Kashly's POV
Positive vibes lang buong araw, daming revelations about sa past ko, at puro positive naman. Nakilala ko pa ang boyfriend ko. Unang tingin ko pa lang sa kanya, ibang-iba talaga. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at unti-unting pagsmile ko. Masaya s'yang kausap, ramdam na ramdam mo 'yung sincerity n'ya.
Sadly, kelangan na n'yang umalis kasi magwowork pa s'ya. Pero sabi naman n'ya, babalik daw s'ya tomorrow.
Hindi maalis ang ngiti ko, nagtataka na nga ang maids kung bakit ang saya-saya ko raw e.
*ff next day*
--------
Nagising ako sa tunog ng phone ko. Cristoph calling... Kahit pikit pa ang isang mata, sinagot ko 'yung call.
*phone convo*
"Hello?"
"Woah, 'jwu voice', huh? haha!"
"Ano ba. Bat ka tumawag?"
"Wala lang? Gusto ko lang mag-good morning sa girlfriend ko." Shems.. :""""")
"Baliw! Good morning din."
"Punta ako jan. Kain tayo sa labas, okay lang?"
"Hala seryoso ka ba? Kagigising ko lang!!"
"I'm on my way..bye! See you, I love you."
*Tooot tooot tooot*
-----
Wtf? Ni hindi pa nga ako nakakapaghilamos e?
Nagmadali na akong pumunta sa bathroom at nag-ayos na. Tapos na akong maligo at saka ko kang narealize na naiwan ko pa ang towel sa kama ko sa sobrang pagmamadali. "Ano baaaa!" Paano ko kukunin ngayon 'yun? Narinig kong may kumatok na sa pinto ng kwarto ko. "Kash? Si Cristoph 'to. Nakabihis ka na ba?" Hindi na ako sumagot sa kanya. Hays, bahala na. Lumabas ako ng bathroom para kuhanin ang towel ko...naked. Ano ba 'to. Huhuhu. "Uy, Kash. Papasok na ko ha." Unti-unting bumukas ang pinto.. "Lintek!!! Wait lang!!" Sigaw ko sa kanya. Nagtago ako sa ilalim ng kama ko para in case na pumasok man s'ya nang tuluyan, hindi n'ya ako makikita. Talino ko talaga. "Cristoph ano ba? Lumabas ka muna." Siguro nagtataka s'ya kung saan nanggaling 'yung boses na 'yun, pero bahala s'ya. Kilabutan sana s'ya. Alam ng hindi pa tapos magbihis 'yung tao e!Nagbihis na ako, simple shirt lang, shorts, at vans ang sinuot ko. Mas maganda pa rin kasi 'yung simple para sakin. Pagbaba ko sa living room, nakita ko s'ya nakaupo sa sofa. Siguro inip na 'to. "Matagal ba? Sorry!" Sabi ko sabay peace sign. "Hindi, okay lang naman. So, ano? Let's go?" Sabi n'ya habang naka smile sakin. Nagnod nalang ako at nagpaalam na sa mga maids. Wala dito sina mommy at daddy, they're on a business trip. 'Di pa nila alam ang about dito, pero siguro naman, maiintindihan nila. Kasi di ba, dati ko pa naman boyfriend si Cristoph e.
---
Nagpunta kami sa mall, kumain muna kaming dalawa kasi hindi pa ako nagbebreakfast. Andito kami ngayon sa sinasabi n'yang favorite restaurant ko raw. Oh, wow. Nag-order s'ya ng lasagna. Wait, what? "Lasagna?" Takang tanong ko kay Cristoph. Pero tumingin s'ya sakin at nagsmile. "That's your favorite back then." Sabi n'ya sakin at nagstart na kumain. Pero akala ko ba carbonara favorite ko, sabi ni Jacob dati sa hospital? Hayaan nalang. Baka nag-iba. Hehehe. Kumain na ako at 'di nalang nagreklamo, ayoko s'yang mapahiya e. Baka naman nalito lang s'ya. Baka nga..Pagkatapos naming kumain, nagpunta kami sa arcade. "Dito tayo pumupunta palagi pag nagmomall tayo." Sabi n'ya habang naka-smile pa rin sakin. Nag-enjoy ako, sobra. Pagod man, okay lang. As long as kasama ko si Cristoph. I feel so comfortable when I'm with him.
---
"Pagod ka na ba? Last na 'to. Ipagsha-shopping kita." Sabi n'ya sakin. Hindi ata napapagod ang taong 'to. Nakasmile pa rin s'ya hanggang ngayon.
"Ano ka ba, wag na." Pagtanggi ko sa kanya. Pinipilit n'ya ako, pero ayoko talaga. Nagyaya na 'kong umuwi. Nagpunta na kami sa parking lot, at sumakay na 'ko sa sasakyan. Nagtaka ako kasi hindi pa rin s'ya pumapasok. "Kash, wait lang ha? Balik ako sa loob. May nakalimutan lang ako." Hinayaan ko nalang s'ya, kasi pagod na rin naman ako. Pinikit ko nalang ang mata ko at natulog nalang."Kash..." "Gising na." Rinig kong sabi ni Cristoph habang tinatap ang balikat ko. Napasarap pala ang tulog ko, tulog ako buong byahe at hindi ko namalayang andito na pala kami. Pinagbuksan n'ya ako ng pinto at inalalayang bumaba. "Thanks, Cristoph. Nag-enjoy ako sobra." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Wala 'yun. Basta't ikaw." Tapos nagsmile na naman s'ya. Papasok na dapat ako sa loob pero hinila n'ya kamay ko. Nagmadali s'yang pumunta sa likod ng sasakyan at binuksan ang compartment. Nilabas n'ya ang isang teddy bear at paper bag. "For you." Di na ako tumanggi pa, kakahiya pero hinayaan ko nalang. Naappreciate ko naman kasi effort n'ya. Nagsmile nalang ako at nagbabye na sa kanya.
Pero pagtingin ko sa gate, nakita ko si daddy. Nagsmile ako sa kanya at hinug s'ya. "Missed you, dad." Hinug n'ya rin ako. "Sino s'ya?" Sabay turo kay Cristoph. Nagtaka ako sa kanya. "Dad! May amnesia ka rin? Si Cristoph 'yan." Natatawa kong sagot sa tanong ni daddy. Pero ganun pa rin ang itsura ng mukha n'ya. Nagtataka pa rin. "Huh? Sinong Cristoph?!" Pati ako nagtataka na rin sa kanya. Bakit ba hindi n'ya kilala? Kasama namin si Cristoph sa picture dun sa debut ko, di ba? "Ano ba, dad. Si Cristoph, boyfriend ko 'yan, 'di ba? Dati pa." Pero ganun pa rin s'ya. Eto namang si Cristoph, hindi nagsasalita! "At pano mo naman nasabing boyfriend mo 'yan, aber?" Sabi ni daddy at tumingin ng masama kay Cristoph na nakatungo lang. "Sabi ni Jacob. Kasi dad may nakita akong box sa ilalim ng kama ko. So, nacurious ako kung sino 'yung boy. Kaya tinanong ko si Jacob. Tapos pinakilala n'ya sakin si Cristoph. Boyfriend ko raw dad." Mahaba kong pagpapaliwanag kay daddy. Ano bang nangyayari? Bat hindi n'ya kilala kung dati ko pa naman s'yang boyfriend? "I see... Sabihin mo kay Jacob, gusto ko s'yang makausap, okay?" Seryoso pa rin mukha ni daddy. "Magpaalam ka na jan. Gabi na oh, magpahinga na kayo. Pasok ka na sa loob." Pahabol n'ya. Winave ko ang kamay ko kay Jacob at nababye na. "Thank you" I mouthed. At tuluyan ng pumasok sa loob. "Ingat mo.." Yun lang ang huli kong narinig kay dad habang kausap si Cristoph kasi pumasok na ako.
What a tiring day. Pero enjoy pa rin!
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart
Teen FictionPagkatapos ng lahat ng sakit, handa ka na bang magmahal at magtiwala ulit? Will It Take Forever's BOOK 2