Maureen's POV
Natapos na kaming mag ayos ng sarili namin, kahit hindi kami makakapasok ni Katrina sa audi, okay lang. Edi kami nalang ni Kat ang magde-date. Pwe!
Lumabas na kami ng locker room, at naglalabasan na rin ang iba dahil oras na para pumunta sila sa audi.
Pero kami ni Kat ay nagulat, ay. Ako lang yata ang nagulat. Nang magdilim. Nagsigawan pa nga ang mga tao,
"What's going on?"
Bigla nalang nagliwanang, nagulat nalang ako ng wala ng tao.. Pati si Katrina wala.. Juskooooooo!!! Kini-kilabutan na ko. Huhuhuhu :( sabe pa naman, may naglalakad dito sa campus.
"HOY! WAG NAMAN KAYONG GANYAN SAKEN!! Huhuhu" sigaw ko at naglalakad lang ako at palingon lingon.
Nang mapahinto ako. Biglang nagpatay sindi ang ilaw. Nanginginig ako sa takot..
Sumindi na ang ilaw.
Nakita kong may mga naka black, at naka yuko sila. Nagulat ako ng tumugtog ang kantang 'Chivalry Is Dead'
At bigla nalang silang sumayaw. Ngayon ko lang narealize na, ang Hype pala 'to,
Halos mangiyak na ko kanina dahil sa takot, pero ngayon halos kiligin at sumabog na ang dibdib ko. Mukhang mamamatay ako ng maaga nito.
Namatay ulit ang ilaw at sumindi agad. Ngayon si...
"Sceven..." Mahina kong banggit, nagulat ako ng may pumaligid na samin, mga taga school at mga kaibigan ni Sceven, nothing to mention guys. Kilala nyo naman mga kaibigan nyan.
At teka.............bakit andito si Katrina -/-
Lumapit sina Kat, Jekoy, Patrick, Almer at Leslie sakin.
Binigyan ako ni Katrina ng Explosion Box.
Binigyan ako ni Jekoy ng banner.
Binigyan ako ni Patrick ng chocolates.
Binigyan ako ni Almer ng flowers.
Binigyan ako ni Leslie ng.."Will you be my.."
Halos magulat ako ng mabasa ko ang binigay sakin ni Leslie at tumingin sakanya at takang taka dun, tinuro niya si Sceven, omg. Tapos na pala si Sceven, may hawak siya.. Nagsimula ng magbulong-bulungan dito sa campus.
"HALAAAAAAA!!!!"
"Omg! Magbigte ka na girl"
"Ayokooo!!! Akin lang si Sceven"
Hindi ko lang sila pinansin, binuklat ni Sceven yung banner.
"Mali yung binigay ni Leslie, shunga talaga nito, sabi ko wag mo ng ibigay eh" inis na sabi ni Sceven kay Leslie, nag peace sign lang si Leslie at kinuha ang binigay niya sakin kanina. Abnormal na magbestfriend.
"Can I Court You, Maureen?"
O to the M to the G. Ay grabe haha my tag boyfriend lang ang peg? Parang Patty Santos lang? Choss lang.
"Uy ano na? Titignan mo nalang ba ang gwapo kong mukha? Alam kong gwapo ako."
Ayyysss! Yabang talaga.
"Ay grabe ka ahh. Ikaw kaya dito." Sabi ko sakanya.
"Tignan mo, yung pang aasar ko sayo, yun pa yung napansin mo, eh etong effort ko, di mo manlang napansin"
Halaaaa! Grabe siya.
"Oo na."
"Huh? Ano? Di ko narinig, lakasan mo"
"Sabe ko OO, gusto mo lang--" hindi ko napagpatuloy yung sasabihin ko ng tumakbo siya sakin at niyakap ako, juskooo!! Hangin pooo!! Tumawa nalang ako at niyakap din siya. Di pa naman kami, ganyan agad kami umasta.
Nagpalakpakan ang mga tao,
"KISSSSSSSSSSS!!!!!!" Alam kong sigaw nila Katrina yun, tinignan ko ng masama si Jekoy, nakayakap pa rin si Sceven sakin.
"Grabe ka. Nabigla at natakot ako kanina paglabas ko ng locker room" sabi ko habang nakayakap pa rin ako sakanya, humiwalay siya sakin at hinawakan ang bewang ko ng nakatitig siya ng deretso sa mga mata ko.
"Yun ang plano ko, kaya sorry na kung natakot ka man" sabi niya, ngumiti nalang ako sakanya. "Di mo alam kung gano ako kasaya ngayon dahil sa pagpayag mo na ligawan kita" sabi niya pa.
"Unexpected din naman eh." Sabi ko naman ngumiti siya sakin at niyakap ulit ako. "Luh sya, todo tsansing ahh" sabi ko, humiwalay siya sakin at inalalayan ako sa mga binigay ng mga kaibigan niya.
"Basahin mo yang lahat mamaya ahh?" Sabi niya, nagtaka agad ako. "Wag ka na nunang magtanong, basta basahin mo yan mamaya kapag tayong dalawa nalang ang magkasama" sabi niya at hinawakan ang kamay ko, kinuha ko agad yun
"Oopps, bawal" sabi ko at nauna sakanya, respeto naman, nanliligaw palang siya noh. Todo tsangsing sya hahahaha.
Nang nasa hall way kami, pinagtitinginan kami. At mukha ng yaya si Sceven.
"Hindi ka ba nahihirapan? Gusto mong ako nalang ang magdala nyan papuntang room natin?" Tanong ko sakanya, lumingon siya sakin.
"Wag ka ngang ano dyan, Maureen. Tungkulin kong gawin to, dahil manliligaw mo ko. Tsk."
Di nalang ako nagtanong pa hanggang makarating kami dito sa room namin at nilagay na nya sa desk ko ang mga gamit.
"Mag ligpit ka na ng gamit mo, at may pupuntahan tayo" nagulat ako kay Sceven, mukang napansin nya yun kaya nagbored look siya "wag ka na kasing maraming tanong dyan, sasama ka o sasama ka?" Tanong niya. Ako naman ang nabored look.
"Wala naman choices ehh!! Abnormal" sabi ko at inirapan sya, inayos ko na ang gamit ko at binuhat na.
"Iuuwi mo muna yang mga gamit mo ah, tapos magbihis ka ng komportable ka." Sabi niya sakin, tumangi lang ako at lumabas na kami. Buhat nanaman nya yung binuhat nya kanina. Kaya heto nanaman po kami, bulungan nanaman.
Napahinto ako.
"Kukunin ko lang yung gamit ko sa locker" paalam ko sakanya.
"Samahan na kita, ako nalang din ang magbibitbit" prisinta niya.
"Sasamahan mo lang ako pero di naman kita yaya para dalhin lahat ng gamit ko, pwede namang ilagay yan sa paper bag. Alam mo, Sceven. Manliligaw kita eh, hindi naman kita yaya. Tsk" sabi ko sakanya at nilayasan siya. Bigla nalang niya akong inakbayan.
"Thanks for concern, Mau" sabi niya at nakita kong ngumiti siya.
Pumunta na kami ng Locker Room, at kinuha ang gamit ko, nakakuha na rin ako ng paper bag, at nilagay ang mga gamit na dala dala nya kanina. Kaya nagpasya na kami na pumunta kung saan.
Sana lang maging masaya na ko.
-------------------------
PLEASE VOTE AND COMMENT.
Yun lang guys. :) bumawi lang ako ng 2 chapters sainyo. Bali mamaya, hindi na po ako ang magta-type kaya sorry po, kung medyo magiging matured na ang story na to. But, madadala naman ni Kyls yun, hihi. Thanks sis :*
Paki basa yung new story ko :)
VOTE AND COMMENT :))
BINABASA MO ANG
Got To Believe (HYPE 5IVE FANFICTION)
RandomRomantic,Forever,Relationship Ano ba yung mga salitang yan para sa babaeng ito? Itong babaeng to ba ay maniniwala nalang kapag nagkaroon siya ng katapat niya? O sadyang, hindi pa din siya maniniwala diyan kasi nasaktan na siya NOON, na pilit, binab...