Chapter 16 || Pride (プライド)

64 4 4
                                    


Dumating si Froi sa hotel kinaumagahan. Dala niya ang dalawang sobre na binigay sa kanya ni Nazara at hindi naman niya nakalimutan na maibigay iyon kay Rei.
















"Isang invitation mula kay prinsipe Zomand para sa kanyang enthronement celebration at ang isa ay mula kay . . . Nazara Seida?" Si Rei habang pinagmamasdan ang dalawang invitation.















"Di ba siya 'yung alipin ng prinsipe na si Zek Seida? Nakita ko na rin si Nazara noong pumunta kami noon ni Mitsui sa DhenZu. Alam mo, ang ganda niya!!" Sabi ni Tasuke kay Froi.
















"Hindi siya alipin ni Zek. Anak niya mismo si Nazara kaya isang prinsesa ang tinutukoy mo." Paliwanag ni Froi.















"Isa siyang prinsesa? Nakakatuwa naman dahil gusto niya akong makilala!! Sa isang araw magkikita na kami ng prinsesa!" Masayang sabi ni Rei.
















"Hahaha!! Dahil ako ang personal guard mo Ms. Rei, sa wakas makikita ko rin muli ang prinsesang iyon!"















Natawa si Rei sa naging reaksyon ni Tasuke. Pero si Froi naman ay iniisip kung bakit inimbitahan ni Nazara si Rei sa mansion nito. Hindi niya mapigilang mag-isip sa kung ano ang pwedeng mangyare dahil baka may maitim na balak ang prinsesa kay Rei.
















"May problema ba, Froi? Bakit parang malalim ang iniisip mo?" Tanong ni Tasuke nang makaalis si Rei.
















"Wala naman. Pero kapag naroon na kayong dalawa sa mansion ni Nazara, huwag mong hahayaang may mangyareng masama kay Rei. Ako ang makakalaban mo, tandaan mo 'yan." Seryosong sabi ni Froi.















"Hay, syempre naman . . . Alam na alam ko iyan. Nasa hukay na nga ang isang paa ko, naisama pa 'yung kabilang paa." Pabuntong-hininga pa ni Tasuke. Samantalang hindi naman naunawaan ni Froi ang sinabi ni Tasuke sa kanya.















________











"Anong ba iyang ginagawa mo?" Tanong ni Rei kay Tasuke kinagabihan.















"Mga ilang araw na lang pupunta na tayo sa palasyo. Kailangang malaman ko ang paliwanag ng lahat ng ito. Kailangang malaman ko rin kung bakit kay prinsipe Azhul sinisi ang pagkamatay ni Haring Sezun."















"Makakaya mo iyan Tasuke."















•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•















Samantala, si Azhul naman ay naroon pa rin sa mansion ni Harry at maingat na binabantayan nila Mitsui ang prinsipe. Mga isang linggo na rin ang lumipas ng umalis sila Rei papuntang DhenZu.















"Mitsui, itanong mo kay Tasuke kung anong balita doon. Pagkatapos, alamin mo na rin kung kailan sila makakauwi." Sabi ni Harry.















Pumunta muna sa kanyang opisina si Mitsui bago nito tinawagan si Tasuke.
















"Hello? Mitsui?"
















The Marriage Game (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon