eleven

16 1 0
                                    

Kashly's POV

Ilang araw na ang nakalipas, at walang araw na hindi ko nakasama si Cristoph. Minsan, lumalabas kami. Pero madalas, pumupunta s'ya sa bahay. Simula nung nakilala ko(ulit) s'ya, nabawasan na ang mga tanong ko. Hindi verbally, pero through his actions, parang may something. Parang automatically ng nasasagot ang mga tanong ko.

Inisip ko rin kung bakit hindi kilala ni daddy si Cristoph. Hindi na 'ko nakatiis kaya tinanong ko s'ya nun. "Kasi nak, galing ako sa party nun. I went out with my business partners, nakainom ako ng konti. And di mo ba tanda, di ko suot glasses ko nun. Hindi ko masyadong maaninag mukha n'ya." Yan. Pag-eexplain sakin ni daddy. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yun? -_-
----
Sunday ngayon, sisimba ako with my family and Cristoph. Maaga pa lang, andito na s'ya. Hindi pa nga ako ready e. Kakatapos ko lang maligo!

"Kashly ano ba! Ang tagal mo oh, malelate na tayo." Sigaw ni mommy sakin. "Opo my. Pababa na" sagot ko naman sa kanya. Kasi naman, nagpaganda pa ako, kasama kasi si Cristoph. Hihi.

*ff to church*

This day made me realize how lucky I am. Wala na akong hihingin pa. Kumpleto na e, masaya na ako sa kung ano man ang meron ako ngayon. Loving and understanding family, 'yung never silang nawala sa tabi ko. May magawa man akong mali, anjan pa rin sila at handang bigyan ako ng second chance. Tapos anjan pa si Cristoph. Dala-dala n'ya ata lahat ng pieces ng puzzle, (which is ang buhay ko) e. Kasi naman, halos araw-araw, makita or makasama ko lang sya, ang saya-saya ko na. Wala na talaga akong hihilingin pa. Thanks, papa God!
---

Pagkatapos naming sumimba, nagpunta kami sa isang restaurant. First(?) time ni Cristoph makasama ang family ko, well, first time since naaksindente ako. Though nabawasan ang mga tanong ko, may mga tanong pa ring natitirang unanswered. Bakit ako naaksindente? Nasan si Cristoph nun? May nakapagsabi pa sakin na break na raw kami ni Cristoph bago mangyari 'yung aksidente. So 'yun nalang ang pinanghahawakan kong sagot, saklap, kasi hindi sure. Gusto ko sana s'yang tanungin, kaso parang may pumipigil sakin.

"Kamusta ka na, Cristoph? Tagal mong di nagpakita ah." Nakangiting tanong ni mommy sa kanya.
"Okay naman po, tita. Oo nga po e. Medyo naging busy din po kasi lately." Nakangiting sagot din ni Cristoph.
"Busy? Saan? Ano ba trabaho mo?" Seryosong tanong naman ni daddy. Itong side na 'to ang ayokong makita. Sobrang nakakatakot. Pati ako kinabahan e.
"Ahhh, e, nagwowork po ako sa isang company. Tapos nagbabasketball pag weekends." -Cristoph
"Ohh, basketball. I see. Hanggang ngayon pa rin pala ano? Saang company ka nagwowork?" Seryoso pa rin si daddy. 'Yung tingin n'ya kay Cristoph parang pinapatay na n'ya boyfriend ko e. Parang wala s'yang tiwala dito. Ano bang dahilan kung bakit kami nagbreak neto?
"S-sa...sa an-no po...sa--"
"Ano ba kayo, mamaya na 'yan kain muna tayo." Pagputol ni mommy sa sinasabi ni Cristoph. Pagtingin ko sa kanya, nakapikit s'ya at parang nakahinga nang maluwag. Parang baliw 'to.

Nawala 'yung tension sa atmosphere, salamat sa foods. Yeeey!! Sabi ni daddy, maglakad-lakad muna raw kami sa mall, bonding na rin daw naming apat. Sadly, hindi makakasama si Cristoph kasi may lakad daw sila ng katrabaho n'ya e. Sabi ko nga, bakit hindi n'ya sinabi sakin, edi sana next time nalang kami sumimba. "Biglaan e" tipid n'yang sagot sakin. Pinagpapawisan s'ya, parang hindi mapakali. So naisip ko, baka natatae lang s'ya. Joke! Hinayaan ko nalang. "Thanks, tito, tita. Sa uulitin po. Bye, Babe! I love you. Text kita later, okay?" Sabi ni Cristoph bago s'ya umalis at kiniss kami ni mommy sa noo. How sweet of him. <3
---
Ginawa na namin kung ano 'yung gusto ni daddy, ang maglakad-lakad muna. Tagal na namin 'tong hindi nagagawa e. Medyo busy na rin kasi sila. Para akong batang pinapasyal ng parents n'ya sa mall. Nakahawak ako sa kamay nilang dalawa, savoring the moment. Ang swerte ko sa kanila. Bumili kami ng furnitures, pati na rin damit. Napansin kong medyo hinihingal na si daddy. Kunwari nalang di ko napapansin. Si daddy talaga! Nagpretend ako na pagod na ako, kahit hindi pa naman talaga, para na rin makapagpahinga na silang dalawa. Pumayag naman agad si daddy. See? Pagod na talaga s'ya.

Sobrang bored ako sa sasakyan, kasi traffic, kaya nagpatunog nalang ako.

"you really know where to start
fixing a broken heart
you really know what to do
your emotional tools can cure any fool
whose dreams have fallen apart
fixing a broken heart"

Sinabayan ko na ang kanta, kahit na di ko alam ang lyrics. Bakit ba, e ang ganda kasi sobra. Habang kumakanta ako dito, napansin kong ang tahimik ng mga kasama ko. Pag tingin ko, oh wow. Tulog na sila pareho. Ayan kasi, kunwari hindi napapagod, e ang totoo sobrang pagod na naman. Pero okay lang, lalo kong nafeel ang importance ko sa kanila. Kahit pagod na sila, tiniis nila kasi nakikita nilang masaya ako. I am so damn lucky to have them.

Nakadating na kami sa bahay, ginising ko na silang dalawa. Hindi ko na sila makausap nang maayos kasi dere-deretso na sila sa kwarto nila. Woah. Napatawa nalang ako sa kanilang dalawa. Sobrang cute. Sana pagtanda ko, 'yung lalaking mapapangasawa ko ay katulad ni daddy. Sobrang sweet, kahit matanda na.

Nagpunta na ako sa room ko at humiga. Another tiring day, pero sobrang nag-enjoy ako. Gusto ko ng matulog, pero inisip ko muna ang mga nangyari sa araw na 'to. Eto 'yung isa sa mga pangyayaring hinding-hindi ko makakalimutan, at hinding-hindi ko ipagpapalit. I was about to sleep nang biglang nagring ang phone ko. Cristoph calling... Sinagot ko 'yung call n'ya kahit antok na ako.
"Babe?" Sabi n'ya sakin.
"Yes??" Matamlay na sagot ko, kasi sobrang antok na ako.
"Tulog ka na ba?"
"Pffft. Seriously? Oo tulog na ko, kaya nakakausap mo ko e."
"Girlfriend ko talaga, napaka kulit! Sige na. Matulog ka na. Tumawag lang ako parang magthank you sayo. Thanks for this day, babe. I love you. Good night."
*tooot* *tooot* *tooot*

May pahabol pa pala! Lalo ng naging maganda ang araw na 'to. Hayyyy. :)))
-----------
Lame update, sorry ✌🏻️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fixing a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon