Chapter 5 || Encounters ~ Parties (出会い~再会)

172 20 20
                                    

"Heto ang damit na gagamitin mo sa party. Ipinadala iyan ni Mitsui para sa'yo."




Ibinigay ni Harry kay Rei ang isang kahon at laman nito ang napakagandang white dress na regalo mismo sa kanya ni Mitsui.




"Napakaganda!" Ang nasabi ni Rei matapos sukatin ang damit.






"Talagang sukat na sukat sa iyo ang damit na iyan."






"Ano bang klaseng party ang pupuntahan natin, dad?"






"Dumating na kasi ang ibang kamag-anak ni Mitsui at nagsa-ayos siya ng celebration para sa kanila. Imbitado tayo doon kaya mamayang gabi dapat maayos ka na kapag pinuntahan ka na dito ni Tasuke. Mauuna na kasi ako doon dahil kailangan ko pang makausap si Mitsui." Paliwanag ni Harry.






Inaayos na kaagad ni Rei ang sarili. Suot na niya ang white dress na binigay sa kanya ni Mitsui at matagal na pinagmasdan ang sarili sa salamin na nakangiti. May kakaiba siyang naramdaman ng pagkakataong iyon.






"Ms. Rei, napakaganda nyo!"






Dumating si Tasuke, naka-black suit at ready na rin para sa party. Pagkatapos ay umalis na sila.

 Pagkatapos ay umalis na sila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



•~•~•~•~•~•~•~•


•~•~•~•~•~•~•~•

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Pagkarating doon ay tinawag kaagad ni Harry si Tasuke at naiwan si Rei. Nang sandaling iyon ay lumabas si Mitsui at nakita niya si Rei na papasok na sa loob kaya pinuntahan niya ito. Ipinakilala niya kay Rei ang ilan sa mga kamag-anak niya at kasama na dito ang auntie niya na si Ms. Yuzuki Hintaro ( Yu - zu - ki) .







Malapit sa malaking binatana ay ipinakita ni Ms. Yuzuki ang isang magandang hardin at sinabing dapat na makita ito ni Rei.







"Pero, nakalock ang gate ng garden na iyon kaya hindi ako makakapasok doon."







Ibinigay ni Ms. Yuzuki ang susi na ipinagtaka naman ni Rei. Hindi niya malaman ang dahilan pero parang may kakaiba sa babaeng iyon.







The Marriage Game (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon