August 16, 2012. Thursday.
Sa wakas, seventeen na ako. Isang taon na lang, magiging eighteen na ako. Papayagan na ako ni Daddy na magsolo...at makakatakas na ako sa sumpa ni Shane Yuan.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at saglit na tinitigan ang asul na kisame.
Tahimik akong ngumisi.
Mga limang minuto na rin akong nakatitig sa kisame nang magpasya akong bumangon sa kama.
Karaniwan na dumidiretso agad ako sa banyo para maghilamos pero dahil birthday ko ngayon, uunahin kong pumunta sa kusina para puntahan sila Mommy.
Hindi naman ako naglalaway kaya siguradong wala silang maipipintas na panis na laway sa mukha ko.
Hindi pa bukas ang pintuan ng kuwarto ni Shane nung mapadaan ako sa kuwarto niya, Mabuti naman, hindi agad masisira ang umaga ko.
Itinuloy ko na ang paglalakad papunta ng kusina. Two storey ang bahay namin, kuwarto lang nila Mommy at Daddy ang nasa first floor, nasa second floor naman ang adjoining rooms namin nila Cielo at Shane.
Hindi ko kapatid si Shane.
Mas lalong hindi ko siya kaano-ano.
Matalik na magkaibigan lang ang mga magulang namin.Nung mamatay ang mga magulang niya noong nakaraang buwan, dito na siya sa amin tumira. Balak yatang gawing orphanage nila Mommy ang bahay na 'to.
A month with that crazy girl around was like living in a living hell.
Ladies were expected to be refined, but she's way too far from being a lady. Masyado siyang kakaiba. Hindi ko maipaliwanag.
**
Katulad ng inaasahan ko, nasa kusina at naghihintay na sila Cielo sa kitchen table nung dumating ako sa kusina.
Agad nagpasabog ng confetti si Mommy, pagkatapos nun, sabay-sabay nila akong binati ng "Happy Birthday."
Napangiti ako, "Salamat."
Akala ko tuloy-tuloy lang ang pag-iingay nila matapos kong magpasalamat pero para silang robot na sabay-sabay natahimik at manghang napatitig sa 'kin.
Nawala ang ngiti ko.
May mali ba?
Mabilis akong napatingin sa sarili ko.
Nakasuot ako ng pajama at panloob na tsinela.
Wala namang mali di ba?
Nung tignan ko ulit sila Mommy, nagpipigil na sila ng tawa.
Si Mommy nga, natutop na ang bibig mapigilan lang ang pagtawa.
Si Daddy naman, hindi na yata napigilan ang sarili kaya napahagakhak na. Nahawa si Mommy.
"Bakit?" kunot-noo kong tanong.
Hindi sila sumagot at nagpatuloy lang sa pagtawa.
Ngayon napapaisip ako kung may sayad na ba sa utak ang mga magulang ko.
Kami na lang ni Cielo ang matino rito. Siya lang kasi ang hindi natawa. Magkapatid nga kami.
Para lang pala siyang nakakita ng multo dahil sa pagkagulat na nakita sa mukha niya. Halo-halo ang nababasa ko sa mukha niya-- takot, gulat at parang gusto na rin niyang matawa.
"Bakit?" nagtanong ulit ako at kay Cielo ako nakatingin.
Ano ba talagang tinatawanan nila?
"K-uya," nauutal na sumagot ang kapatid ko, "Y-yung m-mukha mo," nanginginig na itinuro niya ang mukha ko.
Lalong nalukot ang mukha ko at nagsimula na akong mainis.
Nadagdagan pa 'yon nung makisama na rin si Cielo sa tawa nila Mommy.
"WAHAHAHAHA! BAGAY SA'YO KUYA!!!"
Mabilis akong humarap sa salamin na katabi ng family frames namin para alamin kung ano ang tinatawanan nila sa mukha ko.
Masama ang kutob ko.
Natulala ako nung makita ko na ang mukha ko sa salamin.
Nanlaki ang mga mata ko at biglang nag-init ang mga tainga ko.
Saglit akong hindi nakapagsalita.
Mayamaya lang, kuyom ko na ang mga kamao ko.
"SINONG MAY GAWA NITO?!?!?!" galit na galit na tanong ko.
Malalalim ang mga hininga na pinakawalan ko.
Birthday ko ngayon at dapat masaya ako.
Pero, ang aga-aga ang ganda ng regalo s a'kin.
Make-up?!?!
May nag-make-up sa mukha ko!
Papatayin ko ang gumawa nito!
Anong tingin nila sa akin, binabae?!
I threw them killing glares and they were frozen to where they stood.
They know me when I'm angry. I acknowledge no saint.
"K-kuya,h-hindi namin alam kung sinong may gawa nyan sa'yo," si Cielo ang sumagot. Takot na takot ang mukha niya at hindi niya siguro napapansin pero hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya, kahit nung nagsasalita siya. "P-pero bagay pala sa'yo kuya, mukha kang babae."
Lalong tumalim ang titig ko at humakbang palapit sa kanya.
Para naman siyang biglang natauhan at tumakbo sa likod ni mama.
Nanginginig sa galit na huminga ako nang malalim.
Kung hindi sila ang gumawa nito, siguradong si Shane yun.
Kinuha ko ang aso naming si Chichi mula sa basket nito at mabibigat ang mga hakbang na pumunta ako sa kuwarto ni Sumpa.
Hindi ko siya mapapatawad sa pagsira ng birthday ko.
-soon-
Sana lalaki ang napi-picture-out niyo >.<