Jacob's POV
It's been two weeks, wala pa rin s'yang malay. Lahat kami, hindi kumpleto ang tulog at matamlay lahat. Miss na miss ko na si Kash. Gusto ko na s'yang makausap at mayakap. Awang-awa na ako sa kanya. Hirap at pagod na s'ya. Puro problema na ang dumadating sa buhay n'ya. Pati ako, nanghihina na. Pero kelangan kong maging malakas para sa kanya. Hindi ko dapat ipakita na naaawa ako sa kanya. Dapat malakas kami, kasi 'yun ang kailangan n'ya. Kailangan n'ya ng paghuhugutan ng lakas, at dahilan para ipagpatuloy ang buhay n'ya. Gusto kong malaman n'ya, na kahit anong mangyari, andito lang kami para sa kanya. Hindi namin s'ya hahayaang mag-isa. Nagkamali man kaming lahat noon, pero eto kamj ngayon, nag-iintay na bigyan n'ya kami ng chance upang itama lahat ng mga maling nagawa namin.
-----------------
Unknown's POVIniintay kong lumabas silang lahat, para makapasok ako. Kasi alam kong kung andun sila, baka mapatay pa nila ako. Nakitang kong lumabas si Jas ng kwarto at nagpunta sa cafeteria. Chance ko na 'to. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, dahan-dahan ding bumigat ang damdamin ko. Unti-unting sumisikip ang puso ko, at naiipon ang mga luha sa mata ko. Ganito ba talaga lahat kapag nakikita s'ya? 'Yung maiiyak ka nalang basta at maaawa sa kalagayan n'ya? Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo n'ya.
"Sorry. Alam mo, araw-araw kong pinagsisisihan 'yung araw na 'yun. At araw-araw ko ring iniisip kung bakit ganito ang buhay sa'yo. Pero siguro, God's will. Baka someday may mangyayaring maganda. Lumaban ka ha? Wag kang susuko. Madaming nagmamahal sa'yo." Umalis na agad ako sa room n'ya kasi baka may makakita pa sakin. Sumakay na ako sa sasakyan at doon ko binuhos lahat ng sakit at sama ng loob na kanina ko pang kinikimkim. 'Someday...'
-------------Complete darkness. Pinipilit kong maalala kung anong nangyari, pero wala. Unti-unti kong minulat ang mata ko. Malabo pa ang paningin ko, hindi sila maaninag. Puting kwarto. Puting kumot, higaan, at mga unan. Surrounded by people smiling and looking intently at me. Nasaan ako? Pinilit kong tumayo, pero ang bigat ng pakiramdam ko. Pinilit kong isipin kung anong nangyayari, pero biglang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit, 'yung tipong mas pipiliin mo pang mamatay nalang. Unti-unting bumibilis ang tibok puso ko. "Waaaaaaaahhhhh!!!!!!" Napasigaw ako sa sobrang sakit at gulo ng utak ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
"Doc! Doc!"
"Ano ba?! Tumawag kayo ng doctor!!"
"Anak, kalma ka lang ha. Andito si mommy."
"Ano pong nangyayari?!"Mahina, pero sapat para marinig ko. Pero unti-unti itong humihina. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Wala na akong ibang marinig, kundi puso ko lang. Wala na akong maintindihan sa sinasabi nila. Nakakabingi, ang gulo. Hindi ko na maintindihan ang paligid. "Waaaahhh!!!!!" Tinakpan ko ang tenga ko pero wala pa rin. Lalong umingay, lalong gumulo. Help me.
Naramdaman kong may tumusok sa braso ko, at unti-unti akong nanghina. Unti-unting nawawala ang ingay na naririnig ko, unti-unti ring nawawala ang tao sa paligid ko. Padilim, ng padilim, ng padilim, hanggang sa wala na akong makita.
-----
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, at nakaramdam ako ng sakit sa ulo. Ano bang nangyayari? Nasan ako?Naramdaman kong may humawak sa kamay ko, "Thank God! Gising ka na, anak!" Sabi nung lalaki, tapos nagsmile s'ya sakin.
Tiningnan ko s'ya nang mabuti, "Sino ka? Bitawan mo 'ko! 'Di kita kilala." Pagkatapos kong sabihin 'yun, yumuko 'yung lalaki. "Kash, ano ka ba? Tatay mo 'yan!" Sabi naman nung isang babae.
"Kash? Anong kash? At ikaw, sino ka rin ba? Hindi rin kita kilala. Nasan ba ako? Anong ginagawa ko dito? At anong ginagawa n'yo dito?!" Sabi ko sa kanila, at unti-unti na namang sumakit ang ulo ko. Napahamak ako at nahipo ko 'yung bandage. Anong nangyari?
Daddy Kevin's POV
"Sino ka? Bitawan mo 'ko! 'Di kita kilala." Ang sakit marinig, lalo na kung galing sa anak mo mismo. Ganun ba talaga kalaki ang nagawa ko? Na hindi na n'ya ako kinikilalang ama n'ya?
"Kash? Anong kash? At ikaw, sino ka rin ba? Hindi rin kita kilala. Nasan ba ako? Anong ginagawa ko dito? At anong ginagawa n'yo dito?!" Sabi n'ya. Naguluhan ako. Pati ata ako, sumasakit na rin 'yung ulo. Tumingin ako sa doctor, at nagsalita s'ya.
"Amnesia. May possibility na napatama 'yung ulo n'ya sa ano mang matigas na surface which resulted into this. Hayaan nalang muna natin s'yang magpahinga, wag muna nating tanungin about sa nangyari para hindi s'ya mastress. Sige po, alis na po ako. Tawagin n'yo nalang po ako kung may kailangan kayo."
What now? Paano ko maitatama ang mga mali ko kung hindi naman n'ya naaalala ang mga 'to?
Sa pag-iisip ko, hindi ko namalayang nandun na pala silang lahat sa harap ni Kashly at pinapakilala ang sarili nila. Siguro nga, eto nalang muna ang gagawin namin ngayon. Magkunwari na walang problema para hindi na s'ya mag-isip pa. Kakalimutan nalang muna namin lahat. Lumapit na rin ako sa kanila at pinakilala ang sarili ko, bilang ama n'ya. Pero gaya ng reaction n'ya sa iba, tumingin lang s'ya sakin at tumingin na sa bintana.
"Naguguluhan at pagod pa siguro s'ya, tito. Hayaan n'yo, baka next time okay na." Sabi sakin ni Jacob at tinap ang balikat ko. Napaka-positive talaga netong batang 'to.
"Siguro nga, ano? Pahinga nalang din muna tayo."
Napagdedisyunan nila Jas, Angel, at Jacob na umuwi muna sa kanila. Pinayagan ko, kasi pagod na rin 'yung mga 'yun. Wala pa rin masyadong tulog at kain sila e. Malaki rin ang pasasalamat ko sa mga batang 'yun, kasi andito pa rin sila para kay Kashly. May masamang nangyari man dati, at nagbago man ang anak ko, hindi pa rin sila sumusuko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila. Isang araw bigla nalang silang nawala. Hindi na sila bumibisita sa bahay at hindi na rin sila nakakapag-usap. Siguro, pare-pareho namin inisip na kaya na ni Kashly 'yun. Na siguro mas gusto n'yang mapag-isa. Pero mali pala kami. Kahit gaano pala kalakas at tibay ang isang tao, kailangan pa rin nila ng masasandalan. Kasi nasasaktan at nahihirapan pa rin sila.
Etong pangyayaring ito ay nagbigay ng maraming aral sa akin. Madami akong nalaman at narealize. Pero syempre, hinihiling ko pa rin na maging okay na ang anak ko, at mapatawad n'ya ako.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart
Novela JuvenilPagkatapos ng lahat ng sakit, handa ka na bang magmahal at magtiwala ulit? Will It Take Forever's BOOK 2