IV.

201 8 4
                                    

Napanganga kaming lahat sa sinabi niya.

Ano raw? Liligawan niya ako? Nagpapatawa ba siya?

Matagal na walang nagsalita sa amin. Sino ba naman ang  hindi matutulala sa sinabi niya?

Psh. Desperada.

"A-ah, S-Shane, Hija..." si Mommy ang bumasag ng katahimikan. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya.

Sa sulok ng mga mata ko, nakita kong nakagalaw na rin si Daddy at parang wala sa sarili na napainom ng tubig.

Nagkakamot naman ng ulo si Cielo.

"Ah basta! Liligawan ko si Champ!" makulit na sabi niya. Parang hindi nya ramdam na napapantastikuhan na ang mga tao sa paligid niya.

Kakaiba talaga siya. Tsk.

Lumihis ako ng tingin nung makitang bumaling siya sa akin.

"Si Champ kasi, ang sweet sweet niya, kaya gusto ko siya!"

May dahilan siya? Psh. Anong klase ba namang dahilan yun? Dahil ba sa tinulungan ko siya kanina? Ang babaw niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagpaalam na, "Papasok na ako."

"O-oh, Champ, di ka ba muna kakain?" si Daddy nung makita ang ginawa ko.

"Wala na po akong gana," sagot ko at humakbang na palabas ng kusina.

Nakita kong sinundan ako ni Shane pero hindi ko siya pinansin. Liligawan niya raw ako? May toyo na talaga siya ulo. Ano bang iniisip nya? Naglalaro na naman siya. Pssh.

"Chaaaamp!" lakad-takbo niyang habol sa 'kin.

Bahala siya.

"Chaaaamp!"

Kulit.

Nung lingunin ko siya, mga limang hakbang na lang ang layo niya sa 'kin. Parang may sariling utak na tumaas ang kamay ko na parang pinapahinto siya sa paglalakad-takbo.

Napahinto siya at binigyan ako ng inosenteng matang nagtatanong.

Nagkasalubong ang mga tingin namin. Hindi siya nagbawi  ng tingin kaya napaisip tuloy ako ng magandang sabihin.

Ano bang dapat kong sabihin kay Sumpa?

Mag-isip ka Champ.

"One, hindi pwedeng bumaba ng limang hakbang ang distansya natin," mag-se-set na lang ako ng rules.

Napamaang siya. Sinundan nya yun ng pag-pout nung makuha na niya kung anong sinasabi ko.

I hate that lips.

"Two, hindi mo ako pwedeng kausapin sa school."

Lalo siyang nag-pout.

"Three, hindi porke pinagbigyan kita kanina, pwede ka nang humingi ng mga pabor sa 'kin. Huli na 'yon at hindi na mauulit."

"Huh?!" angal niya. Napatungo siya habang naka-pout pa rin. "Ang bad naman ee."

Ayan na naman yung parang iiyak na tono niya.

Hindi ko na lang yun pinansin nang husto at nagpatuloy na ako sa pag-deliver ng rules, "Four," huminga ako nang malalim. "Hindi mo ako pwedeng ligawan."

"Hindi pwede!" reklamo niya. "Liligawan kita! Liligawan kita!" umakma siyang hahakbang palapit sa akin.

"Five," hindi ko na naman siya pinansin, sa halip tinitigan ko siya. Tama ba 'tong sasabihin ko? Nahahawa na yata talaga ako sa kanya, nababaliw na rin yata ako."Pang-lima--"

Naputol ang mga sinasabi ko nung makita kong magtubig ang mga mata niya. Para na naman siyang bata.

Napalunok ako. Ano na naman ba 'tong nangyayari sa 'kin?

"Five," ulit ko. Hindi na ako matapos-tapos dito. "Hindi mo na ako pwedeng kausapin. Kung maaari, hindi mo na rin ako pwedeng makita. Kahit nasa iisang bubong lang tayo." Bakit parang mas sa sarili ko 'yon sinabi?

Ang tanga naman ng buhay oh.

"Ayoko sa rules mo!" parang bata niyang sabi habang umiiyak.

Pinigilan ko ang sarili ko na lapitan siya. Saka bakit ko ba siya lalapitan? Psh.

Pinili ko na lang na tumalikod at magpatuloy na sa paglalakad. Pag na-late ako ngayon, ngayon pa lang ang unang beses. At dahil yun sa babaeng 'to.

"Chaaamp! Hintay!" hyper na naman ang boses niya. Tao ba talaga siya? Segundo lang yata siya magpalit ng emosyon. Pwede nang mag-artista.

Nabigla ako nung bigla na lang siyang sumulpot sa unahan ko. Napaatras ako pero hindi ako nagsalita.Na-estatwa yata ako sa ngiti niya.

Ano bang pinagsasabi ko?

"Sige na nga! Pumapayag na ako sa rules!"

Natagpuan ko ang sarili kong ngumingiti sa sinabi niya. Mabuti naman, mawawalan na ako ng problema sa buhay.

"Pero may hihilingin din ako!"

Ano naman yun? Hinintay ko siyang ituloy ang sasabihin niya.

"Pwede bang pa-kiss?"

Kung kumakain lang ako, baka nasamid na ako. May toyo na yata talaga siya sa utak.

Sino ba namang babae ang hihingi ng halik sa hindi niya boyfriend?

"Nasisiraan ka na ba ng bait?" tanong ko sa kanya. Yung ngiti ko kanina, napalis na.

"Sige na," sambit na naman niyang naka-pout na naman. "Sa cheeks lang naman e."

"Sa cheeks lang?" bigla akong napaisip.

"Hmm!" tumango-tango siya nang naka-puppy eyes. Bagay sa kanya, para siyang puppy.

Tinitigan ko muna siya.

Matagal.

Ma-le-late na nga kami e.

"Sige."

"Talaga!" bigla na naman siyang na-excite.

Tahimik akong tumango.

"Talagang-talagang-talaga?!"

Huminga ako nang malalim, medyo naiinis na kasi ako. "Oo," walang buhay kong sagot.

"E de, pwede na akong lumapit sa'yo?!"

"Ngayon lang," tumalikod ako nang nakangiti.

"YEHEEEY!!!" mabilis siyang tumakbo palapit sa 'kin at ginawaran ako ng mabilis na halik sa pisngi.Mabilis din siyang naglakad palayo pagkatapos nun. "Salamat Champ!" sabi niya nung lingunin niya ako. Nakakailang hakbang na siya nun.

September 16, 2012.Hinalikan ako ni Shane Yuan sa cheeks.

Si Shane Yuan ang Sumpa sa buhay ko.

Pero kahit sa cheeks lang yun.

SIya pa rin ang first kiss ko.

Ipinanganak na nga yata talaga akong malas.

-soon-

Trinie's CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon