Foreward~
Lunch
Maureen's POV
Papunta na kami sa cafeteria ng may kung anong meron sa gym.
Nagtakbuhan lahat ng tao.
"HYPE 5IVE!"
"Andun daw Anj? kyaaaaah~ tara na!"
"GYM!"
Nasa gym sila Leslie? Whuat!? Anong meron!?
"pupunta pa ba tayo o kakain na tayo?" tanong ni Kath. kung pupunta kami dun, malamang may kung anong merong magaganap. Pero pag sa cafeteria kami, wala kaming malalaman.
"tara na nga" aya ko hihilahin ko na sana si Kath pero hinatak nya ko pabalik
"saan?" tanong niya di ko siya sinagot at hinatak nalang.
GYMNASIUM
Ang ingay ingay at tili ng tili ang mga tao, required na ba ito dito sa school!? Sobrang init pa jusko, di ata kinaya ng madaming electric fan at aircon dito e. Dahil sobrang dami.
Sa labas din, may malaking screen doon at nakikita din nila ng malinawan ang hype.
Concert ang peg!?
"gawd! Ang init!" reklamo ko, napatingin sakin yung nasa harap ko.
"pinsan mo si Jekoy di ba?" tanong niya sakin.
"yeah, bakit?" tanong ko naman.
"wala lang, nakita ko kasi yung post mo in hype five official. Meron silang gt at ikaw ang nagha-handle right?" tanong niya na naman.
"yeah." tipid kong sagot at napatingin sa gawi ni Kathryn. Init na init at pulang pula siya. Parang mahihimatay siya kahit anong oras.
Tumingin ulit ako sa babae, nakatingin na siya sa harap at nag cheer sa limang lalaking naka talikod.
At alam ko, konting galaw palang nila, kikiligin na lahat ng tao.
Pustahan, lahat ng may girlfriend, selos ang boyfriend.
"mawawalan ata ako ng oxygen dito be, nakakalanghap pa ko ng amoy na ewan!" sabi ni Kath, inalalayan ko si Kath at inilabas sa gym
Baka nga mahimatay itong babaeng to, nakaka asar.
"hindi mo ba dinala ang inhaler mo,!?" tanong ko sakanya, nagpa panic na ko.
"h..hindi..a...a..atsaka...a...a...ang.....i.....i....init.... sa loob.." sabi niya pa na nauutal na. Ugh!
Nandito na kami sa clinic at sinaksakan agad siya ng pangpa easy.
"asthma." sabi ni ateng nurse.
"inaatake siya ng asthma. Wala sa timing ang ginawa nyang grupo. Baka anytime, may mahimatay katulad nitong kaibigan mo, walang dala na kahit ano. Baka may mamatay dyan. Dahil halo halo ang amoy at kulob pa. Aircon pa. Buti naagapan mo, kundi nahimatay na itong kaibifan mo." sabi pa ni ateng nurse.
Alam ko ng may asthma si Kath, at ako lang ang may alam
Dahil ang pamilya niya, laging wala, kapag umuuwi sila sa bahay nila, wala na silang pake kay Kathryn. Laging napag iinteresan itong si Kath.
Nalaman ko lang na may asthma siya nung pumunta siya sa bahay, maalikabok at naka aircon pa kami sa kwarto.
Dumugo ang ilong niya at naghihinalo na. Buti nalang merong inhaler ang mom ko kundi, baka di na siya nabuhay ng ganito.
Ayaw niya sa mababahong amoy, away niyang nakaka amoy ng mga pabango. Kapag nagpabango siya dapat may mask siya. Gusto nya laging malinis ang lahat ng bagay. Dahik anytime, pwede siyang atakihin ng sakit niya.
Binilhan ko siya ng gamot, ininom niya yun ng 1 araw tatlong inom. Kumbaga, umaga, tanghali, gabi.
Sa sumunod na bwan, hindi na siya uminom dahil hindi siya inaatake ng sakit niya.
Pero ayan na naman siya ngayon, inaatake.
Sabi ko, lagi nyang dalhin ang bag niya dahil andun ang inhaler at gamot niya. kaso, sobrang tigas ng ulo, iniiwan sa locker niya.
"hays Kath..." buntong hininga kong sabi.
Nagising siya at akmang tatayo ng pigilan ko siya
"ang kulit mo talaga Kathryn Lewis! Di ka ba makaintindi!? Magpahinga ka muna, okay!?" panenermon ko.
"kaya ko..kaya ko...Maureen...Please...Iupo mo ako..." bakas sa boses niya na sobrang lungkot niya at nanghihina siya.
Pinaupo ko siya.
Kinuha ko ang tali ko sa kamay ko at suklay.
Pumunta ako sa likod niya at tinalian siya ng pony tail
Umupo ulit ako sa harap niya. Naka takip sa mga mata niya ang bangs niya. Naka yuko siya at parang iiyak.
"kath.." tawag ko sa pangalan niya. Tumingin siya sakin at baka sa mukha niya at lungkot at iiyak na. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"please...lumaban ka. Ipapa-doctor kita!" nangingiyam kong sabi.
"ano ka ba, Mau! Para naman akong mamamatay na. Pero sa bagay, malala na 'tong asthma ko, buwan buwan dumadalaw kala mo mens" biro niya kumalas ako ng pagkakayakap ko sakanya at sinamaan ko siya ng tingin, tumawa lang siya.
"wag kang magbiro ng ganyan! Lele!" sabi ko.
"mauie, alam mo...lalaban naman ako e. Kaso kung lalong lalala 'to, para 'san pa ang paglalaban 'ko?" sabi niya (A/N: Mawi ang bigkas sa Mauie, ocakes?)
"lalaban ka! Gagaling ka, Lele! Please, lumaban ka naman para sa'kin?" pagmamakaawa ko sakanya.
"lalaban tayo! Bestfriends forever?" masaya niyang sabi nag apir kami at nagyakapan.
"lele, wag muna ah? Mahal na mahal kaya kita! Di ka pwedeng mawala ano ka ba!" konting biro pero naiiyak na talaga 'ko.
"mahal na mahal rin kita, Mauiee!!" sabi niya mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.
"promise mo sa'kin, 'di ka muna aalis? Kasi magkaka boyfriend muna tayo!" biro ko.
Hindi siya umimik.
"Kath..Lumaban ka. Madaming nagmamahal sayo. Kasama na ang Hype. Mahal na mahal ka naming lahat, Lele. Please? Magpapa galing ka okay? Alam mo namang tayo ang partners in crime, 'di'ba?" sabi ko. Tumawa siya ng bongga at niyakap ako. Kaya yumakap ako pabalik
Bestfriend- okay ng mawala si boyfriend wag lang si bestfriend.
------------------------
Payag kayo mawawala nalang bigla si Kathryn? Di ba hindi naman? Mahal niyo siya diba?
Hihi, comments and votes pleaseee!!!
BINABASA MO ANG
Got To Believe (HYPE 5IVE FANFICTION)
RandomRomantic,Forever,Relationship Ano ba yung mga salitang yan para sa babaeng ito? Itong babaeng to ba ay maniniwala nalang kapag nagkaroon siya ng katapat niya? O sadyang, hindi pa din siya maniniwala diyan kasi nasaktan na siya NOON, na pilit, binab...