Chapter Four – Superhero
Recess time na, gustong gusto ko ng bumaba at makabili na sa canteen ng pagkain dahil gutom na gutom na ako pero parang pinipigilan ako ng mga paa ko, parang sinasabi nya sa akin na wag akong baba dahil may mangyayaring masama. Pero sa ayaw at sa gusto ng paa ko ay lumabas ako ng classroom at pupunta ako sa canteen para makabili ng pagkain dahil gutom na gutom na ako, hindi ko na kaya baka mahimatay nanaman ako mamaya.
Nang makababa na ako ay agad akong pumunta sa canteen para makabili na ng pagkain. Pinagtitinginan ako ng mga tao at yung mga mata nilang nakatingin sa akin ay nanlilisik, jusko! Ayoko pang mamatay. Pagdating ko sa canteen ay agad akong bumili ng orange juice at isang sandwich.
Naglalakad ako ng biglang may humablot sa buhok ko sa likod. Medyo mahaba na ang buhok kaya nasaktan ako. Pagharap ko, nakita ko yung kaklase kong babaeng na masama tumingin sa akin araw araw. Dahil nabigla ako sa pagkakasabunot nya, natapon ko sa uniform nya yung iniinom kong juice na nasa plastic cup. Binitawan nya na yung pagkakasabunot nya sa akin.
"sorry..sorry." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ng panyo ko yung uniform nya na natapunan ko ng juice. Tinignan ko sya, hindi maipinta yung mukha nya dahil galit na galit sya. Nako! Ito na ba ang katapusan ko? Sana hindi pa.
"ANONG GINAWA MO?" sigaw nya. Hindi ako sumagot.
"BAKET MO TINAPON YUNG JUICE MO SAKIN?" sigaw nya pa ulit.
Hiyang hiya na ako dahil pinapaligiran na kami ng mga estudyante. Kinakabahan ako dahil baka may magsumbong sa guidance at isuspend ako.
"Ah.. sorry talaga hindi ko naman sinasadya." sabi ko.
"Anong hindi sinasadya? Kitang kita ng dalawa kong mata na sinadya mong itapon sa akin yang juice na yan." Sabi nya. Hindi totoo ang sinasabi nya, nagulat ako sa pagsabunot nya sa akin kaya natapunan ko sya ng juice ko.
"Laban mo 'to." Sabi nya sabay taas ng kilay at turo sa nabasang uniform.
"Hah" ang tangi kong nasabi.
Nagulat ako sa sinabi nya, hindi ako marunong maglaba. Hindi man kami mayaman pero hindi talaga ako naglalaba dahil ang mama ko ang naglalaba ng mga damit namin. Noon sinubukan kong maglaba pero ayaw akong payagan ng aking ina para daw hindi ako mapagod. Spoiled kasi ako sa mama ko.
Nagulat ako ng bigla nyang hinubad yung uniform nya, may patong syang damit sa loob kaya okay lang na maghubad sya. Binigay nya sa akin yung uniform nya na basa ng juice pero hindi ko kinuha.
"Ano pang hinihintay mo? Labhan mo to!" sigaw nya pa. Kinuha ko yung uniform na binibigay nya sa akin kanina.
"oh, ngayong nasayo na yan, simulan mo ng maglaba." Sigaw nya ulit. Narinig kong nagtatawanan yung mga students na nanonood sa amin. Ang sasama nila, hindi man nila kami inawat o hindi man lang nila ako tinulungan, tinawanan lang nila ako. Mabibilang mo nalang talaga ang mga tao na mababait noh.
BINABASA MO ANG
Revenge ni Beki (Complete)
Teen FictionSinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph Lopez. Isang beki na ginawa ang lahat para mahalin sya ni Spencer Ong pero pinaglaruan lang sya nito. Sinaktan sya nito kaya naman gumanti sy...