Daddy Kevin's POV
Being disrespected by your daughter breaks every father's heart. But I deserve this. I deserve all the hatred. Kasi ganun din naman ang ginagawa ko sa kanya. Ayoko s'yang kausapin kasi nahihiya ako sa kanya. I failed to do my job, which is to protect my daughter. Ang sakit isipin at makita na kaya nagkakaganito ang anak ko ay dahil sa kapabayaan ko. Dahil sa pagiging masama kong ama. How I wish I was given a chance to apologize, and to correct all my mistakes. "I'm sorry, anak."
I was about to sleep nang biglang nagring ang phone ko. Unknown number. Hindi ko sinagot yung call, at humiga nalang ulit. Pero nagring na naman s'ya. Baka emergency, kaya sinagot ko.
*phone convo*
"Hello? Sino 'to?"
"Hello, tito? Si Jacob po ito."
"Aba, gabi na ah? Bakit ka napatawag? Teka, nasan ka ba? Bakit ang ingay jan?"
"Si Kashly po...nabangga yung sasakyan n'ya. Pauwi na po s'ya dapat. Hindi ko po alam ang nangyari. Sorry tito. This is all my fault. Dapat hindi ko s'ya hinayaang mag-isa.."Pagkarinig ko nun, parang tumigil ang mundo ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kasalanan ko na naman. Napahamak at nasaktan na naman s'ya dahil sa walang kwenta n'yang ama!
"Okay lang, wala kang kasalanan. Pakatatag ka, kelangan ka n'ya."
"Pero tito, kelangan ka rin n'ya..."
"Nahihiya na ko sa mga ginagawa ko, Jacob. Dahil sakin kaya s'ya umalis ng bahay, kaya s'ya napahamak. Kasalanan ko 'to."
"Excuse lang po, pupunta na po kaming ospital. Sunod na po kayo, ingat po."My heart's beating too fast. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang lito na ako. Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba ang anak ko o hindi. Hindi ko alam kung matutuwa s'ya kapag nakita n'ya ako dun. Naglalaban ang isip at puso ko. Anong gagawin ko?
----
Ang amo at inosente pa rin n'yang tingnan. Kahit puro sugat, litaw pa rin ang ganda n'ya. Eto 'yung Kashly noon. Nakakamiss nga rin pala. Nakakainis, kasi ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Pagkatapos ng matagal na pag-iisip, ginising ko ang asawa ko at sinabi sa kanya ang nangyari. Kahit s'ya, naiyak din sa narinig. Nagmadali kaming pumunta sa ospital. Sana mapatawad ako ng anak ko, sana lang talaga.Umupo ako sa tabi n'ya, at hinawakan ang kamay n'ya. Nakatingin lang ako sa kanya, pero naluha na agad ako. "Naalala mo ba anak nung hindi ka natutulog mag-isa sa kwarto mo kasi natatakot ka sa multo? Na kahit malaki ka na, tumatabi ka pa rin samin sa pagtulog. Pero tingnan mo ang sarili mo ngayon, ang tapang mo na. Kaya mo ng mabuhay mag-isa. Unti-unti, nagiging malakas ka na. Nakakaya mo ng harapin lahat ng problema, nang hindi tumatakbo samin, at hindi humihingi ng tulong. Proud ako sa'yo, anak. Pero aaminin ko, namimiss ko na 'yung dati. Yung mga panahong close pa tayo sa isa't-isa, yung wala pang problema. Sayo umiikot ang mundo ko, anak. Sa inyo ng mommy mo. Lahat ng bagay, ginagawa ko para sa inyo. Mahal na mahal ko kayo."
Eto ako ngayon, umiiyak, humihingi ng tawad, at pinaparamdam ang pagmamahal sa isang taong walang malay. Alam kong kahit gaano pa kahaba ang sabihin ko, hinding-hindi n'ya ako maririnig, at lalong maiintindihan. Nakakalungkot lang isipin, na umabot pa sa ganito. Na hinayaan kong umabot sa ganito. Dapat inintindi ko s'ya, dapat dinamayan ko s'ya.
"Kevin, uwi muna tayo. Pagod ka na e, kelangan mong magpahinga at magpalit ng damit. Babalik nalang tayo mamaya." Mahinahong sabi ng asawa ko.
"Hon, dito nalang muna ako. Gusto kong bantayan ang anak ko." Hindi ako tumingin sa kanya, kay Kashly lang ako nakatingin. Gusto ko, kahit ngayon lang, andito ako sa tabi n'ya at hindi s'ya hayaang mag-isa.
"Ano ka ba? Wag ka ng makulit. Andito naman sina Angel at Jas oh. Sila na raw muna magbabantay."
Angel's POV
After hearing what happened, nagpunta na agad ako sa ospital kung nasan s'ya. Naglalakad pa lang ako, unti-unti ng bumibilik ang tibok ng puso ko. Guilt? Maybe. Natatakot ako sa kung ano man ang sasabihin n'ya sakin. Natatakot ako na baka hindi na n'ya akong ituring na kaibigan.
Nasa tapat na ako ng pinto ng room n'ya, at andun pa rin 'yung hesitation kung papasok ba ako o hindi.
"Angel?" Anak ng putcha. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil dun. Tumingin ako sa right ko at nagulat sa nagkita ko.."Jas??"5 years ago since nagkita-kita kaming tatlo. After that day, nagdecide ako na wag nalang silang kausapin, lalo na si Kashly. Si Jas, nagpalit ng number, si Kashly, hindi. Pero natatakot ako, kaya I chose not to contact her and pretend like hindi ko s'ya kilala. Weird kung iisipin, na dito pa pala kami magkikita-kitang tatlo. Na kelangang may mapahamak pa, bago ko sila makita.
Hindi ko na napigilan ang luha ko lalo na nung naalala ko 'yung kagaguhang ginawa ko nung araw na 'yun. Sobrang nagsisisi ako, kasi ako ang may kasalanan kung bakit s'ya ganito, at kung bakit s'ya andito ngayon. Tinap ni Jas ang likod ko at nagsmile s'ya sakin. Buti nalang hindi s'ya galit. Binuksan ko na ang pinto, at nakita ko si Kashly na nakahiga at walang malay. Nakaupo sa tabi n'ya ang daddy n'ya. Malungkot, kasi wala pa rin s'yang malay at napahamak s'ya, pero medyo masaya dahil may time pa para maitama ko ang lahat.
--
Nung makaalis na sina tito at tita, umupo ako sa tabi ni Kashly at hinawakan ang kamay n'ya. Napaiyak na naman ako. "Kash, I'm sorry."Hanggang dun nalang muna siguro. Hindi ko pa kaya e. Nahihiya ako sa ginawa ko, naaawa ako kay Kashly. Deserve n'yang malaman 'yung totoo, pero natatakot ako. Na baka kapag nalaman n'ya, ayaw na n'ya akong maging kaibigan, baka kamuhian n'ya ako. Ang dami na naming pinagsamahan, nakakainis, kasi ako pa mismo 'yung gumawa ng dahilan para masira ang pagkakaibigan namin. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa, I'm still hoping na one day, they'll forgive me. Sana hindi pa huli ang lahat.
------
A/N: Confused? :))))
Thanks for supporting this story, keep on reading! God bless 😘

BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart
Teen FictionPagkatapos ng lahat ng sakit, handa ka na bang magmahal at magtiwala ulit? Will It Take Forever's BOOK 2