Chapter Seven – Bestfriend
Taylor's POV
Magi-isang linggo na simula ng nalaman kong dito nag-aaral ang bestfriend ko noon, bestfriend ko sya noon pero isa na sya sa mga kinagagalitan ko ngayon. Hindi pa rin mabura sa aking isipan ang nangyari noon..sa aming dalawa.
Naghihiganti ako ngayon, naghihiganti ako dahil sa mga ginawa ng walangyang yon. Hindi ko sya papatayin pero papatayin ko naman sya sa sakit na mararamdaman nya kapag ginawa ko na ang paghihiganti ko. Hindi ko alam kung nakalimutan nya na ang mga pangyayaring yon pero ako hindi ko pa rin nakakalimutan.
Naglalakad ako dito sa campus ng makasalubong ko sina Spencer at James, hawak hawak ni Spencer ang kamay ni James kaya naman pinagtitinginan sila ng mga estudyante. Napangiti nalang ako bigla, simula na pala.
"Hi Taylor" Bati sa akin ni Spencer sabay ngiti.
"Hello" Walang gana kong bati sa kanya. Tumingin ako kay James na nakangiti sa akin at halatang kinikilig dahil hawak hawak ni Spencer kung kamay nya.
"Hello James" Bati ko kay James.
"H-e-llo" nauutal nyang bati sa akin.
"Parang ang saya saya mo ha" sabi ko kay James.
"Hindi naman." Sagot nya. Tsk, kunwari pa.
"Sus, kunwari ka pa." pang-aasar ko. Nakita ko syang ngumiti na palihim.
"See you nalang later, bye." Paalam ko sa kanila at naglakad na ulit. Natatawa ako kay Spencer dahil ginagawa nya ang pinapagawa ko sa kanya, kahit ano pa yung pinapagawa ko wala syang pinapalagpas. Well, mahal nya kasi ako pero ako? Hindi ko sya mahal. Pera lang naman ang habol ng magulang nya sakin, pera lang ng company namin. Mayaman naman sila, milyonaryo yung nanay at tatay nya pero bakit pa nila kailangan akong perahan? Naguguluhan ako. Basta hindi ko sya mahal at isa syang utu-uto. Pero kahit hindi ko sya mahal, tutuparin ko yung pangako ko sa kanya na kapag nagtagumpay sya sa mga inuutos at pinapagawa ko sa kanya at magiging girlfriend nya ako, yun nga lang kapag naging magjowa na kami isa lang ang nagmamahal sa relasyon naming at sya yon.
Teka saan ng aba ako pupunta? Sa bar na nga lang. Pumunta ako sa parking lot ng school at pumasok ako sa loob ng kotse ko at ng makapasok na ay pinaandar ko na 'to.
Papalabas na ako ng school ng biglang may guard na pumunta sa gitna at hinarangan ang dadaanan ng kotse ko kaya tinigil ko muna ang pagmameneho. Lumapit yung guard, pumunta sya sa harap ng bintana ng kotse ko at kinatok ito.
Binaba ko yung bintana para makita nya ako, tinted kasi ang kotse ko.
"Mam, bawal po kayong lumabas ng school dahil hindi pa po tapos ang klase." Sabi nya sa akin. Hindi ko sya pinansin, kinuha ko yung bag ko sa backseat at ng makuha na yung bag ko ay agad kong kinuha yung wallet ko at kumuha ako ng isang libo.
BINABASA MO ANG
Revenge ni Beki (Complete)
Teen FictionSinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph Lopez. Isang beki na ginawa ang lahat para mahalin sya ni Spencer Ong pero pinaglaruan lang sya nito. Sinaktan sya nito kaya naman gumanti sy...