Chapter 20 || Turning Point (ターニングポイント)

57 5 5
                                    


Malamig ang panahon. Naging masyadong abala ang mga tao sa mansion makalipas ang trahedyang nangyari kina Azhul at Mitsui. Nagsa-ayos na muli ng kanyang mga gamit si Rei dahil pupunta siya sa koronasyon ng bagong hari, si Zomand. Umalis si Harry kaya si Mitsui ay abalang-abala sa mga gawain na pinaasikaso sa kanya. Nabalitaan ni Froi na dumating si Shin sa America kung saan iyon ang dahilan kung bakit umalis si Harry. Samantala, ang prinsipe naman, kahit maayos na ang kalagayan, ay hindi pa rin lumalabas sa kanyang kwarto.










"Mas magiging maganda ang inyong pakiramdam kung makakalanghap po kayo ng sariwang hangin sa labas." Sabi ni Kinza sa prinsipe na nakatingin sa labas ng bintana.











"Salamat, Kinza. Pero . . . gusto ko munang mapag-isa. Pwede bang iwanan mo muna ako?"










"Ah, sige po. Pero kung sakaling kailanganin ninyo ang tulong ko, tawagan nyo lang po ako dito sa labas." Sabi niya sabay alis.










Napansin ni Kinza na parang kakaibang kumilos ang prinsipe matapos ang nangyareng insidente dito. Wala siyang maisip na dahilan kaya sa tingin niya, kailangan niyang mas obserbahan ang mga galaw nito.










Samantala, si Azhul naman ay malalim ang iniisip. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Rei. Sa katunayan, may karapatan din siya para maging hari. Pero para bang may pumipigil sa kanya na agawin iyon sa kanyang nakatatandang kapatid.











•~•~•~•~•~•~•~•~•~•











"Anong kailangan mo, Rei?"











Dumating si Rei sa opisina ni Mitsui. Medyo nahihiyang lumapit si Rei sa kanya marahil alam niyang abala si Mitsui para gawin ang gusto niya. Kaya naman tinanong na agad siya ni Mitsui kung anong kailangan niya.










"Alam mo ba, ang sarap kumain ngayon ng zha jiang noodles. Tapos may kasamang dumplings at siomai . . . Katulad ng kinain natin noong pumunta tayo kina Yumi! Ang sarap talaga ng luto mong iyon! Lalo na kung mahalang ang sabaw ng noodles." Sagot niya.











Bahagyang napanganga si Mitsui habang sinasabi ni Rei iyon sa kanya. Alam niya ang gustong ipagawa sa kanya ni Rei pero marami pa siyang dapat gawin ngayong wala si Harry.










"Magpaluto ka ng gusto mo sa kusinero." Iyon lang ang sinabi niya at nagpatuloy na sa ginagawa.










Hindi na nakapagsalita si Rei dahil alam niyang ganito ang mangyayari. Pero hindi siya umalis sa opisina nito. Nakaupo pa rin siya sa sofa na kalapit ng mesa ni Mitsui.




 Nakaupo pa rin siya sa sofa na kalapit ng mesa ni Mitsui

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napataas-kilay si Mitsui na napatingin kay Rei. Nang maabutan siya ni Rei na nakatingin, tinuloy na lang niya ang kanyang trabaho. Mga limang minuto ng lumipas ay hindi pa rin umaalis si Rei. Lumipat lang ito ng kinatatayuan pagkatapos ay tahimik na nakaupo.











Pasimpleng tumingin muli si Mitsui sa kanya. Pagkatapos ay lumipat na muli sa Rei sa sofa na malapit kay Mitsui. At sa pangatlong beses na pagtingin ni Mitsui sa kanya ay nagkatitigan na lang sila hanggang sa tumayo na ito.











"Gaano karaming sili ang ilalagay ko sa noodles mo?"











Malaking ngiti ang binigay niya kay Mitsui dahil alam niya na pumayag na ito sa gusto niya.











•~•~•~•~•~•~•~•~•~•











Mga alas-syete ng gabi dumating si Harry sa mansion. Pagkatapos ay pinag-usapan nilang dalawa ni Mitsui ang tungkol sa pagpunta nila sa koronasyon ng bagong hari na si Zomand. Bagama't hindi pa natatapos ang kaso ni Azhul, pinaunlakan pa rin nila ang imbitasyon ng prinsipe. Alam ng mga taga-DhenZu na nasa mansion nila si Azhul at gustong ipakita ni Harry sa kanila na pantay lang ang tingin niya sa magkapatid.











Matapos ang usapan nila, pinuntahan ni Mitsui si Rei sa kwarto nito para ipaalala ang imbitasyong iyon. Ikinalungkot ni Rei ang balita marahil sa gusto niyang maging hari si Azhul.
Mula naman sa kanyang malaking bintana, nakita ni Harry si Azhul sa hardin ng mag-isa. Nararamdaman niya ang lungkot ng prinsipe ng pagkakataong iyon sa hindi maipaliwanag na dahilan.











"Mukhang malalim ang iniisip ng prinsipe," bati ni Harry kay Azhul na bahagayang napangiti ng makita siya.











"Tamang-tama ang malamig at tahimik na lugar na ito. Alam mo, dito rin ako pumupunta kapag nalulungkot ako . . . . At kapag nakikita ko ang magandang hardin na ito, naaalala ko ang asawa ko . . . mga ala-ala na nagpapatibay sa akin. Oo, nangungulila rin ako sa kanya pero . . . hindi ko hinahayaan iyon na maging dahilan para sumuko na lang sa buhay. May mga taong nagmamahal sa akin at iyon ang dahilan kung bakit dapat akong mabuhay."











"Bakit ninyo sinasabi sa akin iyan?" Si Azhul matapos matigilan sa mga sinabi ni Harry sa kanya.











"May mga pumunta sa akin para kausapin ako noong pumunta ako sa bansa ninyo. Isang grupo sila . . . Pero hindi ako nagsalita nang sabihin nila sa akin na gusto nilang maging hari si prinsipe Azhul . . . na kumbinsihin daw kitang bumalik sa bansa. Wala akong sinabing anuman, pero umalis ako na nakangiti." Mahinahong sabi ni Harry.










Dahil sa nalaman niya, hindi namalayan ni Azhul ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata. Matinding emosyon ang naramdaman niya sa mga narinig niya mula kay Harry. At para bang isang ama ang nagsasalita sa kanya para sa kanyang ikatitibay.











"Hindi pa huli ang lahat sa'yo, mahal na prinsipe. Huwag kang sumuko . . . May mga taong naghihintay sa'yo. Sila ang gamitin mong lakas para mapagtagumpayan ang hamon na ito. Sa gayon, maipagtatanggol mo ang sarili mo sa mga taong gusto kang hilahin pababa."











Mahigpit na niyakap ni Azhul si Harry at hindi na napigilang mapaiyak. Alam niya sa sarili na agad siyang pinanghinaan ng loob at sumuko. Pero sa mga salitang iyon ay tinulungan siya ni Harry na bumangon at harapin ang laban.











•~•~•~•~•~•~•~•











Maagang umalis si Harry para kausapin si Shin at Froi tungkol kay Rei. Samantala inihanda na ni Mitsui ang mga pasaporte sa pag-alis papunta sa DhenZu.






The Marriage Game (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon