Chapter 9 || Something That Never Changes (変わらないもの)

124 8 24
                                    

Vote.Comment.

"Nakakainis naman . . . nasira pa kasi ang cellphone ko. Kumusta na kaya si Rei? Matagal na ko na rin siyang hindi nakakausap." Sabi ni Froi na noo'y nasa Korea at pinagmamasdan ang nawasak niyang cellphone.








Dahil sa hindi niya ma-kontak si Rei, nagdesisyon siyang bumalik sa America. Hindi agad siya pumunta sa mansion ni Rei. Sa halip ay dumaan muna siya sa isang school kung saan ay doon siya dati naging tutor.











"Sige, bukas ko na lang kukuhanin kina Aimi!" Sigaw ni Yumi sa kaklase niyang palayo na.










Nakita ni Froi si Yumi at naalala ang mukha nito. Minsan na kasi niyang nakita ang isang picture sa kwarto ni Rei na kasama si Yumi. Agad niyang nilapitan ito at kinamusta.










"Ako nga pala si Froi Miller, boyfriend ni Rei." Pagpapakilala niya.








Gulat na gulat si Yumi dahil hindi niya akalaing may boyfriend na si Rei. Pero masaya siya dahil hindi siya nakakalimutan ng kaibigan.









"Gusto niyang malaman kung maayos ka naman dito sa school mo."










"Ah, oo naman. Pero namimiss ko na rin kasi siya kaya minsan nalulungkot din . . . Um, pauwi na kasi ako. Bakit hindi ka muna pumunta sa amin para doon na maghapunan?"









Sumama siya kay Yumi sa bahay nito sakay sa magarang kotse niya. Pagkarating doon, agad na tinawagan ni Yumi si Rei para ibalitang naroon si Froi sa bahay niya pero iba ang nakasagot nito.








"Sino po ito?" Tanong niya.








"Si Tasuke Kazuko ito. Anong kailangan mo at gusto mong makausap si Miss Rei?"








Nang marinig ni Yumi na si Tasuke ang kausap niya, nabigla siya kaya naibaba niya ang telepono. Nagulat naman siya sa naging reaksyon niya kaya tinawagan niya ulit ito.









"Um, ako si Yumi Chinatsu . . . Ako yung kaibigan ni Rei. Nariyan ba siya?" Mabagal siyang nakapagsalita.






"Ah! Ikaw pala! Pasensiya ka na kasi wala siya ngayon dito. Kasama siya ngayon ni sir Harry. Pero kung gusto mo, ako na lang ang magsasabi sa kanya kung ano man ang ipapasabi mo."







Ipinasabi ni Yumi na naroon si Froi sa bahay niya at na sana makapunta rin doon si Rei. Nang maibaba na muli ni Yumi ang telepono, kinikilig siya dahil kahit sa telepono lang, nakausap naman niya si Tasuke.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

"Talaga? Narito na si Froi sa America? Nasaan na siya?" Sayang-saya si Rei nang mabalitaang dumating na si Froi galing Korea.







"Sinabi ni Yumi na naroon si Froi sa bahay niya. Gusto ka na rin daw kasing makita ni Yumi, kaya kung pwede daw sa'yo ay bumisita ka na rin sa bahay nila." Paliwanag ni Tasuke.






Matapos malaman iyon ni Rei, pinuntahan niya agad si Mitsui sa kwarto nito. Kasunod naman niyang pumasok ng kwarto si Tasuke.







"Mitsui, pwede mo ba kaming samahan ni Tasuke? Pupunta kasi kami sa bahay ni Yumi."







"Ah, kasama ako?" Ang nabulong ni Tasuke sa sarili nang malamang isasama siya ni Rei kina Yumi.






The Marriage Game (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon