Kashly's POV
Pagkatapos kong mahilo sa bar, hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Pagkagising ko, nakahiga na ako sa kama ko at binabantayan ako nina mommy at daddy. Di ko alam kung bakit nangyari 'yun.
"Oh, nag-iisip ka na naman. Sabi ng doctor bawal ka mastress. Pahinga ka nalang muna, nak. Wag mo munang piliting maalala lahat." Mahinahong sabi sakin ni daddy. Dahil ba sa stress? Maybe.
"Sorry, dad. Inisip ko lang naman kung bakit ang lakas ng epekto sakin nung poem na narinig ko kagabi. Tapos naging ganun na. Ang weird nga po e."
"Ano ka ba, hayaan mo na. Baka magaling lang talaga magdeliver yung tao at maganda 'yung message ng poem."
Umalis na sila kasi may pupuntahan pa raw sila. Pinagbawalan muna nila akong lumabas kasi baka kung ano na namang mangyari. Iniisip ko kung ano ba talaga meron sa poem..o baka naman 'yung lalaking nagsasalita? Kakilala ko ba s'ya? Baka close kami dati, kaya nagtitinginan sakin 'yung mga tao!
--
Nainspire ako sa kanya kaya nagpunta ako sa study table ko, at kumuha ng papel at ballpen. Noong una wala akong maisip na topic, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Pero eventually, naging okay din naman. Ineenjoy ko s'ya at parang kusang dumadating 'yung ideas, na parang nagkkwento lang ako ng nakaraan ko."Ang buhay parang maze lang yan. Kelangan mong magdecide kung alin ang tama at mali, kung san ba mas safe, at marami pang iba. Pero di tulad ng totoong maze, sa buhay, may mga taong tutulong sayo at meron ding mga magpapatalo sayo. Pamilya. Ang mga yan, sa simula pa lang anjan na. Yung tipong unang hakbang mo palang, ginagabayan ka na. Kaibigan. Tutulungan ka nilang itama ang mga mali mo, at pasayahin ka kahit na minsan nagkakamali ka. Mga guro. Tinuturuan ka nila kung pano nga ba magdesisyon nang tama. Pero ang mga taong makakalaban mo dito, kaibigan. May ibang tao na tutulungan ka kunwaring magdecide kung alin ang tama, pero dun ka ipupunta sa mali. Kelangan mong maging alisto. Kailangan mong piliin ang mga dapat paniwalaan at pagkatiwalaan. At ang pinakamatindi mong kalaban ay ang sarili mo. Mula sa una, hanggang sa huli, nasa sa atin ang desisyon kung kanino tayo makikinig at magbibingi-bingihan."
'Di ko alam kung saan ko hinugot 'yun. Wow. Ka-amaze ako. Lol.
'Di ko maiwasang isipin kung ano at sino ba ako noon. Sino bang mga kaibigan at kasama ko noon, sila Jacob din ba? Nainlove na kaya ako dati?
Para akong sanggol na bagong panganak pa lang. Wala akong kaalam-alam sa mundo. Wala akong kakilala. Minsan naiisip ko, sobrang hirap ng sitwasyon ko. Para akong nasa isang tahimik at madilim na lugar. Hindi ko alam kung sino o kung may kasama ba ako. Kung ano na bang nangyayari. Para akong isang puzzle na iisang part pa lang ang nakalagay. Araw-araw, bawat oras, hinahanap ko ang mga bagay na makakakumpleto sakin. Mga bagay na ibibigay ang mga kailangan ko, bibigyan ako ng identity, at ng kung ano ano pa. Ang hirap. Kung iisipin, madali lang. Pero hindi pala. Sobrang hirap maligaw sa mundong kinasanayan mo, na ngayon ay nakalimutan mo na.
Ang hirap, kapag isang araw, nagising ka nalang na wala ka ng naaalala. Ni pangalan mo, hindi mo alam. Back to zero ka.
Gustong-gusto ko ng makaalala. Gusto ko ng malaman 'yung totoo. Kasi pakiramdam ko, 'yun lang makakakumpleto sa pagkatao ko.
-----
'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nag-iisip. Gabi na, at andito na sila mommy. Nagpaalam ako sa kanila na lalabas ako, nung una ayaw nilang pumayag, dahil siguro sa nangyari sakin nung huling lumabas ako ng bahay. Pero sabi ko, wala namang mangyayari at babalik na rin ako agad. Kaya pumayag na sila, pero hindi ako pwedeng mag-isa. Pinasama nila ako sa driver, medyo hindi okay pero okay lang. Hinayaan ko nalang, wala naman na rin akong magagawa."Kuya, sa seaside po." Hindi ko alam kung anong meron, pero parang gusto kong tumambay dun. Parang tinatawag ako ng dagat. Sobrang naguguluhan ako, at ito lang ang paraan na alam ko parang makapagrelax ako. Madaming ibang paraan, pero eto ang unang pumasok sa isip ko.
Naglalakad pa lang ako palapit, pero nakaramdam na agad ako ng konting saya. Parang unti-unting nalalaglag ang mga problema at iniisip ko. Buti nalang talaga dito ako nagpunta. Nakakagaan talaga s'ya ng loob. Ang sarap sa pakiramdam habang tinitingnan mo ang dagat, 'yung ramdam na ramdam mo ang hangin na yumayakap sayo, 'yung tahimik na lugar na tanging ang alon lang ang nadidinig mo.
Ang saya sa pakiramdam, kasi dito, kahit anong gawin mo walang makakapansin sayo. I guess I just found my latibule..
---
Unknown's POVSo here I am, pinapanood ang stars at ang kalmadong dagat. Madami akong gustong gawin, pero siguro ito nalang muna ngayon. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko.
--------------------------
A/N: Hi sa sexy, maganda, at habulin ng langaw, joke! Habulin ng chix na si Jannalyn Biscocho! Ang sexy mo. Ang galing mo pa kumanta. Ikaw na.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart
Teen FictionPagkatapos ng lahat ng sakit, handa ka na bang magmahal at magtiwala ulit? Will It Take Forever's BOOK 2