Chapter 13 || Country Of The Sun (太陽の国)

88 4 1
                                    


"Opo, gagawin ko po iyon dad kaya huwag na kayong mag-alala. At saka malaki na naman po ako at hindi na ako pasaway sa inyo."














Isang araw bago umalis ay kinausap muna ni Harry ang kanyang anak tungkol sa pagpunta nito sa DhenZu. Sariwa pa ang balitang pagpatay kay Azhul, lalo na ng akusahan ito sa pagkamatay mismo ng kanyang ama kaya natatakot siya sa kung ano ang pwedeng mangyari doon habang naroon ang kanyang anak.











"Basta mag-iingat ka pa rin. Tandaan mo lahat ng mga sinabi ko at huwag kang pasaway kay Mitsui."










_____









Walang masyadong gawain sa mansion kaya naisipang puntahan ni Rei si Mitsui sa kwarto nito. Pagkatapos ay nagkwentuhan sila tungkol sa DhenZu kasama na ang sinabi ng kanyang lolo tungkol kay Uzmin.













Huling gabi bago umalis papuntang DhenZu, ipinaayos na ni Rei ang kanyang mga gamit. Habang padaan sa kwarto ni Azhul, nakita ni Rei sa may bintana ang prinsipe na umiiyak. Kakausapin niya sana ito nang pigilan siya ng kanyang ama.












"Alam kong gusto mong pagaanin ang loob niya. Pero sa ngayon, kailangan muna niyang mapag-isa, Rei." Mahinahong sabi ni Harry.



_____





"Sige, salamat Hana."















Pagkainom ng gatas ay agad na humiga sa kama si Rei. Pero mga kalahating oras na ang lumipas ay hindi pa rin siya makatulog. Kaya naisipan niyang lumabas ng kwarto at pumunta sa kanilang hardin.













Malapit sa opisina ni Harry, may narinig siyang boses mula roon. Kaya marahan siyang lumapit at pinakinggan kung sino ang kausap ng ama.














"Sige, ayos lang sa akin. Pero, pwede bang may pumalit sa'yo para lang malaman ko ang balita doon. Tiyak na sisiraan lang nila ako kung sulat ang gagamitin ko."













Narinig niya na ang boses na iyon ay kay Azhul at nagtaka siya kung ano ang ginagawa nito sa opisina ni Harry.














"Si Tasuke ang sasama na kapalit mo. Tiyak na siya rin naman ang pipiliin mo." Sabi ng kanyang ama.














Mga ilang saglit pa ay natapos ang usapan kaya nagmadali siyang magtago.














Nakita niyang lumabas ng kwarto si Azhul. Pupuntahan niya sana ang ama ng makitang lumabas din doon si Mitsui na hindi niya akalaing naroon din pala. Hinintay niya munang makalayo ang dalawa bago pumasok sa opisina.












Pinilit niyang malaman kung ano ang mga pinag-usapan kanina at may ipinakita na sulat si Harry sa kanya.














"Iyan ay sulat mula sa mga taong gustong patayin ang prinsipe. At nagdesisyon kaming huwag na munang papuntahin si Mitsui sa DhenZu para magprotekta dito sa prinsipe. Kaya si Tasuke ang kasama ninyong dalawa ni Froi na pumunta doon." Sabi ng kanyang ama at pagkatapos marinig iyon ay lumabas siya nang opisina ng walang imik.






________






Dumating sa DhenZu sila Rei, Tasuke at Froi. Pumunta sila sa hotel na mga ilang kilometro ang layo sa palasyo. Pagsapit ng gabi, may dumating na sulat para kay Froi na mula pa sa kanyang ama.








•~•~•~•~•~•~•~•~•

"Ganoon ba? Namatay si Haring Zeros ilang buwan pagkatapos na mailuklok siya bilang hari?" Tanong ni Mitsui. Sa mansion, kausap niya si Azhul tungkol sa kalagayan sa DhenZu kasama na ang mga namamahala roon.











"Oo, ganoon nga. Ibabalik sana si Haring Uzmin sa trono pero idineklara niyang ang kanyang anak na si Sezun na aking ama ang pumalit sa kapatid niya. At ngayon namatay na siya, si kuya na ang maghahari sa DhenZu."












Nanlaki ang mga mata ni Mitsui dahil sa mga napakinggan niya. Kaya nang matapos ang kanilang pag-uusap ay agad siyang bumalik sa kanyang kwarto at nag-isip.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•







"Salamat."




"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Isang lalaki mula rin sa America at kakompitensiya sa negosyo ng mga Yamamoto ang dumating din sa DhenZu para bumisita. Siya si Shin Takahiro, ang anak ni Masaru Takahiro at siya rin ang pangatlo sa kandidato para sa marriage game ni Rei.












Isa sa mga taga-Dhenzu ang kausap ni Shin at sinabi nito sa kanya ang tungkol sa kalagayan ng bansa. Tinawagan niya ang kanyang ama tungkol dito at tinanong kung ipagpapatuloy pa ang planong magnegosyo sa bansa. Pagkatapos ay pumunta siya sa isang hotel kung saan naroon sila Rei.






________






Natanggap ni Froi ang sulat mula sa ama at kasama sa sobre ang isang imbitasyon mula sa isang prinsipe ng DhenZu na si Izzhar - ang pinsan ni Azhul. Imbitasyon iyon para sa isang selebrasyon kasama ang kanyang pamilya. Kaya sinabi niya kay Rei na pupunta siya sa okasyong iyon.










Sa mansion, habang nasa opisina niya, hindi pa rin mapakali ang isip ni Mitsui nang malaman niya mismo kay Azhul ang tungkol sa namamahala ng DhenZu at naalala niya ang ikinuwento sa kanya ni Rei tungkol kay Uzmin.












"Nagkaroon ng relasyon sila Uzmin at Penina. May pagkakataong may nangyari sa kanilang dalawa. Pagkatapos . . . naibaba sa trono si Haring Uzmin at pumalit si Sezun. At nang mamatay si Sezun . . . . . "












Pagkatapos, naalala rin niya ang tungkol sa pagkatao ni Harry na ikinuwento rin mismo sa kanya nito mga ilang taon na ang lumipas na naroon pa si Rei sa Japan. Naalala niya na ang kapatid ni Harry na si Nelson ay tunay na anak ni Jiro at Penina, pero si Harry ay hindi, dahil anak lang ito ni Penina pero hindi niya tunay na ama si Jiro.










"Kung ganoon, maaring si Mr. Yamamoto ang anak ni Haring Uzmin kay Penina. Ibig sabihin, magkapatid si sir Harry at Haring Sezun! "













Mga ilang sandali pa niyang iniisip ang mga bagay-bagay.















"Sa pagkakaalam ko, mas matanda si Mr. Yamamoto kaysa kay Haring Sezun. Maaring unang anak niya si sir kaya posibleng siya dapat ang mamahala."













Pagkatapos ay naalala rin niya ang dahilan ng marriage game ni Rei.















"Ah, kung siya ang mamahala, hindi rin pwede. At kung ganoon . . . si Rei ang nangunguna para sa trono!"






The Marriage Game (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon