Chapter Five – Friends?
Spencer's POV
Pumayag ako sa gusto ni Taylor, pumayag ako dahil gusto ko siya. Hindi lang dahil sa maganda sya kundi mabait rin sya. Gusto sya ng Mom at Dad ko pero ayaw naman sa akin ni Taylor, kailangan ko pa daw matapos ang tatlong pagsubok para patunayan na mahal ko talaga siya. Natapos at nagtagumpay ako sa una nyang pinagawa sa akin, sa pangalawa naman ganon rin nagtagumpay rin ako pero sa pangatlo na pinapagawa nya sa akin ngayon ay hindi ko alam kung magagawa ko. Paano kung gawing totoo nya yon at kapag sinabi kong niloko ko lang sya ay baka magsuicide yon pero gagawin ko pa rin ang pinapagawa nya, sinimulan ko kaya tatapusin ko. Bahala na kung anong mangyari basta mapasakin at maging girlfriend ko lang si Taylor. Alam kong madami pang iba dyan na magaganda at mababait pero parang si Taylor lang talaga ang hinahanap at gusto ng aking puso, hindi ko alam kung bakit? Magkaiba ang sinasabi ng utak ko at puso ko, sinasabi ng Isip ko na maghanap nalang ako ng iba kaysa umasa ako sa babaeng alam kong hindi ako gusto at ang sinasabi naman ng Puso ko ay Wag mong papakawalan ang babaeng gusto ayaw mong Makita na hawak ng iba.
Nakakalito man pero pinili ko ang gusto ng puso ko dahil tanging puso lang ang makakapag-pasaya sa atin, tama ba?
Hinahanap ko yung baklang dinala ko kahapon sa Clinic dahil may sasabihin ako sa kanya. Nasaan ba kasi yon tumatambay?
James POV
Naglalakad lakad lang ako ngayon sa campus, sa ngayon wala pang humahablot sa buhok ko kaya okay lang. Chos! Nakatitig nanaman sa akin ngayon ang mga matang nanlilisik na may kasama pang bulungan.
"Girl, sya yung girlfriend ni Spencer diba?"
"Pre, totoo ba na jowa yan ni Spencer?"
"Kakainis naman beks, may jowa na si Spencer at kauri rin natin! Pretty naman tayo pero bakit ayaw sa atin ni Spencer!?"
"Hindi ako naniniwala na jowa yan ni Spencer hangga't hindi pa sinasabi ni Spencer! Pinagloloko nyo mga sarili nyo, si Spencer?! Magjojowa ng beki!?"
Ilan lamang yan sa mga naririnig ko galing sa mga bibig ng mga mapanglait ng estudyante kada dadaan ako. Kapag nadadaanan ko sila bigla silang titingin ng masama sa akin at sabay bubulong sa mga kaibigan o katabi nila. Nakakainis sila, lahat nalang nilalagyan nila ng malisya at ano bang masama kung kasama ko minsan si Spencer. Mga inggit lang kasi sila dahil siguro never pa silang nilapitan ni Spencer o never pa silang hinawakan.
Tumingin ako sa suot suot kong relo medyo matagal tagal pa naman bago matapos ang break time kaya pupunta muna ako ng garden. Hindi pa ako nakakapunta sa Garden ng school, ngayon pa lang. Hindi ko kasi alam kung saan yon papunta pero dahil sa mga kaklase kong matagal na rito ay nalaman ko kung paano pumunta sa Garden.
Ngayon lang ako magpapahinga sa Garden, sa tatlong araw ko kasi dito sa school na 'to ay puro sa classroom ako nagpahinga. Ayokong magpahinga sa classroom ngayon dahil alam kong nandoon ang mga kaklase kong lalake na malalakas mangtrip, mamaya pagtripan pa ako ng mga yon hindi ko sila kayang labanan.
BINABASA MO ANG
Revenge ni Beki (Complete)
JugendliteraturSinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph Lopez. Isang beki na ginawa ang lahat para mahalin sya ni Spencer Ong pero pinaglaruan lang sya nito. Sinaktan sya nito kaya naman gumanti sy...