Chapter 2 || Circling Love (廻り愛)

410 40 57
                                    

Mitsui Hintaro pronounced as ( Mit - su - wi // Hin - ta - ro).

"Mitsui!!"






Sabi ni Rei, sabay yakap dito matapos maalis ang tali sa kanyang kamay.






Magkababata sina Rei at Mitsui. Mga apat na taon ang tanda niya kay Rei. Matangkad, gwapo, good posture, at dahil sa matalino ito, kinuha na rin siyang personal assistant ng ama ni Rei na si Harry. Pinag-aral siya ni Harry sa France ng dalawang taon pero ngayon ay nakatapos na siya at nakabalik na rin sa America.






"Tara na, Ms. Rei. Masyadong mapanganib para sa inyo ang lugar na ito."






Pagkasakay sa kotse ay marami kaagad na itinanong si Rei sa kababatang si Mitsui.






"Kamusta ka na? . . . Mas tumangkad ka pa, ah. Kumusta rin yung pinapasukan mong school? Maganda ba doon? Siguro, may girlfriend ka na ngayon. Balita ko magaganda ang mga babae doon. Nakita ko kaya yung picture mo kay dad na naroon ka sa school mo. Ano, may girlfriend ka na nga?"






Parang malulunod si Mitsui sa maraming tanong ni Rei. Hindi niya alam kung anong tanong ang uunahin niyang sagutin.






"Hindi ka makasagot, ano? Ayaw pa kasing aminin. Kitang - kita naman sa mga mata mo na in love ka."






"Wala. Wala akong girlfriend. Wala rin akong panahon sa mga bagay na iyon." Sabi niya habang nakapokus sa pagda-drive.







"Nabalitaan kong dito na kayo maninirahan kasama ang iyong lola. Kumusta naman?" Dagdag pa niya.







"Ah, mabuti naman. Matagal ko na rin gusto na pumunta dito sa America. Dito na rin ako pumapasok. Kasama ko si Yumi sa school. Ikaw? Hindi ka na ba aalis ulit?"






"Hindi na. Ipinatawag ako ng inyong ama sa importanteng dahilan."






Napatingin siya kay Mitsui na parang nagtatanong kung anong 'importanteng' dahilan iyon.






"Kung balak niyong itanong sa akin kung ano iyon, mas mabuti pang itanong na lang ninyo iyon sa inyong ama."






Kaya lalo siyang napaisip sa bagay na iyon.






___






"Magandang hapon, Ms. Rei." Bati ng kanyang personal maid pagkarating sa bahay.






Bilang tugon ay tumango na lamang siya. Agad niyang tinanong kung nasaan ang kanyang ama at pinuntahan ito.






"Dad, may gusto ba kayong sabihin sa akin?"






Napatingin si Harry kay Mitsui na noo'y kasunod lang ni Rei na pumasok sa opisina nito. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Mitsui na maaaring iyon ay dahil sa nasabi niya agad kay Rei na may importanteng bagay ang ipapagawa sa kanya.






The Marriage Game (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon