Note: Hello guys! Bago nyo to basahin ay may paalala lang ako sa inyo. SPG po ang chapter na ito. Bahala kayo kung gusto nyong basahin hahaha basta SPG to! Bahala kayo dyan.
James POV
Bakit ganito ang nararamdaman ko?! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi kaya mahal ko pa sya? Pero hindi pwede.
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Ate.
"Wag na wag kang mahuhulog kay Spencer dahil kapag nangyari yon, matatalo ka." Ang sabi ni ate noon.
Natatakot akong matalo, nasa kalagitnaan na ako ng paghihiganti ko kaya ayokong matalo. Pero paano ko mapipigilan ang aking puso? Hindi ako pwedeng mahulog kay Spencer! Hindi pwede.
Gagawin ko pa rin ang paghihiganti ko at tatapusin ko 'to.
"Mahal din kita" pagsisinungaling ko. Sinabi kong mahal ko sya dahil ito ang daan para masira ko ang buhay nilang dalawa.
Tinignan ako ni Spencer, nagtitigan kami. Hinimas himas nya ang mukha ko at bigla nya akong hinalikan.
Tuloy lang kami sa paghahalikan. Nararamdaman ko ang init ng labi nya. Para kaming bata na naglalaban ng espada gamit ang dila.
Napahiga kami sa sahig pero hindi pa rin nawawala ang paghahalikan namin. Ilang sandali pa ay naramdaman kong tinatanggal ni Spencer ang suot ko at nang matangal nya na ito ay sinimulan nya naman ibaba ang aking pantalon.
Bumaba ang halik nya sa leeg ko at bumaba pa ito. Tumagal kami ng isang oras at pagkatapos namin ay agad kaming nagbibis at umupo ulit ng maayos sa sahig.
Yinakap ako ulit ni Spencer at yinakap ko din naman sya.
"I love you" mahinang sabi nya.
"I love you too" mahina ko rin na sabi.
Biglang nagring ang bell hudyat na break time na. Tumayo kaming dalawa at sabay na lumabas sa Detention Room.
Uwian na pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa amin kanina ni Spencer. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit? Basta ang alam ko ginawa ko yon dahil sa paghihiganti ko.
Paguwi ko, agad akong pumasok sa kwarto. Balak kong sabihin kay ate ang nangyari sa amin ni Spencer kanina at ang damdamin ko para kay Spencer.
Pagkabihis ko ay agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Ate. Naabutan ko syang naglilinis ng kwarto nya, halatang nagtataka sya kung bakit ako nandito.
"Oh bakit nandito ka? May good news ka ba sakin tungkol sa paghihiganti mo?" tanong nya sa akin.
Lumungkot ang mukha ko.
"Oh bat ganyan ang mukha mo? Hoy!" Sabi nya pa.
"Ate... May gusto akong sabihin sayo," sabi ko.
"Ano yon? Bilis sabihin mo na" pagmamadali nya sa akin.
"May nangyari sa amin ni Spencer!" Sabi ko. Nanlaki ang dalawang mata nya.
"Omg!! So ang gusto mong sabihin ay buntis ka?!" Gulat na gulat pa rin sya.
"Hindi ate, kasi...hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kanina kasi sinabi sa akin ni Spencer na mahal nya ako..," kwento ko.
"Oh tapos?"
"Bigla nalang tumibok ang puso ko. Ate! Mukhang nahuhulog na ang damdamin ko kay Spencer" sabi ko.
"What the hell?! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Diba sinabi ko sayo na bawal kang mafall sa kanya dahil matatalo ka sa paghihiganti mo?" Medyo tumaas ang tono ng boses ni ate.
"Alam ko naman yon eh. Alam kong matatalo ako kapag nahulog ako sa kanya! Pero anong gagawin ko eh nahulog na ako?! Sinubukan ko namang tanggalin ang damdamin ko kay Spencer pero ayaw naman mawala." Sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko.
"So itutuloy mo pa ba ang paghihiganti mo o hindi na?" Tanong ni ate.
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang paghihiganti ko o wag na.
Naguguluhan na ako.
Note: Hello guys, sensya na kung konti lang ang update ngayon atleast dalawa naman ang inupdate ko. Hehehe!! Keep reading and supporting. Wag bumitaw! Hahaha! Usapang fall tayo ngayon. Chos! Sabi ko sa inyo may SPG eh! Hahahaha bye na.
Twitter: edrianxkathniel
BINABASA MO ANG
Revenge ni Beki (Complete)
Teen FictionSinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph Lopez. Isang beki na ginawa ang lahat para mahalin sya ni Spencer Ong pero pinaglaruan lang sya nito. Sinaktan sya nito kaya naman gumanti sy...