Chapter 15 || Moonlight Medium (月下の巫女)

69 4 0
                                    

Comment!!


"Masaya ako dahil nagkita ulit tayo, mahal na prinsipe." Si Froi matapos iyukod ang ulo.


















"A, Aalis ka na kaagad?" Tanong ni Izzhar kay Froi na akmang aalis.
















"Oo, mayroon kasing taong naghihintay ngayon sa akin. Kaya aalis na ako."

















Habang naglalakad palabas ng mansion, isang babae na may marangyang kasuotan ang tumawag sa kanya.
















"Ikaw ba si Mr. Froi Miller? Pwede ba kitang makausap sandali?"

















"Pasensya na, pero kailangan ko nang umuwi." Sagot niya na patuloy lang sa paglakad at hindi nililingon ang kausap.















"Hindi ko akalaing ganyan ang ugali ng anak ni Mr. Bill. Hindi man lamang iginagalang ang mga prinsesa?"















Agad na napalingon si Froi at nakita niya si Nazara na papalapit na sa kanya.















[ will add photo ]

*Nazara Seida, 24. Prinsesa ng DhenZu at ikaapat sa linya para sa trono. Siya ay anak ni Zek Seida at pinsan ni Azhul at Izzhar.

_________





"Napakaganda ng buwan, hindi ba?"













"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, prinsesa? Kung wala naman, ipagpaumanhin mo pero kailangan ko ng umalis." Aalis na sana siya nang magsalita muli ang prinsesa.













"Nabanggit sa akin ni Izzhar na kaibigan ka daw ng nag-iisang anak ni Mr. Yamamoto na si Rei. Hindi mo ba siya kasama na pumunta dito sa DhenZu?" Maarteng tanong nito.













"Kasama ko siya, marahil naghihintay na siya sa akin."












"Alam mo, gusto ko siyang makilala. Kailangang magkita kami hangga't narito pa siya. Pwede mo bang ibigay mo ito sa kanya?" At ibinigay ang dalwang sobre kay Froi.












"Bakit ba parang interesado sa kanya?"












Alam ni Froi na normal lang na gustuhing makilala ang isang tao. Pero pakiramdam niya sa tono ng mga sinabi ni Nazara, may itinatago itong ugali ito. Kaya sinamantala niya ang pagkakataon para alamin iyon.












"Ikaw pala ang ikaapat para sa trono. Ano naman ang --- "












Napatigil sa pagsasalita si Froi nang biglang tumawa ng malakas ang prinsesa.













"Hahahaha!!! Tama, ako nga. Pero hindi naman iyon mangyayare."













"Anong ibig mong sabihin?"













"Mr. Miller, mabibigla ka na lang kapag kumalat na ang kamandag ko sa ugat ng lahat." Pagkatapos ay tumawa ulit ito at lumapit sa kanya.













The Marriage Game (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon