FanFic #1: The 7th Thing by modernongmariaclara

412 9 4
                                    

FanFic#1: The 7th Thing (by modernongmariaclara)

Trinie’s Note:   scenes that you are about to read may be miles away from the story ‘The 7th Thing.’ No rantings please,this is just a fan fiction. :P

Halaw  sa Chappie 9 *super*...X

 Seriously…hang hirap mag-first person POV!!!  Kaya pasensya sa kinalabasan. TTOTT

ENJOY READING!!!

***

Nasa Ice Restobar kami ngayon . Akala ko talaga kami-kami lang nila Trish ang pupunta rito pero nagulat ako na kasama rin pala si Stephen. Nakabalik na pala siya kahapon.

Long time no see. Nakakainis! Ang gwapo pa rin. >.<

 Ikulong ko kaya siya sa garapon?Mabuti yun para di na siya makaalis ulit! Di kaya naman-i- hunknap ko para wala na siyang ligtas. Wahaha. Nababaliw na ako T__T.

“Ash! Sa’yo nakaturo ‘yong bottle!” napakurap kurap ako nung marinig ko yung tawag sakin ni Trish.

“H-ha?” maang ko. Saka ko lang naalala na naglalaro nga pala kami ng Spin The Bottle na may halong  Truth or Dare.

“Truth or Dare?” halos sabay na tanong nila Trish at Ethan.

Napatitig ako sandali sa bottle na nakatutok sakin. Bakit ba pumayag ako na laruin namin ‘to? Katapusan ko na yata. T__T

“Dare!” tapang-tapangang sagot ko. Lakas lang ng loob eh. Hahaha

 Alam ko namang ma-i-interrogate lang ako pag nag-truth ako eh

“Halikan mo sa cheek yung taong mahal mo rito,” si Cleo yung nagsalita.

 @___@

Tiningnan ko si Cleo ng masama. Nakangisi naman ang loko.Parang may inaabangang malaking event lang eh.

Seryoso??

CLEOOO! Bangasan kita eh!

Binaling ko yung paningin ko kay Stephen. Nakatingin din pala siya sakin at nakangiti.

 Ay anak ng lisa. Parang nag-e-expect ang bruho. Assuming masyado! >.<

“Iba na lang iutos niyo,” reklamo ko habang nakasimangot.

“WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOH!!! Di pa kasi gawin,” ay letse  nang-asar pa talaga sila. In-chorus pa talaga. Grr

“Ako nga tiniis ko ‘yong lasang kanal na paa ni Troy!” sabad ni Trish. Napakuskos pa siya ng lips.

“Ang sabihin mo, sweet ang paa ko!” salungat ni Troy habang nakatawa.

“TRUTH na lang nga!” surrender na ako. ToT

“Sinong mahal mo rito?”  parang nag-usap na naman dila ng mga mongrel na ‘to.

“DARE ulit!” ay kainis!

“Halikan mo sa lips yung taong mahal mo rito,” inulit ni Ethan yung pina-pa-dare ni Cleo kanina pero pinalitan niya yung cheek ng lips. Magsama-sama sila! Psht.

“Teka! Sa cheek lang naman yun kanina ah!” isa pa talaga makakatikim na sakin ‘tong mga ‘to.

“Ang tagal mo kasi!”

“Sa cheek lang!” pinanlakihan ko ng mata si Ethan.

“Pagbigyan na lang natin!” saad ni Cleo.

Wala na lang ako nagawa kundi gawin yung gusto nila. Lumapit ako kay Stephen kahit ang totoo ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Pinikit ko na lang ang mata ko at mabilis yung ginawa kong pag-kiss sa cheek niya.

Hindi na ako tumingin sa kanya matapos kong gawin yun kaya di ko na alam kung anong naging reaksyon nya.

“SA LIPS PAAAAA!” sigaw ni Lizelle. Tapos nagtawanan pa sila.

Pinagkakaisahan talaga nila ako. ToT

“I-spin mo na ulit dali!” sambit ni Evo mayamaya. Nagmamadali? Pero mabuti na ‘yon para matigil na sila.

Pagka-spin ko, kay Stephen tumutok yung nguso ng boteng rason ng pamumula ko ngayon. 

 O___O

“Truth or Dare?” audible pa naman siguro yung tanong ko diba? Lechugas na mga paru-paro yan, bakit ba kasi ngayon pa nila naisipang bisitahin ang sikmura ko?

“Truth,” sagot niya. Ni wala man lang yatang pagkailang.

“WAAAAAAH! PAGKAKATAON MO NA’TO ASH!” sigaw ni Ethan na akala mo,milya milya ang layo sakin.

 Eh teka, ano bang itatanong ko?

 Sino nang mga nagging girlfriend mo?

 May pag-asa pa ba ako?

 Pwede ba kitang ligawan?

 Pwede ba kitang iuwi?

 Huwaaaah! Malandi ka Ash!

“Ikaw na nga lang!” baling ko kay Ethan na ikinatawa niya naman.

“Okay, Stephen, mahal mo pa ba si Ash?” buti na lang wala akong kinakain ngayon dahil kung hindi baka nagkanda samid samid na ako.

Makapagtanong naman kasi si Ethan akala siguro wala lang ako sa paligid!

Dinig na dinig ko ang lakas ng tibok ng puso  ko habang nag-aabang sa isasagot niya. Mahal niya pa kaya ako?

Aaah! Asa ka pa Ash!

 Ngumiti lang siya saka sinabing "I moved on. Ano ba kayo mga dude?”

 TT_________TT

 Natahimik kami dahil sa sagot niyang ‘yon. Napipi yata? O biglang naawa sakin?

 Napatingin lang sila sakin. Alam kong alam nila na kahit matagal na nawala si Stephen, mahal ko pa rin siya. Kaya alam ko ring alam nilang nasaktan ako sa isinagot niya.

 Parang tinatarak ng mga sibat ang puso ko.

 “A-ah. Guys, mauna na ako,ha. May curfew kasi kami sa dorm eh,” pamamaalam ko mayamaya. Pinilit kong maging hindi garalgal ang boses ko.

Tumango tango lang sila.

 Iniwan ko na sila pagkatapos nun. Nakakainis bakit ba kasi hindi pa ako umamin noon?

 ANg tanga mo Ash. Ang tanga tanga mo!

 Pigil pa rin ang luha ko hanggang makalabas ng restobar.

 Late na ba talaga ako?

 Siguro nga. Pero sana hindi.

 Pero paano kung naka-move-on na nga talaga siya? Maybe I’m just too late.

 --

 Dumiretso ako ng sakayan at nag-abang ng taxi. Akala ko mapipigil ko ang luha ko. Hindi pala.

 Para akong batang kuskos nang kuskos ng mata habang nakatayo sa gilid ng kalsada.Bakit ba kasi walang dumadaang taxi ngayon? Alas-dyes pa lang naman ah.

“Need a hand?” may nagsalita mula sa likuran ko mayamaya.

Napalunok ako nung marinig ko ang boses na ‘yon. I bit my lower lip.

Nakita niya akong ganito,

Paano na?

Anong sasabihin ko?

Nakakahiya. -___-

“Stephen,” I uttered.

-Fin-

Sorry,lame T_T

P.S. Pasadya po spacing 4 mib, readers

Trinie's CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon