Kashly's POV
Tiningnan ko pa kung anong laman nung box na nakita ko, isang album. Binuklat ko ito at nakita ko yung picture ng isang baby habang karga ng isang lalaki. Next page, 7th birthday. Bino-blow nung babae yung candle n'ya at sa tabi neto, nakasmile ang mommy at daddy n'ya. Unti-unti na akong nagkakaidea kung sino ang mga taong 'to. Next page, graduation pictures. Next page, debut. Picture with unknown guy, my mommy and daddy. Ang cute tingnan, honestly. Pero hindi ko maiwasang hindi magtaka kung sino 'yung guy. Sayang lang kasi sira-sira na 'yung picture at medyo malabo na rin, nabasa siguro 'to. Lastly, picture namin ni daddy. Nakahug ako sa kanya at ganun din s'ya. Sweet pala talaga kami ni daddy 'no?
--
I tried to be productive this day, pero may gumugulo talaga sa isip ko. Sino ba kasi 'yung guy? Nakalimutan ko ng magpunta sa seaside kanina kasi pilit kong iniisip kung sino ba 'yun, bakit s'ya nandoon, at anong connection n'ya samin/sakin.Dahil nga hindi ako nakapunta kanina, ngayon nalang ako pupunta sa seaside. Umupo na ako at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung sino ba talaga s'ya.
"Lalim ng iniisip natin, ah?"
Nagulat ako dahil biglang may nagsalita sa likod ko. Tiningnan ko s'ya, si Jacob. Nagsmile lang ako sa kanya at tumingin na ulit sa dagat.
"Ano ba 'yun?" Pangungulit n'ya sakin at umupo na sa tabi ko.
"Wala, hindi naman importante." Sabi ko sa kanya at nagsmile nalang ulit para hindi na s'ya mangulit pa.
"Hindi ka magiging ganyan kaapektado kung hindi importante. Sabihin mo na. I will listen."Naguluhan pa 'ko kung sasabihin ko ba sa kanya or wag nalang. Gusto kong sabihin, kasi baka matulungan n'ya ako, para hindi na ako maguluhan pa. Pero ayaw ko kasi parang may mali. May part sakin na nagsasabing wag nalang alamin lahat. Hindi ko na alam. "Kash, ano ba. Sabihin mo na." Dahil na rin sa pangungulit n'ya, sinabi ko na 'yung totoo.
"Kagabi kasi, hinahanap ko 'yung laptop ko. Tapos may nakita akong box sa ilalim ng kama ko. Syempre, na-curious ako kaya binuksan ko. Nakakita ako ng blade tapos mga letters, album, at kung ano ano pa. Pero dun sa album kasi may kasama akong tatlo nung debut ko, si mommy at daddy, tapos meron pang isang guy. Imposible namang ikaw kasi hindi ganun katawan mo. Naguguluhan ako, Jacob. Kilala mo ba 'yun?" Nakatingin lang ako sa dagat habang sinasabi ko 'yun. Ang cool, wala paring nagbabago sa epekto sakin ng dagat. Lalo lang s'ya nakakarelax. Pero ang tagal bago sumagot ni Jacob. Nagulat din siguro s'ya sa sinabi ko.
"Dala mo ba 'yung picture?" Face palm. Nagpakahirap pa akong magkwento, may picture nga pala akong dala! Agad ko itong nilabas at pinakita sa kanya. Kinuha n'ya naman 'to tapos tiningnang mabuti. "Gusto mo bang malaman talaga? Handa ka na?" Medyo nakakatakot 'yung pagkakasabi n'ya. Parang, pag nalaman ko 'yung totoo masasaktan ako. Grabe naman. "Bukas, papakilala ko s'ya sayo."
--------
Hindi na ako nakatulog dahil sa sinabi sakin ni Jacob. Gusto ko s'yang makita, gusto ko s'yang makilala. Nakahiga ako ngayon sa kama ko, nakaligo na at maayos na ang itsura. Anytime raw kasi baka magpunta sila dito. Mas okay na 'yung handa, 'di ba? Iniintay ko lang sila. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Pinagpapawisan ako kahit bukas naman ang aircon."Kashly! May naghahanap sa'yo dito sa baba." Sabi ng isang naming katulong. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanalamin agad ako at inayos ang sarili ko. Kaya ko 'to, kaya ko 'to. Bumaba na ako at hinarap sila.
------
Jacob's POV
Sobrang nagulat ako sa kinweto sakin ni Kashly. Hindi pa ako handa, hindi pa kami handa, at lalong hindi pa s'ya handang malaman ang totoo at masaktan na naman. Masaya si Kashly ngayon, ayokong tapusin ang kasiyahan n'ya. Wag muna ngayon, hindi pa ngayon...Nandito kami ngayon sa bahay nila. Sana okay lang 'tong decision ko. Shit.
"Uy, Kash. Si Cristoph nga pala. S'ya 'yung kasama mo sa picture. Boyfriend mo s'ya. "Kita ko 'yung saya sa mga mata ni Kashly. Yung tipong parang nakumpleto ang pagkatao n'ya. 'Yung isang piece na nawawala, ngayon ay nahanap na.
Binigyan ko sila ng time para makapag-usap. Para klaruhin ang lahat. Pero sa bahay lang muna sila ngayon. Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Kashly habang kausap n'ya si Cristoph.
"Kay tagal kong inintay ang araw na 'to. Yung magkakaayos na tayo. 'Yung babalik na sa dati ang lahat. Akala ko hindi mo na ako maaalala, pero sabagay, hindi naman talaga. Pero hayaan mo nalang, gagawa nalang tayo ng bagong memories. Yung kailanman ay hinding-hindi makakalimutan ng kahit na sino sa ating dalawa. Mahal na mahal kita, Kashly." Sabi ni Cristoph. Natutuwa naman ako sa kanya. Sana hindi n'ya saktan si Kashly.
"Pasensya ka na, Cristoph, ha? Kung hindi man kita maalala. Pero gaya nga ng sabi mo, gagawa nalang tayo ng bagong memories. Promise ko sa'yong hinding-hindi ko na 'yun makakalimutan. Ngangayon lang kita nakausap, pero ang gaan ng pakiramdam ko sa'yo. Siguro nga ay dahil part ka ng past ko, magandang part." Masayang sagot naman ni Kashly sa kanya. Kung titingnan mo, ang sweet at ang ayos nilang tingnan. Sana ganito nalang palagi at wala ng dumating pang problema.Imposible man, pero hinihiling ko pa rin na walang masaktan. Wala na ulit sanang mapahamak.
Kash, lahat ng ginagawa ko ay para sa ikabubuti mo...
--------------------
A/N: Hi sa aking mama na si Amor Powers! Galing mo umacting, manang-mana ako sa'yo. Madami akong natutunan dahil sa inyo ni Diego. Hmmm. Hi, Pamela Vergara! Hahahaha
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart
Fiksi RemajaPagkatapos ng lahat ng sakit, handa ka na bang magmahal at magtiwala ulit? Will It Take Forever's BOOK 2