three

21 2 0
                                    

Kashly's POV

'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi habang umiiyak. Paga tuloy mata ko. Paano ako makakapunta sa work neto? Nakakahiya, para akong nabugbog.

Nag-ayos ako ng sarili ko at nagsuot ng reading glasses. Bumaba na ako at umupo na para kumain. Hindi ako nagsasalita, hindi ako tumitingin. Kumakain lang ako. "Anak, ano nangyari sa mga mata mo?" Sabi ni mommy. Ano ba yan, my. Hindi na nga ako nagpapahalata e. "Ay, ewan po. Hindi ko nga rin po alam nangyari e. Pagkagising ko po ganito na." Nagsmile ako para hindi na s'ya magtanong at pinagpatuloy ang pagkain ko. "Yan kasi, iinom-inom, nagmamatigas, hindi naman pala kaya. Tss." Sabi ni daddy na kinagulat ko. Tapos tumayo na s'ya at nagpunta na sa kwarto nila.
--
Andito ako ngayon sa seaside. Morning routine. Nakatingin lang ulit ako sa dagat, hindi ko nalang muna inisip ang mga problema. Ineenjoy ko lang ang view.

*fast forward:Bar*

Lasing? Nah. Tipsy lang hekhek.
"Hi"
"Uy, hello."
Nagulat ako kasi bigla n'ya akong hinalikan. Ganda ko naman ata? Hindi ako nagrespond, at hindi ko rin s'ya pinigilan. Bahala s'ya. "What the fuck?!" Kilala ko 'yung boses na 'yun. Goose bumps. Andito si daddy. "Eto ba ang ginagawa mo every night?! How dare you!" Shit. Shit. Shit. Gusto kong magsalita, pero walang lumalabas sa bibig ko. Sino ba kasi 'tong gagong lalaking 'to. Pahamak e. "D-da.. Da-ad. I-i..ts n-not wh-hat y..ou th-think." Nakakaiyak 'yung tingin n'ya. Nakakatakot. "Isa kang kahihiyan!! Umuwi ka na sa bahay! Bawal kang umalis, bawal kang lumabas!" Gusto ko s'yang habulin, pero ang bilis n'ya. Nawala na s'ya agad sa paningin ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Sobrang nakakainis, nakakaiyak. Umalis ako sa bar at sumakay sa sasakyan ko. Ayokong umuwi, hindi ko pa kayang umuwi. Nakarating ako sa seaside. "Waaaaaahhhh!!! Tangina!!!! I hate this life!!!" Napaluhod ako sa sobrang sakit, nanghihina na ako. Iyak na ako ng iyak. Parang sumasama na 'yung luha ko sa dagat. "Wag mo namang murahin ang dagat. Baka magtampo 'yan sa'yo." Wtf? Akala ko ako lang dito. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Pwede ba, umalis ka na. Gusto kong mapag-isa!"
"Ohh, wait, chill." Lumapit s'ya sakin at unti-unti kong nakikita ang mukha n'ya. Nagulat ako sa nakita ko. "Jacob?"
"The one and only." Sabi n'ya tapos nagsmile. Pero umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Duh, tampo ako sa kanya. Kasi pati s'ya sumuko na sakin. "Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah? At bat ka ba sumisigaw jan?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Umupo ako nang ayos. "Sayo ko dapat itanong 'yan. Anong ginagawa mo dito?" Naramdaman kong tumabi s'ya sakin. Pero may space sa pagitan namin. "Dinadamayan ka. Masama ba? I just feel like kelangan mo ng kaibigan tonight." Nagsmile s'ya. Nakuha pa n'yang ngumiti ha! Nakakainis! "Wow, Jacob. Wow. After 5 years? Akala ko nga patay ka na e. Nagulat ako kanina actually, kasi buhay ka pa pala. Hindi ka kasi nagparamdam e. Sa loob ng 5 years na 'yun, iniintay kita. Kasi alam kong ikaw lang makakaintindi sakin. Pero wala ka! Tapos ngayon babalik ka? Tas mawawala na naman?!" Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. "Nandun ako. Kasama mo ko. Hindi kita iniwan." Sabi n'ya, pero nakatungo s'ya. "Niloloko mo ba ako? Ni anino mo hindi ko nakita e!"
"Hindi lang ako nagpapakita sa'yo. For 5 years, binabantayan at sinusundan kita...sa bar, sa kahit saan. Kasi gusto kong maging safe ka. Nalungkot ako kasi nawitness ko kung paano ka unti-unting nagbago. Tinry kong lapitan ka nun, pero tinaboy mo 'ko. So, inisip ko nalang na, siguro hindi nalang ako magpapakita at lalapit sayo. Pero babantayan pa rin kita. Hindi mo ba naisip kung paano ka nakakauwi gabi-gabi? Kung sinong naghahatid sayo? Na kung bakit ni isa, walang nangrape sayo? Kasi nga andun ako. Hindi kita iniwan, at hinding-hindi ko gagawin 'yun." Umiiyak na rin s'ya. Ang tanga ko para magalit sa kanya, e mali pala 'tong akala ko. Ang tanga ko kasi hinayaan ko ang sakin na nararamdaman kong baguhin ako. Na ibahin ang tingin sa mundo. Ang tanga ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinug ko s'ya. 'Yung mahigpit, at dun ako umiyak ulit. "I'm sorry, bes. Sorry talaga. Sorry sa mga nasabi ko kanina. Sorry." Parang hindi ko s'ya kayang tingnan ngayon, wala akong mukhang ipapakita sa kanya. Nakakahiya ka, Kashly. "Shhh. Okay lang 'yun. Naiintindihan ko naman." Pero bigla s'yang napatigil, parang naging statue s'ya. Hindi ko alam kung bakit. Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan s'ya. Nakatingin s'ya sa left wrist ko. Oh, shit. Tinago ko 'to agad at nagsmile sa kanya. Pero ganun pa rin itsura n'ya. "Bakit ka may ganun? Bakit mo sinasaktan ang sarili mo? Hindi mo dapat ginagawa 'yun! Ano ka ba!" Galit na sabi n'ya sakin. "Ano bang magagawa ko? E ito lang ang alam kong paraan e. Sobrang sakit kasi." Bigla s'yang napatungo nung sinabi ko 'yun. May nasabi ba akong mali? "Sorry ah? Sorry kung wala ako nung mga panahong kailangan mo 'ko. Hindi sana mangyayari 'to kung kasama mo ko. Kung hindi ako umalis sa tabi mo." Tapos tumingin s'ya sa dagat. Tumulo ang luha sa mga mata n'ya. Guilt, maybe. "Ano ka ba, okay lang. At least ngayon strong na 'ko!" Tapos tumawa ako. "Strong ka jan! Weak ka pa rin, ano ka ba. Kasi ayaw mong ipakita 'yung totoong ikaw. Di ba sabi mo, wala kang pakielam sa sasabihin nila? Oh, e bakit ganyan ka? Bakit hindi mo maipakita ang totoong ikaw? Bakit kelangan mong magbago? Bakit kailangan mong itago ang totoong laman nyan *turo sa puso ko*? You should take risks, bes. Wala namang masama kung magsabi ka ng totoo, di ba?" Kakamiss 'yung ganito. 'Yung ramdam mong may taong nakakaintindi sa'yo, na anjan para sa'yo. "Kasi takot ako. Kasi alam kong walang makakaintindi sakin. Nakakalungkot ngang isipin e, pati si daddy nawala na sakin." Ako naman ngayon 'yung tumingin sa dagat. Nakakapagod ng umiyak. "Aminin mo sakin, mahal mo pa no? Hindi mo makalimutan?" Pero nakuha n'ya ulit 'yung attention ko. Mahal ko pa nga ba? "Honestly, oo....hindi naman kasi nawawala yung pagmamahal, di ba? Kaya oo." Totoo naman 'yun. "Oh, mahal mo pa pala e. Bakit kelangan mong magpretend na hindi mo na mahal? Tanga mo. Kung ako sayo, tatayo na ako ngayon at magsisimula na akong itama lahat ng mga mali ko." Naliwagan ako sa sinabi n'ya, parang nagkameron ako ng pag asa na magiging ayos pa rin ang lahat, kahit sobrang laki na ng damage na nagawa ko. "Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.."

"Sa daddy mo. Magsorry ka. Go!"

Tumakbo na ako at inistart ang sasakyan. This is it. Sobrang excited ko, hindi ko namalayan na ang bilis na pala ng takbo ko. Pati na rin ang mga sasakyang kasalubong ko. Nasilaw ako sa ilaw mula sa sasakyan, hindi ko nakita ang daan. Hindi ko macontrol ang sasakyan, hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang alam ko lang, papalapit na sakin ang truck, at wala akong magawa. *boooooogsh* unti-unting dumilim ang paningin ko, hanggang sa wala na akong maramdaman..

Fixing a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon