one

51 2 0
                                        

Loud music. Patay-sinding ilaw. Surrounded by drunk & wild girls and boys. I can smell liquor and sex in the air.

This is my life, my night. Watching every person dancing, enjoying, and pretending to be strong.

Akala ko hindi na mauulit ang araw na 'to, akala ko yung huling beses akong nagpunta dito, ito na yung huli. Pero hindi pala. Every night, nagpupunta ako dito. Hindi para magparty at makisama sa kanila, kundi para bantayan s'ya. So here I am, sitting at the corner. Not being noticed by any one. Jacob Evans. The best friend of the year.
--
It's been 5 years since that incident happened. 'Yung dahilan kung bakit palagi kaming andito, at kung bakit s'ya naging ganito. Walang may alam na mangyayari 'to. Akala ng lahat, makakaya n'ya kasi andito kami. Na kami 'yung gagawin n'yang sandalan. Pero hindi pala. She changed, a lot. Mula sa isang innocent and sweet Kashly, naging ganyan. Wild. Parang hindi ko na s'ya kilala. Pero hindi ko s'ya susukuan. Kasi alam kong si Kashly pa rin 'yan. Si Kashly na malambot ang puso at iyakin. Kelangan n'ya ng karamay ngayon, kelangan n'ya 'ko.

5 years na rin s'yang ganito. Ayos naman s'ya sa morning, pero kapag gabi, ayan na. Nagiging wild na s'ya. Nung una pinapagalitan s'ya nina tito at tita, pero sumuko rin sila. Hinahayaan nalang nila, kasi malaki na raw s'ya, at kaya na n'ya ang sarili n'ya. Pero ako hindi ko s'ya hahayaang maging ganito. Babantayan ko s'ya, aalagaan. Gusto kong bumalik ang dating Kashly, gusto kong matuto s'yang magtiwala ulit.

Kashly's POV

Sometimes, you gotta stop giving a fuck. And let your problems solve themselves. Sinasabi nila, sayang. Sayang yung dating ako. Bakit ko raw hinayaang maging ganito ako. Pero guess what? I don't care, at all. Dito ako masaya, nakakalimutan ko lahat 'pag ginagawa ko 'to. Sa bar kasi, walang pakielam sa'yo lahat. Pwede mong ilabas kung ano at sino ka talaga, yung totoong ikaw. Madami na akong nakausap dun, pero konti lang ang natatandaan ko. Duh, lasing ako. So wala akong naaalala. It's been 5 years... Thank God, he's already out of my system. Yeah, hindi n'ya deserve 'to. Yung magbago ang isang tao dahil lang sa gagong katulad n'ya? Pero wala eh. Ito lang kasi naiisip kong paraan dati para makalimutan ko s'ya. Para matakasan ko 'yung sakit. Sa simpleng pagtatago at pagtakas, naging ganito. Nakalimutan ko na 'yung feelings ko sa kanya. Napatawad ko na s'ya sa lahat ng ginawa n'ya sakin.
--
Sa umaga, nagttrabaho ako. Tino ako, hindi mo aakalaing sa gabi, nasa bar ako. Hindi ito yung buhay na pinangarap ko, hindi ito yung pagkataong pinlano ko. Naging matigas ang ulo ko, pasaway. Pati ng parents ko, sumuko na rin sakin. Sabi nila kaya ko na raw, bahala na raw ako sa buhay ko. Edi bahala ako. Sabi nila e. Dito rin ako magtatrabaho sa company ni daddy. Kesa naman sa mag-aapply pa ako sa iba, di ba?
------
Maaga akong nagising, inayos ko ang sarili ko at bumaba na ako para kumain. I was surprised kasi ako palang ang gising maliban nalang sa maids. Dati kasi, 'yung sigaw nila sakin ang alarm clock ko e. Umupo na ako at nag-intay ng pagkain at paggising nila mommy. "Good morning, everyone!" Sabi ng malakas at malambing na boses galing sa likod ko. Si daddy. Tumingin ako sa kanya, pero umiwas s'ya ng tingin sakin. Galit s'ya, alam ko. Kasi pinabayaan ko ang buhay at sarili ko. Ano bang magagawa ko? E ito nalang ang alam kong gawin. Ang idaan sa alak ang lahat. "Good morning, hon." "Good morning, Kash." Sabi ni mommy. Thankful ako kasi kahit galit si daddy, may kakampi pa rin ako. "Good morning din, my." Kiniss ko s'ya sa cheeks. Pupunta sana ako sa tabi ni daddy para ikiss s'ya sa cheeks, pero umiwas s'ya. "Manang, kumain na ba kayo? Kain na kayo, oh. Sabay na kayo samin." Palusot amfufu. Pakiramdam ko namula ako sa hiya. Hanggang kelan ba, daddy? Hanggang kelan mo isasara ang puso at isip mo sakin? Kelan mo ko maiintindihan? "Kain ka na, anak." Nagsmile nalang ako kay mommy, at bumalik sa upuan ko. Binilisan ko ang pagkain ko, tapos nagbihis na ako. May work ako today, at kahit na sa iisang company lang kami ni daddy, never kaming nagsabay. "Alis na po ako." Paalam ko sa kanila, at hindi na lumingon pa. Ayokong mapahiya ulit no!

Nagdrive ako papunta sa seaside. Bago akong magpunta sa company, nagsstay muna ako dito. Para maalis ang bad vibes mula sa bahay. Ang aga-aga, sira na agad ang araw ko. Tigas kasi ng puso ng tatay ko e. Ano bang maling ginawa ko? Dapat nga inintindi n'ya pa ako dahil nasaktan ako. Gago s'ya. Kainis e. Konti nalang talaga, lalayas na ko sa bahay. Tutal hindi ko rin naman ramdam na part pa rin ako ng family e.

Tinitigan ko lang 'yung dagat. Ang peaceful. Parang ang tahimik. This is my escape. Sa totoo lang, mas gusto ko dito kesa sa bar. Kung sa bar, walang may pakielam sa'yo, dito meron. At naiintindihan ka n'ya. Pakiramdam ko kakampi ko ang dagat, na kahit anong gawin at sabihin ko habang nandito ako, maiintindihan n'ya ako. Unti-unti akong napasmile sa naiisip ko. The fact na, may nakakaintindi pa rin sakin, ang saya. For the first time, since that night, ngayon lang ako nagsmile nang totoo. Yung genuine. Konti nalang, alam kong mababalik na sa dati ang lahat, magiging okay na lahat.

*one message received*
From: Mich

Girl, asan ka na? Hinahanap ka na dito, bilisan mo!!
--
Hindi ko namalayang ang tagal ko na pala dito. Tumingin ako sa relo ko. 9:20. Seryoso? 8:30 ako pumunta dito ah. So I guess, that's it. Back to reality. Time to face the real world. Ang maingay na mundo. "See you, tom! Thanks for today!" Sabi ko, na parang totoong tao ang kausap ko. Baliw na ata ako. Tumakbo na ako papunta sa sasakyan ko at nagdrive papunta sa company. I arrived there at 9:30. Lagot na naman ako neto. Pumasok ako sa office ko, dahan-dahan. Baka sakaling hindi ako makikita ni daddy, mamumura na naman ako neto. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ko at unti-unting nawawala ang kaba ko dahil walang anino ni daddy ang nagpapakita sakin. "Konti nalang, Kashly. Malapit na." Nakarating ako sa table ko, kumpleto pa naman ang katawan ko at wala akong narinig na sermon. Yes! I feel so happy!!!! Uupo na ako at magsstart na magtrabaho pero hindi pa nakakalapat ang pwet ko sa upuan e nakarinig na agad ako ng sigaw. "Saan ka nanggaling?! Anong oras na ah?!" Sigaw sakin ni daddy. Grabe, pwede bang sa bahay nalang n'ya ako sigawan. Nakakahiya dito, oh. Ang daming tao. "9:35? Bili kayo relo. Yaman-yaman n'yo, oras lang hindi n'yo pa alam." Sabi ko at tumalikod sa kanya. Ano ako, tanga? Ayoko ngang kausapin ang isang batong katulad n'ya! "Sinong may sabi sayong talikuran mo ako?! Wag kang bastos! At wag kang pilosopo. Kinakausap kita nang ayos, kaya sumagot ka nang ayos! Hindi porket anak kita, kukunsintihin kita!" Sigaw n'ya sakin. Talsikan pa laway, joke. Humarap ako sa kanya. "Sorry sir, ah? Nagttrabaho lang naman ako dito kaya ako tumalikod sa'yo. Office hours kasi, buti ikaw. Boss ka. E ako? Empleyado lang ako. Sineswelduhan. Kaya ginagawa ko lang 'yung trabaho ko. Anong kabastusan dun, ha? At wow. Ikaw? Kakausapin ako nang ayos? Joke ba 'yun, dad? Kasi tawang-tawa ako e. At anak mo pa pala ako sa lagay na 'yan ha?" Nakatingin lang s'ya sakin. Iniintay kong magsalita s'ya, pero wala atang balak kaya nagsalita na ulit ako, "wala na po ba kayong ibang sasabihin, kamahalan? Kasi magtatrabaho na po ako." Tumalikod na ulit ako, baka kung ano pa masabi ko. Akala ko nakaalis na s'ya, 'di pa pala. Tanga lang? Nakatunganga sa likod ko? Pero 'yung sinabi n'yang sunod ang 'di ko inasahan. "Oh God. Non-sense conversation with a wasted girl." Wow. Tangina. Sakit nun ah.

*fast forward*

Nag-aayos na 'ko ng gamit ko, it's already 6pm. Lumabas ako ng office na parang walang nangyari kanina, parang hindi ko sinagot ang boss ng company—my dad. Well, wala rin naman akong pakielam sa kung anong sasabihin nila sakin. Bastos ako sa ama ko? Sino bang nauna? Pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Habang naglalakad ako, nakatingin sila sakin at nagbubulungan. Pffft. Wala namang alam. Pakielamera. Inirapan ko sila at nagpatuloy sa paglalakad. "Taray. Kala mo kung sinong maganda. Tinakwil naman ng ama!" Sabi nung babaeng hindi ko naman kilala. "Excuse me? 'kala mo kung sinong maganda'? Are you referring to yourself, bitch? At pwede ba, wag kang makielam! Chismosa!" Umalis na ako, at baka masampal ko pa ang pakielamerang 'yun. Nakakainis lang. Hindi naman nila alam 'yung totoo, tapos ganan pa sasabihin nila. Pero hindi na ako magtataka. Si daddy nga, kahit alam n'ya 'yung nangyari, hindi pa rin ako kinampihan. Sila pa kaya?
--
"Hi, Kash. How's your day?" Nakangiting sabi ni mommy. Wala ako sa mood magsalita. This day is so tiring. Kaya nagsmile nalang ako kay mommy. Nagpunta ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. As usual, pupunta ako sa bar. Pababa na ako ng hagdan, damn excited to party! "Where do you think you're going, huh?!"

Fixing a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon