Anim na oras.
Anim na oras na niyang tinitigan ang orasang malapit sa kanyang higaan. "Napakabata ko pa." mapait niyang wika sa sarili. "Grade three pa lang ako pero... mamamatay na ako," dagdag pa niya. At unti-unting pumatak ang kanyang luha.
Kaninang umaga lang ay narinig niyang sinabi ng doktor na "Chicken Pox" ang sakit niya. Sinabi pa nito na hindi na niya kailangan pang uminom ng gamot. Unti-unti nang kumakalat ang mga butlig sa kanyang katawan. Siguro, kaya sinabi ng doktor na hindi na niya kailangan pang uminom ng gamot ay dahil sa wala nang lunas ang sakit niya.
Masakit pero dapat niya itong tanggapin. .T_T
Tiningnan niyang muli ang orasan, alas-tres na ng hapon, ngunit bukod sa pangangati ng katawan at nakadidiring tubig sa loob ng mga butlig ay wala na siyang nararamdamang iba pang pagbabago sa kanyang katawan.
Nakararamdam na siya ngayon ng matinding pagkagalit sa mga "Manok."
Iniisip niya kasing nakuha niya ang sakit ang paboritong ulam na may halong karne ng manok tulad ng "Chicken curry" at Adobong Manok, saka Fried Chicken!. (whew! ginugutom ako!)
Naipangako niya tuloy sa sariling kung gagaling lamang siya sa sakit na iyon ay di na siya muling kakain pa ng kahit na anong pagkain na may halong manok..
Mamaya pa'y narinig niyang kumatok ang kaniyang ama.
"Lino, anak, puwede ba akong pumasok?"- tatay. Magpaalam ba.
Hindi umimik si Lino na patuloy pa rin ang pagtitig sa orasan.
Pumasok ang ama at umupo sa tabi nito.
"Sabi ng mama mo, hindi mo raw ginagalaw ang pagkain mo." tanong nito habang kinukusot ang buhok ng anak.
Hindi pa rin umiimik si Lino ngunit kinuskos niya ng kamay ang mata. Tanda na siya'y umiiyak
OO..umiiyak ang pobreng alindahaw.
"P-papa"..nagsalita na rin siya sa wakas.
"Kailan po ako....mamamatay?"
Nabigla ang ama sa tanong ng anak. "Huh? Bakit mo naman natanong iyan?" wika nitong nagpipigil ng tawa.
"Narinig ko po kasing sinabi ng doktor na di ko na kailangang uminon ng gamot. Ibig sabihin, mamamatay na ako."
Sandaling walang reaksyon ang ama ngunit mamaya pa'y tunawa ito ng malakas, saka kinalong ang anak. Bumuntong hininga muna siya bago nagsimulang magsalita.
"Alam mo anak, hindi ibig sabihin na 'sinabi ng doktor na hindi na kailangang uminom ng gamot ay hindi ka na gagaling. Sinabi niya iyon dahil natural lamang sa isang tao ang magakroon ng "Chiken Pox" at kusa rin itong gagaling. " after jurassic years, natapoosh din ang paliwanag ng kanyang ama.
""Talaga po?! Hindi ako mamatay ngayon?!" relieved na relieved ang bata dahil nalaman niyang nonsense lang pala ang maghapong paghihintay sa sariling kamatayan.
"oo naman, nagkaroon din ako noon ng chicken pox noong bata pa ako..maging ang iyong ina ang ganundin." natatawang sagot ng kaniyang ama.
Namangha si Lino sa sinabi ng ama. at least ngayon alam niyang ligtas na siya mula sa kamatayan.
"Kung ganun, hindi po talaga ako mamamatay?"
"Opo." at kinusot niya ang buhok ng anak.
"Eh....sa Chicken po ba nakukuha ang chicken pox?"
Umiling ang tatay.."Hindi anak, naililipat ito mula sa hangin."
Umaliwalas ang mukha ng batang si Lino.
"Papa, nagugutom na po ako." mayamaya pa'y gusto na niyang kumain.
*******************
Haha..CORNY!!!
CORNY!!!
CORNY!!!
--------->>>>haha..pambata, pero yan pa lang kaya ng beginner na tulad ko!!!
ay..hala..dedicated pala to kay eifellinlove...:)..