James POV
Lumipas ang mga araw, buwan at ngayon ay malapit ng mag-graduation. Isang linggo nalang ata graduation na, hindi naman ako nalulungkot dahil alam kong magkikita pa rin naman kami ni Spencer sa college dahil pareho kami ng school na pag-aaralan, sa Terybith University kaming pareho. So, meaning non magkikita pa rin kami.
Papunta na akong school para sa practice ng graduation. Naka t-shirt lang ako na color green at nakapantalon na color pink with matching tsinelas na color yellow. Ganda ba ng porma ko? Ang sabi ng teacher namin kahit magsibilyan nalang daw kami ngayong buong week dahil puro practice nalang naman daw ang gagawin.
Nang makarating ako sa entrance ng gate, nakarinig agad ako ng mga tawa galing sa mga demonyong estudyante dito sa school. Alam ko naman kung sino ang pinagtatawanan nila eh, sino pa ba? Edi ako.
"Girl, alam ko march palang ngayon eh bakit may christmas tree na agad dito?" narinig kong bulong ng isang babae sa kanyang kaibigan with tawa pa.
"True pero mas kamukha nya ang paso." sabi naman ng kaibigan nyang babae.
Hays! asar naman. Ang aga-aga naasar na ako agad pero sanay na rin naman ako eh. Hinayanaan ko nalang silang tawagin akong puno, paso o kung ano man yon! Tuloy tuloy lang akong naglakad papunta sa campus.
Pagdating sa campus, hinanap ko agad ang pila ng aking section. Nang makita ko na ay agad akong tumakbo papunta sa section namin. Nang lahat ng fourth year ay nandito na, nagsimula na ang practice. Unang tinawag ang mga estudyante sa section A hanggang sa napunta na sa Section namin, kinakabahan na ako. Maglalakad ka kasi papuntang stage at pag-akyat mo ng stage ay kunwari kukuhanin mo yung diploma mo at magbo-bow ka sa gitna ng stage. Kinakabahan na talaga ako!
"James Dean Lopez" sabi ng babae sa mic.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at nagsimula ng maglakad sa gilid, nakita ko na lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin at pinatatawanan tanging si Spencer lang ang hindi.
"Uso na ba talaga ngayon ang ganyang porma?"
"Iww! kadiri naman yung porma nya parang magbu-bukid lang."
"tiga-bundok kasi"
"walang alam sa fashion."
Yan yung mga naririnig ko galing sa bibig ng mga estudyante. Tsk, ano bang meron sa porma ko? Pake nila kung ganito ang suot ko?! Mga inggit sa porma ko! Palibhasa, ang gaganda ng mga damit nila. Minamaliit nila ako dahil panget ang damit ko? Tsk, mayaman naman kasi sila.
Dahil sa inis at kaba ko, bigla nalang akong natapilok habang umaakyat ako papuntang stage. Mas lalo tuloy natawa ang lahat pero nagtaka ako ng bigla sila tumigil sa pagtawa. Bigla nalang may kumuha ng kamay ko at inalalayan ako sa pagtayo, pagtingin ko nakita ko si ang gwapong mukha ni Spencer.
Kahit kailan, superhero ko talaga sya. Lagi siyang nandyan para sa akin, mahal nya ako at mahal ko rin sya. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy akong umakyat ng stage. Feeling ko nawala yung kaba ko dahil kay spencer, pagdating ko sa stage ay lakas loob akong naglakad na parang miss universe papuntang gitna at nang makapunta na ako sa gitna na ay nagbow na ako. Pagkatapos non ay bumaba na ako sa stage na 'yon at tinawag na ng babae na nagsasalita sa mic. yung susunod sa akin.
BINABASA MO ANG
Revenge ni Beki (Complete)
Teen FictionSinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph Lopez. Isang beki na ginawa ang lahat para mahalin sya ni Spencer Ong pero pinaglaruan lang sya nito. Sinaktan sya nito kaya naman gumanti sy...