EITHEL’S POV
“ANO?! ANONG PUMASOK DYAN SA KOKOTE MO AT BINUKING MO KAMI?!”
“Sorry okay? Calm down james hindi ko sinasadya ayoko naman talagang sabihin.”
“Nasabi mo na Etheil!”
Napabuntong hininga nalang ako. Hays! Nandito ako ngayon sa bahay nila para ipaalam sa kanya na alam na nila Abby ang tungkol kay Angel ngayon nalang ako nakapunta dito halos tatlong araw ko din binantayan mga magulang ko baka kasi mamaya kidnapin ulit ng mga alipores ni Alden.
“Teka nasan si Angel?” Hanap ko sa kanya kanina ko pa kasi napapansin na wala dito eh.
“Umalis. Padating na din yu---”Hindi na natapos ni james yung sasabihin nya kasi biglang nagbukas yung pinto.
Nanlaki ang mata ko para akong tuod na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko baka ganun din si james . si Angel kasama si Alden sa pintuan.
Bumalik naba ang ala ala nya? Pano nangyari?
“Hi Mahal. Hehe pasensya kana ngayon lang ako nakauwi napatambay kasi ako sa cemetery nakita ko si alden.” Sabi ni Angel sabay lapit samin hila hila si Alden So? Nakakaalala na talaga sya? Si alden naman walang kibo Cool lang.
Tiningnan ko si James may gulat sa mata nya pero nagingibabaw pa din yung pagka kalmado nya.
“Uy. Etheil nandito ka pala kailan kapa dumating dito sa manila?” Atlast napansin nya din ako pinilit kong ngumiti sa kanila.
“kanina Lang, Nakakaalala kanaba?” Ewan ko pero ayan bigla ang naisipan kong itanong sa kanya.
“Nakakaalala?” Tanong ni Alden napatakip nalang ako ng bibig Hindi pa pala sya nakakaalala hindi ba alam ni alden na may amnesia sya? Kahit nasa gilid ko lang si James Ramdam ko na agad yung Black Aura nya. Samantalang si Angel walang kaalam alam sa tensyon. Patay na!
“Sya ba yung Fiance mo andrea?”- Turo ni Alden kay James bago pa makapag salita si Angel hinala na agad sya ni James papalapit sa kanya.
“Oo ako nga, Andrea pumunta ka muna sa kwarto mo. Etheil pakisamahan sya.” Utos ni James tumango nalang ako.
“aalis ka Mahal?”- Tanong ni Angel kay James
“Hindi. Magpapasalamat lang ako dito sa naghatid sayo. Pahinga kana Mahal.” tapos umakyat na kami sa taas naiwan na silang dalawa sa baba. Goodluck nalang sa pag uusap nila.
Pumasok na kami sa kwarto ni Angel at nilock ko na din yung pinto. Naupo naman kami parehas sa kama nya.
“Uhm Etheil may problema ba si Ethan?” Panimula ni Angel.
“Wala naman ata. Bakit mo naitanong?”
“Wala lang para kasing ang seryoso nya nung nakita nya kaming magkasama ni Alden. Magkakilala naba sila?”
Oo magkakilala na sila matagal na angel. Katingkati na ko malaman ni Angel yung totoo pero ayokong masaktan si James. Kinokonsensya na kasi ako sa panloloko namin sakanya.
“Baka naman nagseselos lang si Ethan kay Alden. Hehe” Palusot ko.
“Wala naman dapat syang ikaselos kaibigan ko lang si Alden at si Ethan ang Mahal ko.”
“Hayaan mo na sila. You know what. Manood nalang tayo ng movie dito sa kwarto mo.” Suggest ko gusto ko lang iiba yung topic baka kasi mamaya madulas ako masabi ko pa yung totoo
BINABASA MO ANG
Let the Love begin
Teen FictionMortal enemy sa unang tingin malolove at first sight din, hindi man nagkaminan sa una tska lang ma rerealize ni Alden na Mahal nya pala Talaga si Angel Kung kailan wala na, Wala na ang mg bagay na dapat sana hindi nangyari kung maaga syang umamin sa...