two

29 2 0
                                    

Kashly's POV

"Where do you think you're going, huh?!" Pati ba naman ngayon, papagalitan pa rin ako? "Sa lugar na wala ka." I said not minding what he'll feel. Because that's what he does, all the time. Umalis na ako at nagpunta na sa bar.

Inhale. Exhale. Kalimutan muna ang mga problema. Umorder ako ng drinks, at nang maubos ko 'yun, nagpunta na ako sa gitna, at sumayaw. "Yeaaaaahhh!!!" Medyo nahihilo na ako pero okay lang. "This is so fun!!!"

I was dancing my heart out nang biglang may humawak sa braso ko. Hindi ko maaninag ang mukha n'ya dahil medyo madilim, at nahihilo na talaga ako. "Hi, I'm Fear. You are?" Sabi n'ya sakin. Seryoso? Fear? Pwede bang name yun? "Hahahahahaha!" Tiningnan n'ya ako nang nagtataka. "Anong nakakatawa?" Taray naman neto. Parang babae e. "Wala lang, nice name! I'm Kashly."

Madami akong nalaman about sa kanya. Mabait naman s'ya, actually. And he looks hot. "Bakit nga pala Fear ang name mo?" Sabi ko habang natatawa parin, ang cool na ang weird kasi. "Wag ka na ngang magpigil. Sige na, tumawa ka na. Kainis 'to." "HAHAHAHAHA! Shit lang! Hahahahahahahaha" ang weird talaga. Sobrang sakit na ng tyan ko sa katatawa. Pero tumigil ako nung nakita kong seryoso 'yung mukha n'ya. "Well, nung pinanganak kasi ako, sobrang takot si mommy nun. Si daddy naman, hindi n'ya alam actually kung anong nangyayari. Sobrang natatakot din sila nung pinanganak ako." Seriously? Natatakot din ako. Aswang ata 'to huhuhu. "Yeah, kung ano mang iniisip mo, totoo yun. Aswang ako." Sa sobrang takot ko, tumakbo at umalis ako sa bar nang wala sa oras. Akala ko nakatakas na 'ko sa aswang na 'yun, pero hindi pa pala! "Hi." Sabi n'ya habang nag-iintay sakin sa labas. Lord please, magbabait na 'ko. "Wag mo naman akong kainin, please. Wag." Nangangatal na ako sa takot. Naiiyak na ako. "Tanga ka ba? HAHAHAHA! As if namang tunay yun, di ba?! Ano 'yun, aswang na nagpaparty?!" So napaglaruan at naloko na naman ako. Joke!! "Gago ka! Akala ko totoo na." Kainis talaga 'to! Inakbayan n'ya ako, "Lasing ka na. Hatid na kita. Saan ba bahay n'yo?" Which is true. Uuwi na dapat ako, kasi sobrang nahihilo na ako. Naglalakad kami tapos napatigil s'ya at tumingin sakin. "May sasakyan ka ba? Wala kasi ako e." Ang lakas ng loob magyayang ihahatid ako, tapos wala pang sasakyan. Adik ata talaga 'tong lalaking 'to e. "Baliw. Oo, eto susi."

Habang nasa byahe kami, nagpatugtog s'ya. Favorite ko 'yung song, kaya sumabay ako.

"you really know where to start
fixing a broken heart
you really know what to do
your emotional tools can cure any fool
whose dreams have fallen apart
fixing a broken heart"

Di ko namalayan sumabay na pala sakin si Fear. Ang ganda pala ng boses neto? Galing, idol ko na. Tumingin ako sa kanya, nakatingin din s'ya sakin, ang ganda pala ng mga mata n'ya..wait. Hindi pwede 'to. "Ah, Fear? Baba na 'ko." "Ha? Bakit naman? Pangit ba boses ko?" Tapos nagpout s'ya. Pfffft. Ang panget hahaha. "Tangek. 'Yan na bahay namin oh. Baliw 'to. Hahahaha!!"

3am na pala, di ko namalayan. Pero okay lang, for sure. Wala ng gising sa bahay. Bumaba na 'ko ng sasakyan at nagpaalam kay Fear. "Uy, teka. Pano ka? Paano ka uuwi e wala kang sasakyan?" Pagtataka ko. Alangan namang maglakad s'ya, di ba? At alangan namang hiramin n'ya kotse ko, aba kapal n'ya. "Ah, maglalakad na lang ako. Malapit lang naman bahay namin dito e. Sige, salamat ha? Nice meeting you, Kashly!"

"Bakit ngayon ka lang?! At ikaw, sino ka?" Napapikit ako sa gulat nang bigla s'yang nagsila. Gising pa pala si monster, at pati 'tong kasama ko idadamay pa n'ya sa galit n'ya. "Ay, wala. Kaibigan ko lang 'yan." Tiningnan ko si Fear ng umalis-ka-na-look bago ko tuluyang lampasan si daddy. Nagets naman n'ya 'yun, buti nalang. Pero bago pa ako makalampas, hinawakan n'ya ako nang mahigpit sa braso ko. "Aray, ano ba. Masakit!" Sobrang higpit ng hawak n'ya na parang naluluha na ako. Siguro papasa 'to mamaya. "Ang bastos mo talagang babae ka! Ano bang nangyayari sayo?!"

"Hindi ako bastos! Teka, ano ba ring nangyayari sayo?! Kelan mo ba ako maiintindihan, ha?!" Inalis ko ang pagkakakapit n'ya sa braso ko at pumasok na sa bahay. Nagpunta ako sa kwarto ko, at pagkasara ko ng pinto, dun pumatak ang luhang kanina ko pang pinipigilan. For 5 years, ganito lang ako. Magbabar tapos iiyak pagkauwi. Siguro nga weak talaga ako.

Kahit anong pigil ko sa luha ko, ayaw pa rin. Patuloy lang ako sa pag-iyak. "Kelan mo ba ako maiintindihan?" Kinuha ko 'yung blade sa drawer. Unti-unti kong nilapit sa left wrist ko, at ang dahan-dahang pagbaon nito ay nagdulot ng kasiyahan sakin. 5 years, every night, ganito lang ginagawa ko. I just want these pains to stop, because I'm tired. So damn tired of everything. Iniwan at niloko ng first love ko, sinukuan ng mga kaibigan at family ko, nagalit sakin si daddy, nobody likes me. Bakit? Ano bang maling nagawa ko? E nasaktan lang naman ako e. I aint doing these stupid things just to seek for attention. Kundi dahil naguguluhan na ako. Wala akong masandalan, wala akong makapitan. 'Yung mga taong nanjan para sakin, nawala na. Ano bang meron sakin? Why do people always end up giving up on me? "I hate you daddy. But I love you, I miss you and your hugs..." "I'm sorry."

Ang sakit isipin na ang daming tao sa mundo, pero wala kahit isang makaisip na ako pa rin 'to. Na 'yung Kashly na nakilala nila, eto pa rin, andito pa rin. Nagtatago lang. Napapagod na rin ako sa ganito, naaawa na ako sa sarili ko.

Kinuha ko 'yung box sa ilalim ng kama ko. Umupo ako sa kama, hindi ko pa nabubuksan 'yung box, tumulo na agad ang luha ko. Dahan-dahan kong binuksan, at parang tinusok ang puso ko. Memory box. Nakita ko ang pictures namin ni El. My smile was so genuine that time. How I miss the old me. Kelan kaya ako sasaya ulit? Kinuha ko ang isang album, I opened it. Napasmile ako sa nakita ko. Baby pa ako at karga ako ni daddy. I look so innocent. Next page, my 7th birthday. Bino-blow ko ang candle ko at sa tabi ko, nakasmile sina mommy at daddy. "I miss you both." Next page, graduation pictures. Mga panahong proud pa sila sakin. Ngayon kaya? Nagsisisi na siguro sila at naging anak nila ako. Next page, my debut. Picture with El, mommy, and daddy. Ang cute tingnan. Wala pang problema, walang gulo. Lastly, picture namin ni daddy. Nakahug ako sa kanya at ganun din s'ya. Namimiss ko na s'ya, sobra. Parang dati lang, sobra n'ya akong pinoprotektahan at inaalagaan. Pero ngayon, wala na s'yang pakielam sakin.

Fixing a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon