguupdate eh, dami kasing ginagawa plus cross stitch pa!! Diba! Hayaan nyo malapit na rin naman ang vacation. Yay! Excited na ako. Kayo ba? Lol.
Follow me on twitter: edrianxkathniel
Oh sa may snapchat dyan, add nyo ko: eydriiyaan
BINABASA MO ANG
Revenge ni Beki (Complete)
Teen FictionSinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph Lopez. Isang beki na ginawa ang lahat para mahalin sya ni Spencer Ong pero pinaglaruan lang sya nito. Sinaktan sya nito kaya naman gumanti sy...