eight

14 1 0
                                    

Kashly's POV

Everything's slowly getting back into its place, maybe. Nagtatrabaho na ulit ako sa company ni dad, nakakabonding na ko ang mga friends and family ko, wala namang problema so far. Sana tuloy-tuloy na 'to.

Naging part na rin ng day ko 'yung pagpunta sa seaside before or after 'kong pumunta sa work. Ang cool talaga e, sobrang sarap sa feeling.

"Good morning, nak! Tara na, kain na tayo." Malambing na sabi sakin ni mommy. Everyday ganyang boses ang manggigising sakin, nakakagood vibes. I nodded my head tapos nag-ayos na ng sarili at bumaba na. Pababa pa lang ako ng hagdan, sumalubong na agad sakin ang matatamis nilang ngiti. Ang swerte ko sa pamilya 'kong ito. Pero kahit masaya at okay na lahat, di pa rin maaalis sakin ang magtanong about sa nakaraan ko. Ganito rin ba kami kasaya noon? Kung oo, bakit ako naaksidente?

"Oh, ang aga-aga ang lungkot ng prinsesa namin. Smile ka na. Kain na tayo." Sabi ni daddy. Kahit ganyan kabait sakin si daddy, hindi ko kayang tumingin sa mga mata n'ya. Kaya naman, pero hindi nagtatagal. Parang may takot na namumuo sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Nagsmile nalang ako sa kanila para hindi na sila magtanong.

Kung titingnan mo, ang perfect namin. Pero parang mali...hindi ko maisip kung ano. Nevermind. Nag-ooverthink na naman ako. Minsan nga napipikon na sila sakin, kasi palagi nalang akong nega at binibigyan ko ng meaning ang mga maliliit na bagay. Ano bang magagawa ko? E pag naman tinatanong ko sila about sa past ko, di naman nila sinasabi. Hmp!
--
Pagkatapos kong kumain, naligo na ako at nag-ayos kasi sasabay ako kay daddy pagpasok. Ewan ko ba sa kanila, simula kasi nung nagpunta ako sa bar, di na nila ako hinayaang umalis mag-isa. Para naman akong bata dito e. Pero okay lang, maybe that's their way to protect their only child.

"Daddy, dadaan muna ako sa seaside. Pwede po?"
"Nak, ano ka ba. Malelate na tayo. Next time ka nalang pumunta ha?"
"Please?"
"Pag sinabi kong hindi, hindi."

Woah. Natahimik ako dun ah. Parang ngayon lang sinabi sakin ni daddy yun. Dati naman, okay lang sa kanya. Pumapayag s'ya sa gusto ko. Or sa una ayaw, pero sa huli papayag din naman. Pero ngayon, iba na. Anong meron? Gulat pa rin ako kaya hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa labas ng bintana. "Joke lang! Sige na, bilisan mo ah? We'll wait you here." Nakangiting sabi ni daddy sakin. Ano ba yan, pinagdrama pa ako, sayang naman! Marunong palang magjoke si daddy, kaasar. Bumaba na ako ng sasakyan at nagpunta na sa seaside. Oh, my latibule. Kahit na maraming taong pumupunta dito, cinoconsider ko pa rin 'tong secret place ko, kasi wala rin namang nakakapansin sakin dito. So, parang ganun na rin.

"Feels good to start a day with this view....always." Kahit ilang beses na akong nagpunta dito, ganun pa rin 'yung pakiramdam. Walang pinagkaiba. Lalo lang s'yang sumasaya at nakakagaan sa pakiramdam.

"Sometimes you're making me think kung ano bang meron sa dagat at gustong-gusto mo laging pumunta dito." Nagulat ako sa nagsalita. Nag-eenjoy pa 'ko dito e. Tumingin ako sa kanya at nagsalita, "Wala naman. Ang saya lang sa pakiramdam, di ba?" Tapos tumingin na ulit ako sa dagat. "Tingnan mo oh, nakakarelax." Pinikit ko ang mga mata ko para lalo pang mafeel ang moment. Haaaay. "As much as I wanted to stay at alamin kung ano meron, 'di pwede. Malelate na tayo, nak oh. Ang tagal mo ng nakaupo dito. Kaya sinundo na kita e. Ano, tara na?" Nakasmile pa rin s'ya sakin. Siguro kinaiinggitan na ako ng lahat kasi I have the best daddy and mommy in the whole world. Wala na akong hihilingin pa. I checked my watch at medyo nanlaki ang mata ko sa nakita ko. 8:25. 8:30 dapat kami pumasok. But who cares? I'm with the boss, lol!

Fixing a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon