CHAPTER 3 - DREAM

109 3 1
                                    


Bella's POV:

Haist sana wala pa si tatay. Sabi ko sa sarili ko kasi andito palang ako sa jeep pauwi sa amin. Baka malagot ako pag nauna yun sa akin.Pag dating ko sa tapat ng bahay ay nagdadasal na ako na sana wala pa si tatay pero bubuksan ko palang ang pintuan ay may nag salita na sa likod ko.

"Bakit ngayon ka lang..?" Tatay

"Ahh. Tay napasarap lang po kami ng kwentuhan ng mga kaklase ko at hindi namin namalayan yung oras" ako habang nakayuko.

"Mga palusot mo gusto mo lang tumakas sa gawaing bahay." tatay habang binubuksan ang pintuan.

Pumasok na kami sa loob at nagulat ako ng makita ko na umiiyak si ate jane sa sala. Andun din si ate sarah at nanay.

"Ikaw. May gana ka pang umuwi dito dahil sayo na suspend ako" ate jane habang humihikbi.

"Bakit gabi ka na umuwi ha Bella. Kung kala mo makakatakas ka sa ginawa mo sa anak ko pwes hindi." Nanay sabay sinasabunutan ako.

"Nay t-tama na po w-wala po akong kasalanan" paliwanag ko pero hindi niya ako pinakinggan . kaya wala akong magawa kung hindi umiyak.

"So. Sinasabi mo na si Jane pa ang may kasalanan. Ehh. Ikaw naman ang tatanga tanga ehh kung nag sinugaling ka sa na hindi mapapahamak si jane.Alam mo porket mayaman lang yung tao pinahamak mo na si jane Para ano para sumipsip kana sa kanila. Ano tama ba ako. ?" Si nanay habang dinuduro ako

"Yang suot mo galing yan sa kanila ano mukhang pera ka talaga. Kala mo kung sinong mabait may tinatago palang baho Sa katawan." Ate sarah.

"Hindi po totoo yan hindi ako mukhang pera gaya ng sinasabi niyo. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko kay ate jane dahil sinasaktan nila ako ng mga kaibigan niya. Tsaka nay bakit ba si ate jane ang kinakampihan niyo ehh siya naman talaga ang may kasa-----" hindi ko na nakaya yung mga sinasabi nila saakin kaya nasagot ko na sila. First time kong sumagot sa magulang ko. Dati kaya ko pang tiisin yung mga sinasabi nila sa akin pero ngayon sobra na. Naputol naman ang pagsasalita ko dahil sinampal ako ni tatay . sa sobrang lakas ng sampal ay halos masubsob na ako sa sahig.

"T-tay" ako at mas lalong lumakas ang iyak.

"Ang kapal nang mukha mong sabihin na sinungaling ang anak ko.. Isa pa na marinig ko nag mag salita ka uli ng ganyan sa mga anak ko. Tingnan natin kung may bahay ka pang titirhan" tay
habang umakyat sa taas.

Anak niyo rin naman po ako diba bakit ganyan ang trato niyo sa akin. Bakit ayaw niyong maniwala sa akin.wala akong magawa kundi umiyak . maya maya ay hinila ni nanay yung buhok ko at kinaladkad ako papunta sa kwarto ko.. Nung paalis na siya ay agad ko siyang hinabol at nagmakaawa dahil alam ko na ang susunod niyang gagawin.

"Nay p-lease.. Wag niyo po gawin to nagmamakaawa ako." ako habang nakaluhod.

"Mabulok ka jan" nay habang sinasarado yung pinto. Narinig ko naman ang lock mula sa labas ng pinto.

Hindi ko alam kung kelan nila ulit ako papalabasin dito. Nung nakaraang nangyari to nang mag away kami ng panganay kong kapatid. 2 linggo rin ako dito sa kuwarto ko walang kain. Buti na ngalang may maliit na Cr dito.

Dahil siguro sa sobrang pag iyak at pagod ay hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako.

______________________________________

"Hon excited na akong makita siya" boses ng isang babae pero hindi ko maaninag yung mukha.

"Me too hon..Excited na rin ang mga kapatid mo na makita ka" ngayon boses naman ng lalaki. Teka sino ba sila.Maya maya may narinig ko naman nagwawala yung babae

"Hi-hindi. H-hindi .hindi pwede yang sinasabi niyo tinatago niyo lang siya ilabas niyo ang anak ko.ilabas niyo siya.." Pag wawala Nung babae

"Hanapin niyo yung lalakeng yung wag kayong titigil sa paghahanap hanggang hindi niyo siya nakikita magbabayad siya sa ginawa niya" yung lalaki naman ang nag sasalita

"Ito ang pera isama mo yang bata magpakalayo layo kayo dito. Kailangan hindi nila mahanap yang batang yan naiintindihan mo. Kung pumalpak ka pamilya mo ang magbabayad sa katangahan mo." Isang boses ng lalaki pero iba na ito kumpara kanina.

" Shit. Nahabol nila ako. Umalis na kayo bilis" yung lalaki

*bang*

Napamulat naman ako sa tunog ng baril. Lagi kong naririnig ang mga bosea na yun sa panaginip ko. Pero ang pinag tataka ko ay sino- sila bakit lagi kong naririnig ang mga boses nila.wala naman akong matandaan na kakilala ko na may ganong boses.
.
.
Tssk. Hay bella stress ka lang itulog muna yan. Ay naku baka dahil sa gutom ko lang to. Kaya bumalik nalang ulit ako sa pagtulog ko sana bukas ay bukas na yung pintuan ng kuwarto ko..

______________________________________

Vote and comment

Thanks for reading

Hannah and Bella

IM A HEIRESS.?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon