( kring . . . kring . . . )
"Dad?" Gulat na sagot ni Rei sa may telepono. Two months na kase na hindi tumatawag ang kanyang ama. And now? Iniisip niya kung anong dahilan at napatawag ang dad niya. Is it because nami- miss na siya or . . . may kailangan lang?
Rei is a 16 year old smart girl.
Nakatira si Rei sa Japan at kung bakit tumawag ang kanyang dad ay dahil gusto nitong doon na tumira sa America kasama niya. And of course, kailangan niya ring lumipat ng school. After 3 days, nag-flight na siya papuntang America kasama ang kanyang lola na si Penina.She remembered her best friend, Yumi, na nakatira din sa America. Kahit hindi ganoon kayaman si Yumi, naging mag-best friend sila at halos parang magkapatid na nga ang turingan nila sa isa't isa. Dahil si Yumi ay mabait, palakaibigan, at mapagkakatiwalaan, tanggap siya ng pamilya Yamamoto bilang kaibigan ni Rei. Kahit nga naroon nag-stay si Rei sa Japan for almost three years, hindi sila nawalan ng communication.
"Rei, kamusta? Balita ko andito ka ngayon sa America! Dito ka na rin ba papasok?" Kausap ni Rei si Yumi sa cellphone habang palakad-lakad sa kwarto.
"I'm fine! And yes, andito na rin ako sa America, dito sa mansion ni dad . . .Um, hindi ko pa nga alam kung saang school ako papasok." Then, naisip niyang doon na rin pumasok sa school ni Yumi.
"Talaga?! Magandang ideya yan! Lagi tayong magkikita!"
Isinaayos ng kanyang ama ang pagpasok niya sa DISD kung saan naroon si Yumi. Ito rin ang isa pinakasikat na school sa America. Napakasaya niya dahil sa wakas ay muli niyang makikita ang kanyang matalik na kaibigan.
___
"Ms. Rei, ngayon na po ang araw ng pagpasok ninyo sa school. Kung hindi po kaagad kayo babangon diyan, mahuhuli kayo sa klase."
Nang marinig niya ang pagpasok sa school, hindi pa natatapos ang sinasabi ng personal maid niya ay nagmadali siyang bumangon. Madali rin siyang nakapag-ready ng sarili at ngayon ay ihahatid na siya ng kanyang driver kasama ang isang guard na si Tasuke ( Tas - ke ).
___
Habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw, naalala niya ang kanyang namatay na ina. "Mom," ang nabulong na sa sarili.
"Ms. Rei, huwag na kayong malungkot. Kung buhay pa ang mommy nyo, tiyak na proud siya sa iyo kasi napakabait nyo sa lahat."
Namatay ang kanyang ina noong sumabog ang building na pinagtatrabahuhan nito. Mga apat na taong gulang lamang siya nang mangyari iyon.
BINABASA MO ANG
The Marriage Game (On Going)
Teen FictionSi Rei Yamamoto ay isang napakayamang tagapagmana. Para maibigay sa kanya, kailangan munang maikasal siya. Tatlong lalaki ang isinaayos ng kanyang ama para sa kanya. That's what we called 'marriage game' @wattpad.com/mystianna