Chapter 12 || Alone (ヒトリ)

93 4 2
                                    


Tinawagan ni Mitsui si Harry para ipaalam rito na nasa mansion si Froi. Kaya nang makauwi na ang mag-ama, masaya siyang sinalubong ni Rei pagkatapos ay agad na kinausap ni Harry si Froi sa kanyang opisina pero sa pagkakataong ito ay hindi niya isinama si Mitsui.












"Kumusta ka na? Matagal na rin na hindi tayo nagkakausap. Ano ang nangyare at bakit parang namatayan ka?" Biro ni Harry sa kanya.











"Hindi ko pa po kasi nakukuha ang padalang pera sa akin ni Andy. Kaya . . . kung ayos lang sa inyo, pwede po bang dito muna ako tumuloy ng mga ilang araw?"














Pero ang totoo, pinalayas siya sa kanyang apartment na tinutuluyan dahil sa hindi siya makapagbayad dito. Pumayag si Harry at sinabing masaya siyang narito muli si Froi.





_____




"Mr. Hintaro, akala ko hindi na ulit kita makikita. Kumusta na?" Bati ni Froi kay Mitsui kinaumagahan.












Sa halip na sumagot, mapang-insultong ngiti ang binigay niya. Maya-maya pa ay tinawag siya ni Tasuke at binigay ang isang sulat na mula pa sa DhenZu.












"Mula kay Azhul ang sulat dahil nakatatak ang pangalan niya sa likod. Hindi naman siguro negatibo ang laman niyan." Sabi ni Tasuke.













Wala si Harry ng araw na iyon pero nagdesisyon pa rin siyang sabihin dito ang tungkol sa sulat ni Azhul. Tinawagan niya ito at pumayag si Harry na basahin niya ang sulat.











"Anong laman ng sulat?" Tanong ni Tasuke kahit hindi pa iyon nababasa ni Mitsui.













Napahilot si Mitsui sa kanyang sintido nang mabasa ang laman ng sulat.













"Oh, bakit?"














"Pupunta dito ang prinsipe para magbakasyon ng isang linggo. Sinabi niya na pangunahin niyang dahilan ay si Rei kaya siya babalik dito."














"Ah, mabuti naman at bibisita ulit siya dito."














Nakakunot-noo na napatingin si Mitsui kay Tasuke, samantalang hindi naman siya maintindihan ng isa.













"Bakit?"














"Wala . . . Wala naman."





____




"Talaga! Pupunta siya dito bukas?"














Masiglang sabi ni Rei nang mabalitaan ang pagbalik ni Azhul sa mansion. Sakto namang pagdating ni Froi marahil mula sa kanyang kwarto at naitanong kung sino ang darating. Pero hindi siya nasiyahan sa balitang nalaman.












Dumating si Azhul kasama si Kinza at ang iba pa sa mga taga-Dhenzu. Binigyan siya ni Mitsui ng personal na kwarto gayundin ang iba. Nang umagang iyon ay hindi muna pinayagan ni Mitsui si Rei na kausapin si Azhul na idinadahilang pagod ang prinsipe sa biyahe. Kaya kinagabihan matapos kumain, maraming napagkwentuhan ang dalawa at habang nag-uusap, napatingin naman sa kanila si Froi na noo'y kasama ni Mitsui dahil kinausap siya nito tungkol kay Andy.





The Marriage Game (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon