Trinie's Note: Dedicated to the awesome writer of Innocent Love. Salamat po sa pagpayag ate Tinay. Sorry po kung super late na.:) MERRY CHRISTMAS!!!
Halaaa...ngayon lang ulit ako gagamit ng First Person POV..sorry, di na ako sanay mga pangga,:)
Sarreh Ivy, akin si fafa Cane ngayon! hoho
ENJOY READING!!!
-------------------------***-----------------------------------------------------------***--------------------------------
Trinie's POV
Nakaupo ako ngayon sa waiting shed na nasa labas ng CLIC University.
Kadalasa'y naglalakad ako ngunit dahil umuulan ngayon, kailangan kong mag-abang ng tricycle para makauwi samin.
Nakakainis naman kasi. Nakalimang beses na akong bumili ng payong ngayong buwan kaso palagi na lang naiiwan kung saan-saan. Wala na tuloy akong gana bumili pa ng payong.
Mag-isa na lang ako sa shed ngayon kaya nababagot na rin akong mag-abang ng trike.
Napahikab ako ilang sandali lang ang lumipas. Nakakaantok ang himig ng ulan.
Maya-maya'y may naananigan akong tumatakbong lalaki patungo sa kinaroroonan ko.Ilang sandali lang at nasa shed na rin siya.
Ang tanga naman niya, hindi pa tuluyang umuwi ng bahay nila. Basa na kaya siya!
Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang mukha nung tangang lalaki. Iniliyad ko na lang ang likod ko sa yellow bench na kinauupuan ko.
Tumayo siya sa harap ko. Naramdaman kong humalukipkip siya. Marahil ay nalalamigan na ng husto. Ikaw ba namang sumugod sa ulan!
Gusto kong maawa sa kanya. Pero pakialam ko ba sa kanya? Eh, hindi ko naman siya kilala.
"Ah, miss, pwede po bang magtanong?" the guy approached me. Sweet voice huh.
"Huwag kang sumagot Trinie. Don't talk to that stranger!" nasabi ko sa sarili. Hindi ako nagsalita pero iniangat ko ang paningin para makita man lang kung sinong kausap ko.
Plano ko talaga siyang taasan ng kilay pero panlalaki naman ng mata ang nagawa ko.
Tama ba 'tong nakikita ko???
S-si...
si...
si C-Cane!!!
Si Cane na guwapo...
Si Cane na hearthrob ng school...
Si Cane na genius...
Si Cane na laman ng lahat ng panaginip ko...
Si Cane na BOYFRIEND KO kahit di niya pa alam...
Si Cane na lihim kong iniibig...
si...
si...
si...
si Cane ----- nga!!!
Dumb ka Trinie!
How come you didn't notice him?!
Hindi ako nakapagsalita ng ilang sandali.
Nakupo...
bakit ngayon pa ako binisita ng mga alaga kong paru-paro?! chu! chu!
"Miss?" untag niya sakin.
"H-ha? A-ah..." I stammered though I don't want to.
Shocks...ano bang nangyayari sa'yo Trinie?!
Guwapong Adonis lang yan noh.
Oo, yummy handsome hunk lang yan! tss
I felt tongue-tied for a moment.
Pero kailangan kong i-compose ang sarili ko. He needs to hear more of my angelic voys.
"A-ano u-ulit yun?" I asked again in my sweetest voice. Can't help myself but to statter..XD
"Eh..." nahihiya niyang tanong.Hinawi nya ang tumabong buhok sa mukha.
OMO...haaang cuuuteee niya talaga!!!
ayan na...
he's going to talk na...
waaaaah! I can't take this anymore!!!
mag-po-propose na ba siya??
yayayain niya ako para sa date???
WAAAAH! Ako'y nikakabahan..
CHUG CHUG CHUG CHUG....
nagsimula na siyang bumuka ng bibig!!!
"May make-up ka ba diyan, girl? nabasa kasi yung sakin, dyahe eh," he (?) said in gay voice.
------THE END-----------------------------------