Chapter 22 || Repose (リポーズ)

35 3 5
                                    


Sana magustuhan ninyo mga readers ang story ko. Please vote and comment! 감사합니다! (•_~)










"Good morning po, heto po ang sulat para sa inyo."

















Dumating ang isang sulat kay Yumi mula kay Harry. Inimbitahan siya nito na pumunta sa mansyon at kasama na rin ang perang gagastusin niya papunta doon. Masaya siya dahil kahit hindi sila gaanong nagkakausap ni Rei, hindi pa rin siya nalilimutan ng pamilya nito.

















Habang si Yumi ay umalis na papunta sa bahay ni Rei, si Froi naman ay pumunta sa Austria dahil sa anibersaryo ng kamatayan ng kanyang ina.
















Nang makarating si Yumi sa mansyon, nakasalubong niya si Mitsui na paalis na kasama si Tasuke patungong Singapore para kausapin si Shin. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya malaman ang gagawin.

















"Ah, um . . . S-Saan kayo pupunta?"

















"Ikaw pala Yumi . . . Ah, pupunta kami ng Singapore ni Tasuke, may mahalaga kaming gagawin doon . . . Pasensya na Yumi, nariyan na kasi ang sasakyan namin kaya hindi na kami magtatagal, kailangan na naming umalis." Sagot ni Mitsui.

















"Okay sige. Ingat kayong dalawa!" Sabi ni Yumi na nakatingin kay Tasuke. Napatingin naman si Mitsui kay Tasuke na nakangiti na kay Yumi.

















____________

















"Pansin ko ang tingin mo kay Ms. Yumi, may gusto ka ba sa kanya?" Pabirong tanong ni Mitsui kay Tasuke habang nasa sasakyan.
















"May gusto agad, sir? Naabutan mo lang naman ako nakatingin sa kanya, ah."
















"Kilala na kita, Kazuko . . . kaya huwag ka ng magsinungaling." Medyo natatawang sabi ni Mitsui.
















Napangiti naman si Tasuke sa sinabi ng kausap.


















"Alam nyo sir, dahil kilala ko kayong seryoso . . . minsan kapag nagbibiro kayo natatawa ako. Hindi bagay eh!" Pagkatapos ay malakas siyang napatawa.


















Seryosong napatingin si Mitsui.

















"Ah, sorry sir, sorry." Biglang reaksyon niya nang mapansin ang mga tinging iyon.

















"Sige na nga sir, sasabihin ko na."
















Bahagyang napangiti si Mitsui.

















"Maganda siya at mabait."

















"Ibig sabihin, gusto mo nga siya?"


















"Eh . . . "

















Napabuntong-hininga na lang si Mitsui.

















The Marriage Game (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon