six

58 2 0
                                    

Jacob's POV

1 month na ang nakakalipas pero hindi pa rin namin s'ya nakakausap nang ayos. Pag nagsasalita kami, tumitingin lang s'ya tapos iiwas na ulit ng tingin. 'Di ko pa nga ulit naririnig boses n'ya e, nakakamiss naman.

Ako ang nagbabantay sa kanya ngayon kasi nasa business meeting sina tito at tita. Sina angel naman, nagtatrabaho, mamaya pa siguro sila dadating. Thankful din ako sa kanilang dalawa, kasi walang araw na hindi sila pumunta dito.

Lumabas lang ako saglit para bumili ng pagkain namin, at naglalakad na ulit ako ngayon pabalik. Binili ko ang favorite food n'ya, carbonara.

"Kash, kain ka na, oh. Bumili ako ng carbo." Tumingin ako sa kanya, at 'yun s'ya, nakatingin ulit sa kawalan. Ano bang iniisip neto, e may amnesia s'ya?

Tumingin s'ya sakin tapos sa pagkaing dala ko. Parang may something. "Wow, sarap n'yan ah." Seryoso ba?? Nagsalita s'ya? Kinausap n'ya ko?! Shit! Tinext ko agad sina tito para masabi sa kanila na kinakausap na 'ko ni Kashly.

Masyado akong natuwa at hindi ko namalayan na natulala na pala ako. "Ay, oo naman. Masarap talaga 'to. Kain na tayo!" Nagsmile ako sa kanya at nagsmile rin s'ya. Hindi ko akalaing ganito pala 'yung feeling na alam mo sa sarili mong unti-unti na s'yang bumabalik. Pero hindi n'ya ako kilala. Yun lang. Okay na e.

"Huy ang sarap naman neto. Favorite ko na!!"
"Agad na? Isang beses mo pa lang nakakain e. Hahaha!"
"Ewan ko ba. Parang nakain ko na 'to before."
"Favorite mo kasi yan."
"Talaga? Kaya naman pala e."
"Kapag nagugutom ka, 'yan palagi pinabibili mo. Adik ka kaya jan!"

Tapos nagtawanan kaming dalawa. Hindi ko akalaing dadating ang araw na 'to, 'yung parang walang problema. Parang walang nangyari dati. Puro saya lang. Sana hindi na matapos, no? The best 'yung feeling, e.

"Nak?" Sabay kaming napatingin sa pinto. Andito na pala sina tito. Tumayo na ako para makapag-usap silang dalawa. Nakita ko 'yung luha sa mga mata nila nung nagsmile sa kanila si Kashly. Ganan din ako kanina. Best day so far, I think.

"Anak, ako si Daddy Kevin mo. At ito namang magandang katabi ko ay ang mommy mo."
"Hi Kash! Ako si Jas. Nagkakilala tayo nung college."
"A-ako.. Angel. Childhood friend mo ko."
"At syempre, ako si Jacob. Best friend of the year!"

Tapos nagtawanan kaming lahat. Si tito kanina pang naluluha. Dahil sa sobrang saya siguro. Sana magtuloy-tuloy ang mga magagandang pangyayari.

Natapos ang araw at puro kwentuhan lang kaming lahat. Nagpapakwento kasi si Kashly tungkol sa kanya at sa mga nangyari dati e. Ang kulit nga n'ya, parang 'yung dati lang.
---

Kashly's POV

Pinipilit kong maalala lahat, pero hindi ko talaga magawa. Siguro nga hahayaan ko nalang. Ang mahalaga ay yung ngayon. Sa loob ng almost 1 month, nakaclose ko na silang lahat. Ang cool lang. Ang saya sa pakiramdam.

Namdito kami ngayon sa isang bar, ewan ko ba, sinama ako ni Jacob e. Pagpasok ko pa lang, madami nang tumingin sakin. Parang nagulat 'yung iba. Madaming bumabati sakin, pero ni isa wala akong kilala. "Uy! Long time no see ah?" Parang familiar yung mukha n'ya, parang nakita ko na s'ya before, pero di ko maisip kung saan o paano. Hindi ko rin gets sinabi n'ya kaya nagsmile nalang ako. Umupo na kami ni Jacob at umorder na s'ya. Nagiging uncomfortable na 'ko dahil halos lahat napapatingin sakin. Hindi ko alam kung bakit. May dumi ba ako sa mukha? Ano bang meron?

"Uhm, magandang gabi po sa inyong lahat." Sabi nung lalaki sa stage. "My name is Nikko Jarod Subida. Ang title, 'Kapitan'"

"May mga bagay sa mundo na araw-araw nating ginagawa
Na kahit na napapagod tayo tinitiis nalang natin
At kumakapit nalang sa mga dahilan kung bakit natin sila ginagawa

Minsan nahahalata nyo na pagod na tayo,
Pero di naman ibig sabihin na sumusuko na
Andun pa rin yung pagmamahal,
Kaya nga lang, napapagod na
Kasi unti-unting nawawala yung mga kinakapitan kong dahilan
Unti-unting dumudulas yung mga palad ko sa mga dahilang binibigay mo

At para masimulan ang istorya nais kong ihaintulad ang sarili ko sa isang barko
At ang pag-ibig bilang syang gasolina na magpapaandar sa makina ko
At syempre, ikaw ang napili kong kapitan,
Na magmamaneho sa akin patungo sa iba't-ibang lugar na nais nating puntahan
At wag kang mag-alala kapitan, araw-araw kong sisiguraduhin sayo na sapat lahat ng gasolina ko para maikot natin ang buong mundo

Pero parang napaisip ako at tila naramdaman ko,
Na bumabagal ang aking pagtakbo
Bakit parang nalalapit ako sa daungan?
Kapitan, san ka pupunta? Aalis ka? Wag mo naman akong iwan mag-isa
Paano na aandar yung barko kung walang magmamaneho?
Saan ka ba kasi pupunta, kapitan?

Yung kapitan, na kasama kong suungin ang malalakas na alon sa karagatan,
Yung kapitan, na ginabayan ako patungo sa tamang daan,
Yung kapitan, na kasama kong maglakbay araw-araw,
Yung kapitan, na hindi ako hinayaang magasgasan

Pero bakit ganun, kapitan?
Bakit kailangan mo kong iwan?
Bakit kailangan kong masaktan?
Bakit kailangan mong magpadestino sa ibang barko?
May nagawa ba akong mali?

Pinalagyan ko na nga ng pangalan mo ang dibdib ko,
Para malaman ng ibang tao na ako ay pag-aari mo
Hanggang dito nalang ba tayo, kapitan?
Napagod ka na bang magmaneho?

Nasanay na kasi ako na nanjan ka sa tabi ko,
Nasanay ako kasi sinanay mo 'ko
Ginusto kita kasi ginusto mo ako,
Pinagkatiwalaan kita kasi sabi mo nagtitiwala ka sa akin,
Minahal kita kasi sabi mo, mahal mo rin ako

Ano, kapitan? Bawian lang ba ang gusto mo?
Sige, sagutin mo yung mga tanong ko
Kapag ba ako nasaktan, masasaktan ka rin ba?
Kapag ako umiyak, iiyak ka rin ba?
Kapag ako lumapit sayo, lalapit ka rin ba?
Kapag hinawakan ko ba 'yang mga kamay mo, hahawak ka rin ba?
Kapag ba tinitigan ko 'yang mga mata mo, tititig ka rin ba?
Kapag niyakap ba kita, yayakap ka rin ba?
Pag lumapit ako sayo, babalikan mo pa kaya ako ulit?
Kapag minahal kaya kita ulit, mamahalin mo pa kaya ako muli?

Hindi tayo si Popoy at Basha, para magkaroon pa tayo ng second chance
Pero para sa kaalaman mo, na kapag bumalik ka pa sa barko,
Hindi na ikaw 'yung kapitan
Isa ka na lang dating karter na andun aa masalimuot kong nakaraan
Kaya paalam sayo, kapitan."

That was intense. Nung napakinig ko, parang may nagclick sa puso ko. Parang nakarelate ako. Parang may naramdaman akong sakit. Unti-unting sumisikip ang dibdib ko. Sumasakit ang ulo at puso ko. Pakiramdam ko, umiikot ako. Lumalabo na ang paningin ko. Oh crap.

Fixing a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon