Twenty First Blood : President's Secrets and Lie

16 2 0
                                    

Reena's Point of View

Paakyat ako sa ikalawang palapag ng villa. Pag akyat ko dun ay napadaan ako sa isang kuwarto.

Nagulat ako sa nasaksihan ko. Sarado ang pinto ngunit may umaagos na dugo mula sa loob ng kuwartong iyon.

Pagkabukas ko ng pinto ay napaatras ako sa nakita ko. Isang bangkay ang nakita kong naliligo sa sarili nitong dugo.

Dahil sa takot. Tinahak ko nang patakbo pababa ang villa para humingi ng tulong. Sa hagdan ay nakasalubong ko ang tour guide namin.

"Oh bakit ka tumatakbo?" Tanong niya sa akin.

"M-m-may p-patay dun." Nanginginig kong pahayag kay ate Ella.

"Ano? May patay? Saan?" Tanong niya sa akin.

Tinuto ko ang kuwarto kung nasaan ko nakita ang bangkay kanina.

"Sige. Pupuntahan ko iyon. Humingi ka ng tulong sa mga kaklase mo. " tumango lang ako sa kanya bilang tugon.

Agad akong pumunta sa mga kaklase ko. Nang makita ko sila Gail at Kyla na nag uusap ay nilapitan ko sila.

"Gail. Kyla. May patay dun sa taas na kuwarto." Sabi ko sa kanila.

"Ano. Sino?" Mukhang nagulat sila Kyla.

Pati ang ibang nakarinig ay mukhang nagulat. Maliban sa ibang kaklase kong lalaki. Na mukhang sanay na.

Nagsitakbuhan silang lahat paakyat sa kuwarto na iyon.

"Ano ba yan. May patay na naman." Sabi ni Robert kay Bren.

"Hahaha. Hayaan mo na. Di ka pa ba nasanay. Ako nga eh. Diring diring humawak ng dugo dati ngayon kahit laman loob na kayang kaya ko nang hawakan eh." Sabi ni Bren kay Robert.

Nandiri naman ako sa inasal ni Bren. Kaya siguro pinaghinalaan ito ni Chael dati.

"Wag ka ngang ganyan. Demonyo ka talaga. Hahaha. " sabi ni Robert kay Bren.

"Anong demonyo ka diyan. Malamang. Sa araw araw ba namang makakita ka ng bangkay di ka pa ba masasanay?" Tanong ni Bren kay Robert. Nakakadiri talaga itong dalawang ito.

Speaking of the Devil, isa sila sa mga matagal ko nang pinaghihinalaan ngunit ayaw ko namang mambintang at magbitaw ng mga salita na makakasakit sa kanila kung mali ako. Makakasakit pa ako ng damdamin at mapapahiya lang ako sa huli.

Umakyat na ako sa kuwarto kung saan ko nakita ang bangkay. Kanina pa sila andito.

Sinusuri ng iba ang bangkay.

"Si chael yan." Sabi ni Gail.

Halos mandiri ang iba sa sinapit ni Chael. Puro saksak ang katawan. Bugbog at namamaga. May nakatarak pang kutsilyo sa bunbunan nito. Sobrang kakaiba talaga. Nakakaawa talaga.

Di ko maimagine na siguro o mayamaya. O kaya sa susunod pang mga araw ay baka mangyari rin ito sa akin.

"Okay guys. Tulungan niyo akong maalis na sa kuwartong ito ang bangkay ng kaklase niyo." Sabi ni Ate Ella.

"Ate. Kailan ba tayo aalis dito. Sawang sawa na ako sa mga ganitong senaryo. Baka nag aalala na ang mga magulang ko." Sabi ni Heizel kay Ate Ella.

"Ano ba naman kasi yan eh. Ate naman. Sana tulungan nyo man lang kami. Wala ka naman kasing ginagawa eh. Porket alam mong di ka mamamatay dahil di ka kabilang saamin ay hahayaan mo lang kaming mamatay. Sana gumawa ka naman ng paraan. Di yung hahayaan mo lang kaming mamatay isa isa." Sabi ni Cecille. Na halatang bardang barda na kay Ate Ella.

Napaiyak si Ate Ella sa inasal ni Cecille.

"Sorry talaga. Di ko kasi talaga alam ang gagawin ko eh." Sabi niya saamin.

"Ikaw ang nakakatanda. Dapat alam mo ang dapat naming gawin." Sabi pa ni Cecille.

"Cess ano ba. Respeto naman oh." Sabi ni Lea kay Cecille.

"Paano ko siya ererespeto kung papabayaan niya lang tayo rito." Sabi niya kay Lea.

"Oo nga naman Cess. Irespeto mo naman siya. Dahil siya ang nakakatanda rito." Parang naiinis na pahayag ni Shiela kay Cecille.

"Irerespeto kita kung magagawa mo kaming ialis sa lugar na ito. Ikaw ang nagdala sa amin dito. Ikaw ang mag alis sa amin dito." Dagdag pa ni Cess. Sabay nag walk out.

Lumapit kami kay Ate Ella at kinomfort namin.

Nagtulong tulong ang mga kaklase ko sa pagtanggal ng bangkay ni Chael. Katulong nila sa pag aayos ay si Ate Ella.

Natoka naman kami sa pag aayos ng kuwarto kasama na ang paglilinis nito.

Biglang dumating si Vic. Halatang bagong ligo.

"Saan ka galing?" Tanong ni Kyla.

"Naligo lang ako." Sabi ni Vic.

"Anong ganap?" Tanong ni Vic.

Parang may kakaiba sa kanya.

"Nakita namin si Chael dito. Na wala ng buhay." Parang di man lang nagulat si Vic sa shinare ni Kyla.

"Tulungan ko na kayo." Sabi ni Vic. Tumulong siya sa amin na mag ayos ng kuwarto.

Kakaiba ka talaga ngayon Vic.
May tinatago ka.

Kitang kita ko sa mga mata niya na may tinatago siya.

Malalaman ko rin yun.

♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣

Authors Note : Sorry kung maikli na yung chapters.

Please Read Vote and Comment.

~pogingAuthor

The Deleterious Class (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon