DEDICATED TO JELAI AND CHARMAINE!
(May emoticons pa ako nang mga panahong 'to at paepal na side comments, haha. Sabi naman sa inyo, writers grow :P)
--
Enjoy reading! *pero mas maganda kung di mo na lang to babasahin, haha*
JELAI’s POV
Ang sulatin mula sa ending ang kuwentong ito,
Ang hilinging sumikat ang araw mula sa kanluran,
Ang maging kaboses si Sarah Geronimo,
At ang maging kamukha si Vice Ganda.
Ang mga 'yan ang mga katulad ng paghiling ko na magustuhan din ako ng isang Ephraim Rodriguez Villanueva.
Siya ang bumubuo sa araw ko,
Ako naman ang sumisira ng sa kanya.
Magaling siyang gumawa ng tula
Kaya naman inaral ko ang paggawa niyan.
I always write him poems of love and how I wish he writes the same.
But whenever I write poems of affection...
He always replies with poems of rejection!
Can this be love?
Oh siya sige na..
Wala pa rin naman siyang magagawa dahil…
Magiging akin siya!
BUWAHAHHAHAHAHAHA!!!
------------------
Aha! Nandiyan ka lang pala!
Nakita ko na rin sa wakas si Ephraim! (yey! Confetti!)
Nasa ilalim siya ng punong kamatis…mangga pala.
Teka sandali, si-seryoso muna ako. Dadamayan ko muna ang mahal ko. Basted siya ngayon eh. First time.
Ang engot naman kasi ng Ellen na 'yun, pa'no niya nagawang i-reject ang perfect-looking na si Ephraim my dear?!
Ito naman kasing Ephraim, hindi pa ako ang niligawan eh! eh di sana may girlfriend na siya at may boyfriend na rin ako!
Nagsimula na akong maglakad palapit kay Ephraim.
Ingat sa paglalakad Jelai, baka mapansin ka niya.
Nagtanggal ako ng tsinelas para mas tahimik ang paglalakad ko--oo naka-tsinelas lang ako 'pag pumapasok ng school. Walang basagan ng trip, kanya kanyang pa-cute lang 'yan kay Manong Guard.
Hep! Sa wakas narating ko rin ang kabilang bahagi ng punong manga.
Kuha ng bag,
kuha ng stationery paper (syempre dapat special paper)
Kuha ng ballpen,
Sulat…
Serious ako ngayon serious, kaya wag niyo akong i-istorbohin!
Sulat, sulat, Sulat, sulat lang Jelai.
Apter Fayv Minits…